Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 76

Introduksyon sa

Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Kahulugan ng Pananaliksik
> Ang pananaliksik ay batay sa nasusulat na
katibayan.

> Ang pananaliksik ay isang sistematikong


paghahanap sa katotohanan at kadahilanan
ng mga likas na kaganapan sa pamamagitan
ng siyentipikong pamamaraan
Galileo Galilei (1564-1642)

“Ama ng Siyentipikong Pamamaraan”


Ayon sa Encyclopedia Britannica (1970)

“Maski habang si Francis Bacon ay nagmamatuwid, ang totoong paraan ay isinasabuhay ni Galileo, sa pagsasama-
samang pagmamasid, pagpapalayag, sipnayang paghango, at pantiyak na pagsubok na naitatag ang agham ng pagkilos.”
Layunin ng Pananaliksik
May dalawang payak na layunin ang
pananaliksik:
1. Ang paghahanap ng katotohanan;
2. Ang paghahanap ng kapaliwanagan o
katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi
agarang matatamo.
Sa pagtahak sa katotohanan ay
kinakailangan ang sumusunod:
 1. Datos –
batayang yunit ng impormasyon
 2. Impormasyon – mga pinag-ugnay na datos

 3. Detalye – mga naberipika na impormasyon

 4. Palagay– mga posibleng kaugnayan o pinagmulan ng


mga detalye
 5. Teyorya
– mga nasubok na palagay
 6. Prinsipyo, batas, o katotohanan – mga napatunayang

teyorya
Katangian na dapat taglayin ng isang pananaliksik
1. Kontrolado
- Ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat magdudulot ito ng kawalang katiyakan at pagka-inbalido (invalid) ng resulta ng pananaliksik.

2. Balid
– Masasabi na ang pananaliksik ay balido kung ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan o ebidensya sa pamamagitan ng kakayahang idepensa o ipaliwanag ang mga ito.
3. Sistematiko
– Magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-
aanalisa ng impormasyon o datos sa iisang layunin ang
katangiang ito.

Sa sistematikong pamamaraan, inaasahan na sinusunod


ang prosesong ito:

(1) pagtukoy ng problema


(2) pagrerebyu ng mga impormasyon
(3) pangongolekta ng datos
(4) pag-aanalisa ng datos
(5) pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon
4. Obhektibo, Lohikal, at Walang Kinikilingan – Hindi
dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ang
pagbibigay ng interpretasyon sa pananaliksik.

5. Kwantiteytib o Kwaliteytib – Nakalahad sa kwantiteytib na


pamamaraan ang mga datos kapag ito ay gumagamit ng
istatistiks (statistics) tulad ng porsiyento, tsart, mean, median,
mode at iba pang uri ng distribusyong numerikal. Nasa
pamamaraang kwaliteytib naman ang pamamaraan kapag ito
ay naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan (nature) ng isang
sitwasyon o pangyayari gamit ang pandama o senses.
6.Empirikal – Matatag ang pananaliksik kung gagamitan
ito ng mga empirikal na mga katibayan o kaalaman sa
pamamagitan ng matamang pagmamasid o
eksperimentasyon sa pagkuha o pagbuo ng mga
impormasyon
7. Mapanuri – Dumaraan ito sa masusing interpretasyon
na walang bahaging pagkakamali ayon sa paggamit ng
tamang estatistika at analitikal na pagbibigay
interpretasyon mula rito. Gayundin ang tamang
pagbibigay interpretasayon lamang sa nasaksihan ay
bahagi ng isang mapanuring pananaliksik.
8. Pinagtitiyagaan o hindi minamadali

–Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon


at paulit-ulit na pagrerebyu sa mga datos
at resulta ng pananaliksik na may pag-
iingat. Ginagawa ang pananaliksik gamit
ang tamang panahon at oras o time
table.
Katangian ng mahusay na mananaliksik at mga balakid na maaaring
kaharapin nito

1. Mapanghinala – Ang isang mananaliksik ay katulad ng


isang imbestigador; lahat ay pinaghihinalaan hangga’t
hindi natataggal ang pagdududa.

2. Matanong - Ang isang mananaliksik ay dapat ring


matanong, may mga datos na hindi makukuha sa iisang
pinanggagalingan lamang, dapat ay tuntunin lahat ng
piraso ng datos upang makabuo ng isang kahatulan.
3. Matiyaga – Ang kalaban ng bawat mananaliksik
ay oras. Ang mga datos ay hindi kusang lumalapit
at lalong hindi kaagad na nakukuha.

4. May paggalang sa kapwa tao – Bilang isang


mabuting mananaliksik, nararapat na respetuhin
natin ang gawi at pananaw ng iyong kapwa.
5. Maingat – Sa pagkuha at pagpili
ng mga datos ay kinakailangan ng
pag-iingat lalo na sa usapin ng
pagkilala o dokumentasyon ng mga
pinagmulan ng mga ideya o
impormasyon.
Mga uri ng pananaliksik batay sa panahon na
pakukunan ng datos
1. Diskriptib – Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay
maglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng isyu o
paksang sinasaliksik.
2. Eksperimental – Ginagamit kung ang datos na hinahanap
ay tutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinag-aaralan at
karaniwang nangangailangan ng grupong lalapatan nang
interbensyon at tatayain ang pagbabagong naganap
kontra sa grupong nilapatan ng interbensyon.

Historikal – Ginagamit
3.
kung ang datos na
hinahanap ay maglalarawan
sa kalagayan o kaganapan
sa nakalipas na panahon.
Uri ng pananaliksik batay sa klase ng pagsisiwalat ng
datos

1.Kwantiteytib – Ito ay ginagamit sa pagkalap ng


numeriko o istatistikal na datos upang makabuo ng
pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa
paksa o isyu na pinag-aaralan. Ang klase ng pag-
aaral na karaniwang nilalapatan ng istatistiko ay ang
pag-aaral sa relasyon at pag-aaral na ebalwasyon.
Ang pag-aaral sa relasyon ay
naglalayong tukuyin ang kaugnayan ng
mga pabago-bagong batayan sa isa’t isa.
Ang pag-aaral sa ebalwasyon ay
naglalayong ikumpara ang mga nakalap
na datos sa mga binalangkas na
pamantayan
2. Kwaliteytib
– Ito ay ginagamit sa pagkalap ng
mga karanasan ng tao sa kanilang
ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin
sa numerikong pamamaraan upang makita
ang magkakaibang reyalidad ng paksa o isyu
na pinag-aaralan. Ang pag-aaral na
karaniwang gumagamit ng kwaliteytib na
pamamaraan ay grounded theory, etnograpiya,
pinominograpiya, at pinominolohiya.
Grounded Theory – Unang ginamit
nina Barney Glaser at Anselm Strauss
noong 1967. Ang datos ay kinakalap at
sinusuri at mula doon nabubuo ang
teorya. Ito rin ay pinaniniwalaang
bumubuo ng teorya na mas malapit sa
reyalidad.
Etnograpiya – Ang kaisipan sa likod ng
etnograpiyang pananaliksik ay yaong
pagmamasid ng mananaliksik sa paggalaw ng
kanyang pinapaksa nang may pagtatangi sa
panahon.

Pinominograpiya – Ito ay isang balangkas na nag-


iimbistiga sa mga kwaliteytib na paraang
nararanasan o naiisip ng mga tao tungkol sa
isang bagay.
Pinominolohiya

– Isang teorya na nagpapahayag sa


matimatikal na paraan ang resulta
ng pinagmamasdang pinomina na
hindi nagbibigay ng detalyadong
atensyon sa kanilang pangunahing
kabuluhan.
Magkahalong Pamamaraan
– Ito ay ginagamit kung ang suliranin sa paksa o
isyu na pinag-aaralan ay hindi lubusang masasagot
sa pamamagitan ng kwantiteytib o kwaliteytib na
pamamaraan lamang. Pahapyaw na pagtalakay sa
mga paraan ng pangangalap ng mga datos at
tamang pagsipi sa mga ito.
Uri ng pananaliksik batay sa klase ng
pagsisiwalat ng datos

1. Hanguang sekondarya - o tinatawag ding secondary sources


 ay mga datos na kinalap ng ibang mananaliksik at manunulat na
maaaring maging kapaki-pakinabang sa p agbuo ng konsepto sa
ginagawang sariling pananaliksik. Ang mga ito ay makukuha sa mga
libro, dyornal, peryodiko at iba pang lathalain. Maaari ring makuha ang
mga ito sa mga palabas sa telebisyon at mga datos sa internet. Ang mga
halimbawa nito ay: Mga aklat, Mga pag-aaral, Mga nalathalang
artikulo at Mga monograp, manwal, polyeto at manuskripto
2. Hanguang primarya (primary sources )
- ay mga datos na kusang kinalap ng
mananaliksik para sumagot sa mga suliranin
ng kanyang pag-aaral. Maraming pamamaraan
ng pagkalap ng mga datos sa uring ito:
- Pagmamasid, Pakikisalamuha, Pakikipanayam,
Pakikipagtalakayan at Paggamit ng serbey.
Paghahanda sa pagsusulat ng sulating
pananaliksik
(1) Gaano kahaba ang sulating pananaliksik?
- Makabubuting isaalang-alang ang pahina
at bilang ng mga salitang bumubuo sa
sulatin upang mapaghandaan ang
panahong gugugulin dito.
(2) Ilan ang bilang at uri ng pinapayagang
sanggunian?

– May kahingian o requirement ang bilang


at uri ng sanggunian na kailangan gamitin
sa pananaliksik. Limang sangunian sa lokal
at dayuhang pag-aaral ang istandard na
sanggunian para rito.
(3)Kailan ang petsa ng pagpapasa ng bahagi o
kabuuan ng sulating pananaliksik?

– Makabubuting tandaan mabuti ang petsa


ng takdang araw ng pagpapasa ng
pananaliksik upang mabilis na maibalik
pang muli ang papel kung sakaling may
kailangan pang baguhin.
(4) Ano ang mga kaukulang format
(uri at laki ng font, pag-aagwat,
margin, at iba pa) na dapat gamitin?
– Sundin ang mga ito upang hindi
maging paulit-ulit o pabalik-balik
ang sulating pananaliksik.
Diskurso

-Nagmula sa mga simpleng pasalitang usapan


patungo sa mga tekstong nakalimbag tulad ng
artikulo, aklat.

-Pangkalahatang sumasaklaw sa usapin ng uri ng


komunikasyon sa bahagi ng iba’t ibang pangkat o
grupo.
Apat na uri ng diskurso

1. PASALAYSAY
2. PAGLALARAWAN
3. PAGLALAHAD
4. PANGANGATUWIRAN
PASALAYSAY
Pagpapahayag na naglalayong maghayag ng sunod sunod na
pangyayari sa tauhan

Teksto na nagbibigay ng pagkakasunod sunod ng pangyayari


habang nagbibigay ng impormasyon sa mga tiyak na sitwasyon,
tagpo, panahon at mga tauhan

HALIMBAWA: alamat, pabula, mito, epiko, parabula, kuwentong


bayan, maikling kuwento, dula, anekdota, nobela.
Paglalarawan
Ito ay teksto kung saan inilalarawan ang isang
biswal na konsepto tungkol sa isang tao, bagay,
pook, o pangyayari.

Maari itong magbigay ng mas malalim na


paglalarawan sa kabuuan ng bagay o ng
isang pangyayari
Nahahati ang paglalarawan sa:
1.Masining ~ kapag gumagamit ng mga
matatalinhagang salita sa paglalarawan na
ginagamit sa mga literal na akda

2.Pangkaraniwan ~ kapag gumagamit ng mga


simple o ordinaryong salita na abot ng
kaisipan ng isang ordinaryong mamamayan
Paglalahad
Ito ay uri ng ng tekstong nagpapahayag na may
tungkulin, ang ipaliwanag ang pangyayari,
opinyon, kabatiran, at mga kaisipan.

HALIMBAWA: mga artikulong nababasa sa


diyaryo o pahayagan.
Pangangatuwiran

Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala, o kuro


kuro na naglalayong mapaniwala ang kausap o
bumabasa sa opinyon, palagay, at paniniwala ng
nagsasalita o nang sumusulat.

HALIMBAWA: opinyon, mga isyung talakay (debate),


at ebalwasyon
Dalawang kakayahang pandiskurso:

1.TEKSTWAL

2.RETORIKAL
TEKSTUWAL NA KAKAYAHANG
PANDISKURSO
Ito ay tumatalakay sa payak na pagsukat
kung paano magbasa at umunawa ng
iba’t ibang teksto tulad ng kathang isip at
di kathang isip (fiction and non fiction),
ng mga transkripsyon ng pinag usapan o
materyal.
Kohesyon
Paano ang aktwal na salita sa
isang teksto ay kaugnay at
umayos sa isa’t isa upang
makabuo ng isang kahulugan sa
antas sintaks.
Sa bahaging ito gumagamit ng mga
pananda(devices) tulad ng mga:

Panandang diskurso

Elipses
Halimbawa ng mga panandang maaring gamitin

Kaya nga, Kahit, Kaya, Ngunit,


Samakatuwid, Kasi, Bagamat, Sa madaling
sabi, Sa kabilang dako, at Kay, o Gayundin,
Kung gayon, Pati ,Dahil, Katulad, Subalit.
KULTURA
ITO ANG KABUUANG PAMAMARAAN NG
PAMUMUHAY NG ISANG PANGKAT NG MGA
TAO SA ISANG TERITORYO
BINUBUO ITO NG MGA PANINIWALA,
TRADISYON, PAG-UUGALI, UMIIRAL NA
SISTEMA SA LIPUNAN AT POLITIKA,
RELIHIYON AT WIKA
KOMUNIKASYON
ISANG PROSESO NG
PAGHAHATID NG MENSAHE O
PAGPAPALITAN NG
IDEYA,IMPORMASYON,KARANA
SAN,AT MGA SALOOBIN
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

WIKA
WIKANG PAMBANSA
WIKANG PANTURO
WIKANG OPISYAL
WIKA
• ISANG SISTEMA NG MGA TUNOG, ARBITRARYO,NA
GINAGAMIT SA KOMUNIKASYONG PANTAO
• WIKA ANG NAMAMAGITAN UPANG MAUNAWAAN ANG
SARILI, KARANASAN, KAPUWA TAO,PALIGID, MUNDO,
OBHETIBONG REALIDAD, PANLIPUNANG REALIDAD,
POLITIKA, EKONOMIK, AT KULTURA
• DALUYAN NG KAISIPAN AT KAMALAYAN NG ISANG LAHI,
LIPI, AT LIPUNAN
WIKANG PAMBANSA
SINASABING WIKANG PINAGTIBAY NG PAMBANSANG
PAMAHALAAN ANG WIKANG PAMBANSA NA
GINAGAMIT SA PAMAMAHALA AT PAKIKIPAG-
UGNAYAN SA MAMAMAYANG KANIYANG SAKOP
ITO RIN ANG PAMBANSANG DALUYAN NG
KOMUNIKASYONG TULAD NG TELEBISYON, RADYO
AT MGA PAHAYAGAN
FILIPINO
WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS

MIDYUM NA OPISYAL NA KOMUNIKASYON AT


BILANG WIKA NG PAGTUTURO SA SISTEMANG
PANG-EDUKASYON
 ANG WIKANG PAMBANSA NA
ITINADHANA NG BATAS AY
GAGAMITIN BILANG WIKANG
PANTURO
WIKANG  GAGAMITINITO UPANG
MAKATULONG SA PAGTATAMO NG
PANTURO MATAAS NA ANTAS NG
EDUKASYON
 MAHALAGA ANGMABILIS NA PAG-
UNAWA SA TULONG NG WIKANG
PANTURO UPANG MAKAAGAPAY
SA AKADEMIKONG PAG-UNLAD
WIKANG OPISYAL
 TINATAWAG NA WIKANG OPISYAL ANG PRINSIPAL NA
WIKANG GINAGAMIT SA EDUKASYON, SA PAMAHALAAN, SA
POLITIKA, AT SA KOMERSYO AT INDUSTRIYA
 TINATANGGAP DIN NA ANG INGLES AY ISA SA WIKANG
OPISYAL MALIBAN SA FILIPINO
 MAAARI ITONG GAMITIN SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON AT
EDUKASYON, KAAGAPAY ITO NG FILIPINO BILANG WIKANG
OPISYAL
GAMIT NG WIKA AYON SA ANTAS

1. BALBAL – PINAKAMABABANG ANTAS NG WIKA,


KARANIWANG LIKHA LAMANG ANG MGA ITO
HALIMBAWA : DYOWA, ERPATS, MUDRA, AT IBA PA

2. KOLOKYAL – KARANIWANG PAKIKIPAG-USAP NG ISANG


INDIBIDWAL, IMPORMAL ANG PAKIKIPAG-USAP GAYUNDIN ANG
GAMIT NG MGA SALITA
HALIMBAWA: TITSER, MITING, KAKLASE, AT IBA PA
3. LALAWIGANIN – MGA SALITANG GINAGAMIT
MULA SA LALAWIGAN
HALIMBAWA: VAKUL (BATANES), MALONG
(MARANAO), TUPIG(PANGASINAN)

4. TEKNIKAL – GAMIT SA IBA’T IBANG


DESIPLINA/SITWASYONG AKADEMIKO
HALIMBAWA: ACCOUNTANCY, INTERNET,
COMPUTER
5. MASINING O PAMPANITIKAN –
PINAKAMATAAS NA ANTAS NG WIKA

HALIMBAWA: SALAMISIM, KADAUPANG-


PALAD, AT IBA PA
MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY NG OPINYON O KURO-KURO

NANINIWALA AKO SA
SA AKING PALAGAY
BUO ANG AKING PANINIWALA
DAPAT NA
MGA SALITA NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY
NG OPINYON

DAPAT SUBALIT
WARI NGUNIT
DAHIL
KAYA
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

BILINGGUWALISMO
MULTILINGGUWALISMO
BILINGGUWALISMO
 AY
NANGANGAHULUGAN NG MAGKAHIWALAY NG PAGGAMIT
NG FILIPINO AT INGLES BILANG MGA MIDYUM NG
PAGTUTURO SA MGA TIYAK NA ASIGNATURA

 NAGTATAKDANA INGLES ANG GAGAMITIN BILANG WIKANG


PANTURO SA ASIGNATURANG AGHAM AT MATEMATIKA

 WIKANGFILIPINO NAMAN SA LAHAT NG IBA PANG


ASIGNATURA SA MABABA AT MATAAS NA PAARALAN
MULTILINGGUWALISMO

ITOAY ANG
PAGGAMIT NG
MARAMING WIKA
KAHALAGAHAN NG
VERNAKULAR SA
EDUKASYONG PANGWIKA
NG PILIPINAS
AKLAT NI BERNABE (1987)

TINALAKAY ANG KAUGNAYAN


NG VERNAKULAR(Tagalog) SA
KASAYSAYAN NG EDUKASYONG
PANGWIKA SA PILIPINAS
SALEEBY (1924)
ANG NAGPAHAYAG NA WALANG HIGIT
PANG MAKAPAGPAPATAMO SA ISIPAN NG
DEMOKRASYA KUNDI ANG KATUTUBONG
WIKA(Tagalog)
HINDI MAPAGLILINGKURAN ANG PUBLIKO
SA ISANG WIKANG HINDI NILA
NAUUNAWAAN
GOV. GEORGE BUTTE

NAKAKITA NG KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG


VERNAKULAR NA WIKA NG MGA NASASAKUPAN
SANG-AYON SA KANIYA, MAS MAGIGING MABISA
ANG PAMAMALAKAD NG KAHIT SINONG LIDER O
PINUNO KUNG ANG MGA NASASAKUPAN AY
MAALAM SA KANILANG WIKANG VERNAKULAR
EDUKASYONG BILINGGUWAL

PINAPAYAGANANG PAGGAMIT
NG VERNAKULAR NGUNIT
BILANG PANTULONG LAMANG
KUNG KINAKAILANGAN
“THE 1987 POLICY ON BILINGUAL
EDUCATION”

ISINULONGNOONG MAYO 21, 1987 SA


PAMAMAGITAN NG DECS ORDER NO. 52, S.
1987
PINAPAYAGAN NANG MAGAMIT ANG WIKA SA
MGA REHIYON BILANG OPISYAL NA MGA
WIKANG PANTULONG SA PAGTUTURO
WIKANG KATUTUBO (MOTHER TONGUE)

GINAGAMIT NA WIKANG PANTURO


SA MGA BANSANG TULAN NG
ALEMANYA, AMERICA, BRITANYA, AT
MARAMI PANG PROGRESIBONG MGA
BANSA
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

REGISTER
BARAYTI
HOMOGENOUS
HETEROGENOUS
REGISTER
BARYASYON O ESTILO SA PANANALITA; BATAY SA
GAMIT
ANG ISANG TAO AY MAAARING GUMAGAMIT NG
IBA’T IBANG ESTILO SA KANYANG PAGSASALITA O
MAGING SA PAGSULAT UPANG MAIPAHAYAG ANG
KANYANG NADARAMA
HALIMBAWA NG ILANG SITWASYON
. BIBIGYAN KITA NG RESETA PARA SA SAKIT
1

PAGSUSURI : MAHIHINUHANG DOKTOR SA PASYENTE ANG


USAPAN
2. IGISA ANG BAWANG, SIBUYAS, AT KAMATIS. LAGYAN NG
KAUNTING TUBIG, PAKULUIN, TIMPLAHAN, ILAGAY ANG
GINILING, HULI ANG PATATAS
PAGSUSURI: MULA NAMAN SA ISANG RESIPE
3. ALIS MANTSA, ALIS AMOY, MALAMBOTSA DAMIT
PAGSUSURI: ISANG ADBERTISMENT
BARAYTI

 IPINAHAYAGNI ALONZO (2002) NA ANG BARAYTI NG


WIKA AY ISANG MALIIT NA GRUPO O NORMAL O
MAKABULUHANG KATANGIAN NA NAUUGNAY SA
PARTIKULAR NA URI NG KATANGIANG SOSYO-
SITWASYUNAL
 HIGIT
NA MASAKLAW ANG KONSEPTO KAYSA SA
TINATAWAG NA ESTILO NG WIKA
AYON KAY CATFORD MAY DALAWANG MALALAKING URI
NG BARAYTI

1. HUMIGIT - KUMULANG AY PERMANENTE PARA SA


TAGAPAGSALITA/TAGABASA (PERFORMER)
- BINUBUO NG IDYOLEK AT DIYALEKTO ANG
PERMANENTENG BARAYTI
2. HUMIGIT-KUMULANG AY PANSAMANTALA DAHIL
NAGBABAGO KUNG MAY PAGBABAGO SA SITWASYON NG
PAHAYAG
IDYOLEK

 ANG TAWAG SA KABUUAN NG MGA KATANGIAN SA PAGSASALITA NG TAO

 MGA SALIK NA NAKAPALOOB:

- KASARIAN

- HILIG O INTERES

- STATUS SA LIPUNAN
DIYALEKTO

BARAYTI NA BATAY SA LUGAR, PANAHON AT KATAYUAN


SA BUHAY
BARAYTI NG WIKA NA NAKIKITA SA PORMAL O
SUBSTANTIBONG KATAGIANG KAUGNAY NG
PINANGGALINGAN NG TAGAPAGSALITA O GRUPO NG
TAGAPAGSALITA SA ISA O SA TATLONG DIMENSIYON
KAYA’T MAY TINATAWAG NA DIYALEKTONG
HEOGRAPIKO, DIYALEKTONG TEMPORAL, AT
DIYALEKTONG SOSYAL
HALIMBAWA NG DIYALEKTONG HEOGRAPIKO

BILANG NA LIMA
GINAGAMIT ANG SALITANG LIMA SA
REHIYON III – BULACAN, BATAAN, AT
TARLAC
HALIMBAWA NG DIYALEKTONG
TEMPORAL
ANGSALITANG BANAS NG MGA
TAGA-QUEZON SA REHIYON IV-
A AY NAGPAPAHAYAG NA
MAINIT ANG PANAHON
HALIMBAWA NG DIYALEKTONG SOSYAL

ANGSALITANG SUGBA SA VISAYAS AY IHAW


ANG IBIG SABIHIN

ANG DAGA SA BICOL AY LUPA, SAMANTALANG


SA TAGALOG ITO AY ISANG URI NG HAYOP
HOMOGENOUS

IPINAHAHAYAG NA MAY IISANG


KATAGIAN ANG WIKA TULAD NG
LANGUAGE UNIVERSALS
ISA LAMANG ANG GAMIT NG WIKA
HETEROGENOUS

IBA-IBA ANG GAMIT, LAYUNIN, AT


GUMAGAMIT
IBA-IBA ANG WIKA DAHIL SA LOKASYONG
HEOGRAPIKO, PANDARAYUHAN, SOSYO-
EKONOMIKO, POLITIKAL, AT EDUKASYONAL

You might also like