proyekto. 2. Nahihimay ang mahahalagang katangian at elemento ng isang panukalang proyekto. 3. Nakapagbabahagi ng saloobin sa mga proyektong ipinatupad sa bansa. 4. Nakagagawa ng isang panukalang proyekto batay sa isang sitwasyon o suliraning pampamayanan. 1. Ano ang nilalaman ng bidyong inyong napanood? 2. Anong proyekto ng gobyerno ang alam mong naipatupad na? Nakatulong ba ito sayo bilang mamamayan ng ating bansa? 3. Paano nga ba ang pagasasagawa ng isang proyekto. May kaalaman kabang maibabahagi? Pagsulat ng Panukalang Proyekto Ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing nilalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag- uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO), ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag- uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o paglilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito. MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ang mga sumusunod:
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto 1. Ano-ano ang mga suliraning kailangang bigyan ng solusyon? 2. Ano-ano ang mga pangangailangan ng pamayanan o samahan na gagawan ng panukalang proyekto? MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
1. Layunin – sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE. MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
SPECIFIC – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto. IMMEDIATE – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matapos. MEASURABLE – may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto. PRACTICAL – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin LOGICAL – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto. EVALUABE – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto. MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
2. Plano ng Dapat Gawin – Matapos maitala ang mga layunin ay maari
nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
3. Badyet – Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng anumang
panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito Madaling naaapruban ang panukalang proyekto kung malinaw na naisaaad kung sino ang mga makakabenepisyo at paano ito makatutulong sa kanila. Halimbawa ng mga makikinabang ay ang mga bata, kababaihan, mga guro, mga mag-aaral, mahihirap na pamilya, mga negosyante at iba pa. Sa bahaging ito ay maaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto – Kadalasan, ito ay
hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon o suliranin. 2. Nagpadala – Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto. 3. Petsa – o araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto. BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
4. Pagpapahayag ng Suliranin – Dito nakasaad ang suliranin at
kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan. 5. Layunin – Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala. 6. Plano na Dapat Gawin – Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang araw na gagawin ang bawat isa. BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
7. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa
pagpapagawa ng proyekto. 8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto – kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito. 1. Ayon sa ating tinalakay, ano ang pagkakaunawa
mo sa panukalang proyekto?
2. Bilang isang mamamayan ng ating bansa anong
mga proyekto ang nais mong magkaroon ng
katuparan? Makakatulong ba ito sa ating bansa? Pangkatang Gawain Panuto: Ang klase ay hahatiin sa 5 grupo. Ang bawat grupo ay iisip ng dalawang panukalang proyekto sa inyong pamayanan. Ihamambing ang dalawang panukalang proyekto na nasaliksik gamit ang Compare and Contrast Diagram. ____1. Ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto ay nakatala sa bahaging ito. ____2. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito. ____3. Dito makikita ang tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto. ____4. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto. 5. S ____________ 6. I ____________ 7. M ____________ 8. P ____________ 9. L ____________ 10. E ____________