Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

ANG

PAGSULAT NG
REPLEKTIBO
NG SANAYSAY
Paunang Pagsubok
Panuto: Mula sa pelikulang Himala ni Lino Brock ay may tanyag na linya si Elsa
na ginampanan ni Nora Aunor at ito ang:

"Walang himala,
ang himala ay
nasa puso ng tao,
nasa puso nating
lahat."

2
Paunang Pagsubok
Pag-isipan itong mabuti.
1. Ano sa palagay mo ang kahulugan ng sinabi ng
pangunahing tauhan?
2. Ano sa palagay mo ang kahalagahan nito sa
buhay natin bilang mga Pilipino?

3
ANO ANG SANAYSAY?
- Ang terminong sanaysay ay binuo ni Alejandro G. Abadilla noong 1938.
Hinalaw niya ito sa mga salitang “pagsasalaysay ng isang sanay o
nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ito ang
itinumbas sa essay sa Ingles na ang orihinal na terminong “essais” ay
galing sa salitang Frances na nangangahulugang “pagtatangka.” Sa
sanaysay, tahasang nakikita o nababanaagan ang personalidad ng sumulat.
Dito, nakatatak ang kaniyang kakayahan at ang kaniyang estilo. Ang
kaniyang katauhan ay nakikinita-kinita habang binabasa ang kaniyang
akda (Jamilosa-Silapan, 1995).

4
ANO ANG REPLEKTIBONG
SANAYSAY?
- Sanaysay na nagmumuni sa karanasan ng manunulat.
- Inilalahad ng replektibong sanaysay ang karanasan ng
nagsusulat, kasama ang mga katotohanan ng kaniyang
karanasan na sumasagot sa sino, ano, saan, kailan, at paano.
- Ang damdamin o emosyon ng manunulat ng sanaysay ang
pinakamahalagang mabasa at kung paano niya ito nabigyan ng
maayos na pag-iisip, pagmumuni, at kung paanong natugunan
ang karanasang ito.

5
ANO ANG REPLEKTIBONG
SANAYSAY?
- Sa pagmumuni ng karanasan, nasasala nito ang mahahalagang
natutuhan o aral at nananalisa rin kung ano ang kakulangan o
kamalian ng manunulat upang higit na maging mabuti,
maunlad, at maayos ang kaniyang pakikitungo sa lipunan,
kapwa, at sarili.
- Masasabing meditasyon sa buhay ang paggawa ng replektibong
sanaysay dahil inuunawa ng nagsusulat ang kaniyang mga
karanasan na kapupulutan ng aral at halaga sa pagdaloy ng
buhay

6
Layunin at Gamit ng Replektibong
Sanaysay
- Ang pangunahing layunin ng pagsulat ng replektibong
sanaysay ay magsiyasat sa mga karanasan, magnilay-nilay
sa mga aspektong positibo at negatibo ng mga ito, at
makabuo ng isang pakay o pasya upang maiwasto o
mapaunlad ang bunga ng kaniyang mga karanasan sa mga
susunod na pagkakataon (Villanueva at Bandril;
Constantino, Batnag, at Zafra, 2016).

7
Ilang Tala Ukol sa Layunin sa Pagsulat
ng Replektibong Sanaysay
Narito ang ilang dahilan sa halaga ng pagninilay o pagkakaroon ng repleksiyon
ayon kay Moon (1999):
● maproseso ang ating sariling pagkatuto
● magbalik-tanaw sa ilang bagay—sariling asal, mga nagawa, o produkto ng inasal
ng isang indibiduwal mula sa ibang tao (halimbawa: sanaysay, aklat, pagpinta, at iba
pa)
● makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan
● mapaunlad ang sarili
● magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin
● mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal

8
HALAGA NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
- Hindi magiging maayos ang buhay na hindi
pinagmumunian. Kapag walang repleksiyon o
pagmumuni, gagawin lamang muli ng isang tao ang
lahat ng kaniyang kamalian at hindi na siya matuturo
pang makawala sa masalimuot na mga karanasan.
Walang pag-unlad na magaganap.

9
HALAGA NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
- Mahalaga ang pagsulat ng replektibong sanaysay
sapagkat naitatala nito ang mga importanteng
karanasan, mga pagtupad at hindi pagtupad sa mga
nararapat na gawin, at higit sa lahat, mababasa ng
ibang tao ang sanaysay na makatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili.

10
HALAGA NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
- Mabisa itong salamin ng katauhan ng isang tao
tungo sa pagbabago hindi lamang ng sarili kundi ng
kaniyang lipunang kinabibilangan.
- Sa katunayan, mahalaga ang pagmumuni ng
sambayanan sa kanilang sariling kasaysayan upang
hindi mabulid muli sa mga pagkakamali ng
nakaraan.

11
HABA NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
- Nakasalalay ang haba ng replektibong sanaysay sa tuntunin ng
guro o sinumang may awtoridad na nagpapagawa ng sanaysay.
Mayroong mga pagkakataon na 500 salita lamang ang hinihingi
at may mga pagkakataong aabot ng libong salita sa pagsusulat
nito. Kung walang habang hinihingi, laging tandaan na ang
pinakamahalaga ay ang lalim at laman ng isinulat na
sanaysay.

12
Mga Bahagi ng Replektibong
Sanaysay

13
Panimula
- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat
ito ang unang titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw
ng atensiyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa
ang pagbasa sa akda. Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay.
Ito ay dapat nakakukuha ng pansin ng bumabasa para basahin
niya ang natitirang bahagi ng sanaysay.

14
Panimula
Mahalagang isaalang-alang sa pagsusulat ng panimula ang
sumusunod:
● Pasaklaw na Pahayag. Inuuna ang pinakamahalagang
impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye.
● Tanong na Retorikal. Isang tanong na binibitiwan sa nagbabasa
para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
● Paglalarawan. Pagbibigay linaw at deskripsiyon sa paksa.
● Sipi. Isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya
ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay.

15
Panimula
Mahalagang isaalang-alang sa pagsusulat ng panimula ang
sumusunod:
● Makatawag Pansing Pangungusap. Isang pangungusap na
makakukuha ng atensiyon ng nagbabasa.
● Kasabihan. Isang kasabihan na makapagbibigay ng maikling
paliwanag ng iyong sanaysay.
● Salaysay. Isang paliwanag tungkol sa iyong sanaysay

16
Katawan
- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag.
Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at
nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti
ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi
ng mambabasa.

17
Katawan
Iba pang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
katawan:
● Pakronolohikal. Nakaayos ayon sa panahon ng
pangyayari
● Paanggulo. Ipinapakita ang bawat angulo ng paksa

18
Katawan
Iba pang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
katawan:
● Paghahambing. Pagkukumpara ng dalawang
problema at anggulo ng isang paksa
● Papayak o Pasalimuot. Nakaayos sa paraang simple
hanggang komplikado at komplikado hanggang
simple

19
Wakas
- Dito nakalagay ang pangwakas na salita o ang buod
sa sanaysay. Nagsasara sa talakayang naganap sa
katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang
pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay ng sanaysay.

20
Wakas
Narito ang ilang dapat pang tandaan sa pagsusulat ng wakas o kongklusyon:

● Tuwirang Pagsabi. - Mensahe ng sanaysay


● Panlahat ng Pahayag.- Pinakaimportanteng detalye
ng sanaysay
● Pagtatanong. - Winawakasan ang sanaysay sa
pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong
● Pagbubuod. - Kabuuang mensahe ng sanaysay

21
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

22
PAGLALAHAT
1. Ano ang pangunahing layunin sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?
2. Ano ang pangunahing silbi ng pagsusulat ng
replektibong sanaysay sa pagpapaunlad ng sarili ng
manunulat? Ipaliwanag.

23
TANDAAN
“Hindi sapat ang magkaroon lamang ng karanasan upang matuto.
Kung walang repleksiyon o pagninilay mula sa naranasan ay
madali lamang itong malilimutan, o ang potensiyal na pagkatuto
ay mawawala. Ito ay mula sa nararamdaman at kaisipan at nag-
uugnay mula sa ginawang paglalahat o konseptong nabubuo. At
mula sa konsepto o paglalahat na nabuo ay nagagamit ito nang
epektibo.” (Gibbs, 1998)

24

You might also like