Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PANGUNAHIN AT

PANTULONG NA
KAISIPAN
Main Idea & Supporting details
Pangunahing Kaisipan
Tumutukoy ito sa isang “malaking”
kaisipan o ideya na makikita sa isang
seleksiyon na maaaring matagpuan sa
unahan,gitna o hulihan ng akdang binasa.
Pangunahing Kaisipan
Ang pangungusap na nagsasaad ng
pangunahing kaisipan ay tinatawag ding
pamaksang pangungusap.
Isa itong paglalahat na nagbubuod sa
mensahe ng seleksiyon.
Pantulong na Kaisipan
Sumusuporta sa ideya ng pangunahing
kaisipan. Nagbibigay ito ng karagdagang
detalye sa pagtalakay ng pangunahing
kaisipan upang maging higit na malinaw
ito.
Sa kabilang dako, may mga naniniwala naman na baka
masira ang kulturang hatid ng mga dyipni. Isa raw
itong pambihirang ekspresyong pansining ng
sambayanan. May mga nagsasabi naman na magiging
ningas-kugon lamang ang programa dahil matagal
nang binabalak ang pag-phaseout ng mga dyip sa
pangunahing lansangan subalit hindi ito natutuloy.
Ang mga dyip daw ay bahagi na ng institusyon ng
kulturang Pilipino.
Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi ng
Pilipino. Tingnan ang disenyo ng mga dyipni at makikita rito ang
sarisaring kulay at hugis na parang pista ng Ati-atihan. Ayaw din ng
mga drayber na may kahawig sila kaya iba-iba ang disenyo ng
kanilang dyipni. Kung baga raw sa pintura, ayaw ng pintor sa
reproduksiyon. Ang harapan ng dyipni ay talagang pinapaganda
dahil ugali ng mga Pilipino na lagyan ng dekorasyon ang harapan
ng dyipni at inihambing ito sa bahay na kahit maliit at magulo ang
loob ay pinapaganda ang harapan at inaayos ito lalo na ang sala ng
bahay na may mamahaling kurtina at mga halaman. Makikita rin sa
bubong ng dyipni na may korona ito na parang sumisimbolo sa
pagkahari nila sa daan. May mga ilaw rin ito na nakatatawag ng
pansin sa gabi.
Hinuha
Ang hinuha ay nangangahulugang isang hula o palagay na
walang kasigarudahan at di-tiyak ang isang pangyayari. Ito
ay tinatawag na guess, infer o inference.
• Baka…
• Tila….
• Siguro…
• Marahil…
• Posible kayang….
• Sa palagay ko….
1. Sa palagay ko ay may sira ang dyipni
kaya ito pinahinto ng isang traffic
inforcer.
2. Baka lasing ang drayber ng bus
kaya sila naaksidente.
3. Tila may nakapasok na
magnanakaw sa kanilang bahay.
4. Siguro ay uulan ngayong araw.

5. Marahil ay mababa ang nakuha


niyang grado.

You might also like