Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

DULA

Kayarian ng mga Salita


Kasanayang Pangramatika

IKAWALONG-LINGGO
FILIPINO 9
Sa araling ito, ang mga
mag-aaral ay
inaasahang:

a)Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang


nababago ang estruktura nito

b)Naibabahagi at naipaliliwanag ang mga


bahaging naibigan sa aka
Ipaliwanag ang iyong saloobing tungkol sa larawan. Mula
dito, ano ang mahihinuhang paksa ng ating aralin ngayong
araw?
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

ANO ANG DULA?


Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga
dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng
malikhain at malayang kaisipan.

ANO ANG DULA?


Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang
nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip
ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na
sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa
isang iskrip.

ANO ANG DULA?


Simula - mamamalas dito ang tagpuan,
tauhan, at sulyap sa suliranin.
Gitna - matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian, at ang
kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang
kakalasan at ang kalutasan.

ANO ANG DULA?


Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap
ang mga pangyayaring isinaad sa dula

Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-


buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula

SANGKAP NG DULA
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang
dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung
wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari.

Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga


tauhan sa suliraning nararanasan

SANGKAP NG DULA
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga
tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa
kanyang sarili.

Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan


ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
ang tunggalian
SANGKAP NG DULA
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga
suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at


natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit
maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood

SANGKAP NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang
dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon
sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
Gumaganap o aktor – ang mga gumaganap sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula

ELEMENTO NG DULA
Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula

Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang


iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura
ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip

ELEMENTO NG DULA
Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood

ELEMENTO NG DULA
Kasanayang
Panggramatika

Kayarian ng mga
Salita
PAYAK
Ito ay salitang ugat lamang, walang
panlapi, hindi inuulit at walang katambal
na ibang salita.
Halimbawa:
labis, payapa, dilim,
lingkod
takbo, upo, sulat, pasok
MAYLAPI
Ito ay salitang binubuo ng salitang- ugat
at isa o higit pang panlapi.

Halimbawa:
dumilim, maglingkod
tumakbo, upuan, sulatin, pumasok
MAYLAPI
Unlapi – ang panlapi ay matatagpuan sa
unahan ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
mahusay
palabiro
tag-ulan
umasa
makatao
may-ari
MAYLAPI
Gitlapi – ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna
ng salitang-ugat. Ang mga
karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at -
um-
Mga halimbawa:
lumakad pumunta
binasa sumamba
tinalon sinagot
MAYLAPI
Hulapi – ang hulapi ay matatagpuan sa
hulihan ng salitang-ugat. Ang mga
karaniwang hulapi sa Filipino ay –an, -han, -
in, at –hin.
Mga halimbawa:
talaan batuhan
sulatan aralin
punahin habulin
Ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito’y
maaaring:
unlapi at gitlapi; unlapi at hulapi; gitlapi at
hulapi
isinulat nagkwentuhan sinamahan
itinuro palaisdaan pinuntahan
iminungkahi kasabihan tindahan
ibinigay matulungin hinahangaan
TAMBALAN
ang salita ay binubuo ng dalawang
magkaibang salitang pinagsama upang
makabuo ng bagong salita.
May dalawang uri ng tambalang salita:
TAMBALAN
a. Tambalang salitang nanatili ang
kahulugan
Mga Halimbawa:
isip-bata (isip na gaya ng bata)
buhay-mayaman (buhay ng mayaman)
abot-tanaw (abot ng tanaw)
sulat-kamay (sulat ng kamay)
TAMBALAN
Ang gitling sa pagitan ng dalawang
salitang pinagtambal ay
kumakatawan sa nawawalang kataga
sa pagitan ng pinagtambal na salita.
TAMBALAN
b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong
kahulugan
Mga Halimbawa:
hampaslupa (taong napakahirap ng buhay)
dalagangbukid (isang uri ng isda)
talasalitaan (bokabularyo)
hanapbuhay (trabaho)
ang buong salita o bahagi ng salita ay
INUULIT inuulit. May dalawang anyo ng pag-
uulit ng mga salita.
Inuulit na ganap – ang buong salita, payak man o
maylapi ay inuulit.
Mga Halimbawa:
taun-taon
masayang-masaya
bahay-bahay
mabuting-mabuti
ang buong salita o bahagi ng salita ay
INUULIT inuulit. May dalawang anyo ng pag-
uulit ng mga salita.
Inuulit na di-ganap – bahagi lamang ng salita ang
inuulit.
Mga Halimbawa:
pala-palagay
malinis-linis
paupo-upo
Gawain sa Pagkatuto 2
Piliin sa loob ng kahon ang salitang kukumpleto sa
pangungusap saka ipaliwanag sa patlang sa patlang
ang kahulugan nito batay sa pagbabago ng estruktura
ng salita.
araw araw-arawin bungang-araw
1. __________ay masayang pumapasok sa paaralan ang
magkapatid na Boy at Rosa.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling
salita_______________________
Gawain sa Pagkatuto 3
Punan nang wastong salita ang talahanayan batay sa
hinihinging kayarian nito.
Payak Maylapi Tambalan Inuulit

hating-gabi

bago

umuwi-uwi
Paglalapat
Alalahanin ang isang dula na iyong napanood o nabasa at
isulat sa loob ng talahanayan ang bahaging iyong
naibigan at bakit mo naibigan.
Bahaging Naibigan ko sa Dula Paliwanag kung Bakit ko Ito
Naibigan
TIYO
SIMON
IKALAWANG
ARAW
Gawain sa Pagkatuto 1
Magbigay ng ilang katangian ng iyong
tiyuhin na labis mong hinahangaan.
Magsalaysay ng ilang patunay.

ANG AKING
TIYUHIN
Gawain sa Pagkatuto 2

Basahin at unawain ang akdang “Tiyo


Samson” na matatagpuan sa aklat ng
Panitikang Asyano pahina 63-66 at sagutin
ang mga gabay na tanong.
• Ano ang malaking impluwensya ng pangunahing
tauhan kay Boy? Patunayan.
• Bakit naisipan ni Tiyo Samson na sumama sa mag-
ina sa simbahan.
• Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo
Samson sa pagbabalik-loob niya sa Diyos?
• Bakit kailangan na magkaroon ng matibay na
pananalig sa Diyos ang isang tao?
• Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga
pagkakataong dumaranas siya ng mga kabiguan sa
buhay? Pangatwiranan.
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito’t may
suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang
impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa
lahat. Ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang may
siyentipikong basehan gaya ng agham at siyensya.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging
tumpak at wasto ang mga pahayag, salita at gramatikang
gagamitin sa pagpapahayag. Ang mga parirala sa ibaba
ay ilan sa mga ginagamit sa pagpapahayag ng
katotohanan.
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan
·Batay sa pag-aaral, totoong…
·Mula sa mga datos na aking nakalap, talagang…
·Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na…
·Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na…
·Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa
kaya napatunayang…
·Napatunayang mabisa ang…
·Mula sa pagbeberipika ng mga datos at impormasyon,
napatunayan ang...
Gawain sa Pagkatuto 3
Bumuo ng makatotohanang pahayag tungkol sa
mga salik na nakapagpapabago sa pananaw, pilosopiya
at paniniwala ng isang tao gamit ang mga eskpresyong
nagpapahayag ng katotohanan sa pagsulat. Maaaring
magsaliksik ng iba pang datos tungkol sa mga OFW kung
kinakailangan. Gamiting gabay ang rubrik na ito.
Paglalapat
Ikaw ang naatasan na maging kabahagi ng samahan
na magsusuri ng pagiging makatotohanan ng isang
dulang iyong nabasa sa araling ito. Isulat sa isang buong
papel ang lahat ng mga makatotohanang pangyayari sa
dula. Sa huli ang ibigay mo ang iyong kaisipan, pananaw
at saloobin tungkol sa sinuring akda. Ang gagawin mong
pagsusuri ay dapat na makasunod sa pamantayang ito.
Gawain sa Tahanan
Filipino 9 Module Q1
·Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: p. 38
·Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: p.34
·Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: p.38

Pagninilay
Magsulat ng saloobin hinggil sa akdang tinalakay.

You might also like