Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

BANTUGAN

Aralin 3

“Ang taong mainggitin, humihiwalay sa


karamihan at salungat sa lahat ng tamang
kaisipan.”
Alam mo ba?
• Ang mga mamamayan sa Mindanao ay mayroon
ding mayamang panitikan. Nagpapatunay nito
ang katipunan ng aklat na nagtataglay ng
epikong pinamagatang Darangan. Ang ma
epikong ito ay binubuo ng 25 kabanata. Ito ay
naglalaman ng kabayanihan, kagitingan, at
kahanga- hangang gawain ng mga Meranao. Ang
aklat na ito ay inihahalintulad sa Iliad at
Odyssey ni Homer.
Alam mo ba?
• Tinawag itong Odyssey ng Lanao. Ilan sa kilalang.
kilalang epiko mula sa Darangan ay ang Bantugan,
ang Indarapatra at Sulayman, at ang Daramoke-a-
Babay. Sa araling ito ay matutunghayan mo ang isa
sa tatlong mahalagang akda ing Darangan -ang
Bantugan, na orihinal na naitala sa wikang
Méranao na sinasabing isang wikang Malayo-
Polynesian. Ito ay buong tiyagang inilaga) sa
katitikan ni Dr. Frank Laubach noon lamang 1930
na nagpapasalin-salin lamang sa isip at bibig noon.
Panuto: Isulat sa papel ang kasingkahulugan
ng salita o parirala sa loob ng pangungusap
ng mga salita o pariralang nasa panaklong.
(Kaharian) 1. Ang hari ay nagtala ng mga kawal
sa buong palasyo upang mabantayan
si Bantugan.

(pinaglamayang patay) 2. Nakaburol na ang prinsipe


nang siya’y muling nabuhay.
(Konseho) 3. Madalas mag-usap ang sanggunian ng
mga pinuno sa kaharian tungkl sa
kapayapaan.

(kampilan) 4. Ginamit ni Bantugan ang kanyang


sandata upang matalo ang maraming
kaaway.

(bilanggo) 5. Naging bihag ng kalaban si Bantugan


ngunit panandalian lamang.
Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang
may diin sa bawat bilang.
1. Ang hari ng Bagumbaran ay may ugaling mainggitin.
a. Kontento b. magagalitin c. masayahin

2. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan nina Haring


Madali at Haring Miskoyaw.
a. kaguluhan b. kasiyahan c. pagkakaunawaan

3. Mabilis na sumalakay ang mga kawal sa kaharian


nang makitang dumating ang mga kalaban.
a. umabante b. umatras c. umuwi
4. Nabihag ng kalaban ang nanghinang prinsipe.
a. nakalaya b. nakasara c. nakulong

5. Nagdiwang ang lahatsa tagumpay na natamo ng


magkapatid.
a. nagdalamhati b. naghanda c nagsaya
Bantugan
bantu
Katanungan:
1. Sino si Prinsipe Bantugan? Ano-ano ang mga
katangiang taglay niya?

2. Bakit kaya pinili pa niyang maging prinsipe gayong


siya ang pinakamagaling at gusto ng mga taong
maging bagong hari ng Bumaran?

3. Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan,


magpaparaya ka rin ba para sa iyong kaatid? Bakit?
Katanungan:
4. Makatwiran ba ang ginawang utos ng hari laban sa
kanyang kapatid?

5. Isalaysay ang mga pangyayari sa buhay ni Prinsipe


Bantugan mula lisanin niya ang kaharian.

6. Anong katangian ang ipinakita ni Prinsesa


Datimbang?

7. Ano kaya ang maaaring mangyari sa kaharian kung


tuluyan nang namatay si Prinsipe Bantugan?
Katanungan:
8. Paano makikita sa akda na ang inggit ay nakasisira
ng isang relasyon?

9. Bakit kaya hindi natiis ni Haring Madali na


pabayaan ang kapatid sa huli?

10. Kung ikaw si Haring Madali, gagawin mo rin ba


ang ginawa niyang pagliligtas sa kanyang kapatid?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Katanungan:
11. Ano ang naging bunga ng muling pagsasama ng
magkapatid na Bantugan at Haring Madali?

12. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa


akdang ito?
Panuto: Bigyan ng tamang paghihinuha ang mga ideya
o pangyayaring naganap sa akda. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Pinagbawalan ni Haring Madali ang kanyang mga
nasasakupan na makipag-usap kay Prinsipe
Bantugan dahil sa sobrang inggit. Si Haring Madali
ay...
a. Desperado na sa kanyang buhay dahil walang
nagkakagustong dalaga sa kanya sa kanilang
kaharian.
b. Nakagawa ng mali at makasariling desisyon bunga
ng kanyang pagkainggit.
2. Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si
Prinsipe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran. Si
Bantugan ay…
a. Takot sa Hari kaya’t di na niya ito kinausap dahil
baka patawan pa siya ng panibagong parusa.
b. Tunay na gumagalang sa Hari kaya’t pinili na
lamang niyang tumahimik at lumayo sa kabila ng
kalungkutang nadarama.
c. Walang kapangyarihan sa kanyang kaharian sa
kabila ng kanyang pagiging prinsipe.
3. Nagulumihan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid
niyang hari kaya’t nakigpulong sila sa konseho. Si
Prinsesa Datimbang ay…
a. Malilituhin kaya’t nahihirapang magdesisyon sa
kanyang sarili.
b. Maingat sa kanyang pagdedesisyon kaya’t
sumasanngguni muna siya sa mga kinauukulan.
c. Hindi maaaring makapagdesisyon sa kanyang
sarili lamang dahil nasa ilalim siya ng
kapangyarihan ng konseho.
5. Nang mabalitaan ni Miskoyaw, dating kaaway ni
Haring Madali na namatay na si Bantugan ay dagli
siyang nagpadala ng mga kawal upang salakayin
ang Bumbaran. Si Haring Miskoyaw ay…
a. Mapagpatawad sa kanyang mga kaaway.
b. Mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa.
c. Matalino at mahinahong hari.
Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa

Talata – ay isang maikling kathang binubuong mga


pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may
layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa
pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di
lantad. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng
isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap na magkakaugnay.
Uri ng Talata

2. Gitnang talata o talatang ganap


– Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang
komposissyon.
- Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin
ang pangunahing paksa.
- Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang
ganap na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng
manunulat.
Uri ng Talata

1. Panimula – Ito ay nasa unahan ng isang


komposisyon.
- Dito nakasaad ang paksa na nais
talakayin ng manunulat at kung ano
ang kanyang ipinaliwanag,
isinasalaysay,inilalarawan, o
binibigyang-katwiran.
Uri ng Talata

3. Wakas o talatang pabuod


– ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang
komposisyon.
- Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang
nabanggit sa gitna ng talata. Minsan ginagamit ito
upang bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon.
Iba’t ibang Paraan o Teknik na ginagamit sa
pagpapalawak ng Paksa.

1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon
– May mga salitang hindi agad-agad
maintindihan kaya’t kailangang bigyan ng
depinisyon.
- Ito’y mga bagay o kaisipang nangangailangan
ng higit na masaklaw na pagpapaliwanag.
- Ang kaurian, kaantasan, at kaibahan ng mga
salitang ito ay binibigyang-diin sa pagbibigay
ng depinisyon.
Iba’t ibang Paraan o Teknik na ginagamit sa
pagpapalawak ng Paksa.

2. Paghahawig at Pagtatambis
– May mga bagay na halos magkapareho o nasa
kategoryang iisa.
- May mga bagay rin namang magkakaiba.
- Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad
ay pinaghahambing upang mapalitaw ang
kanilang mga tiyak na katangian, samantalang
ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman
upang maibuklod ang isa sa isa.
Iba’t ibang Paraan o Teknik na ginagamit sa
pagpapalawak ng Paksa.

3. Pagsusuri
– ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga
kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.
- higit na madaling maintindihan ang kalikasan
ng isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang talata?

2. Ano ang layunin ng pagsulat nito?

3. Isa-isahin ang iba’t ibang uri ng talata ayon sa


kinalalagyan sa komposisyon.

4. Bakit mahalagang balikan ang mga kaisipan


tungkol sa pagtatalata?
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

5. Paano nakatutulong sa pagsulat ng talata ang


pagpapalawak ng kaalaman sa paksang tinalakay.

6. Ano ano ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng


paksa? Isa-isang ipaliwanag ang mga ito.

7. Paano naiba ang bawat teknik sa bawat isa?

You might also like