katangian sa dalawang tao,bagay,lugar o pangyayari. Mga Pahayag na ginagamit sa paghahambing gaya ng sumusunod: 1.HAMBINGANG MAGKATULAD -Ang dalawang tao ,bagay ,lunan o pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad , pareho o timbang. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng : a.) Salitang kapwa at pareho Mga Halimbawa: Kapwa maganda ,parehong matalino b.)Mga panlaping sing-,kasing-,magsing-,at ga-,gangga-, Mga halimbawa: singhusay,kasingganda,magsintaas,magkasingyaman,gamungg o 2.HAMBINGANG DI – MAGKATULAD – Ang dalawang tao ,bagay,lunan o pangyayaring pinaghahambing ay di- magkatulad,di-pareho o di-patas. Ang hambingang di- magkatulad ay maaaring palamang o pasahol. A.)HAMBINGANG PALAMANG –Malaki ,mataas ang uri o nakahihigit ang itinutulad sa pinagtutularan ,nakikilala ito sa pamamagitan: MGA HALIMBAWA: Matalino kaysa ,mas listo kaysa,Malaki-laki b.Hambingang Pasahol- maliit,alangan mababa ang uri ng inihahambing sa pinaghahambingan. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod :di-gasino,di-gaano,di-totoo,di- lubha at alinman sa mga katuwang na ito:gaya,tulad,paris,para Mga Halimbawa: di- gaanong malaki gaya,di- lubhang palakibo tulad, di-totoong tanyag paris,di-gasinong makisig gaya.