w5, Days 1-5.aralin12HE

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Week 5, Days 1-5

Day 1
Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng pagpapaupo,
pagbibigay ng makakain, pagsasagawa nang wastong pag-iingat sa
pagtanggap ng bisita at pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya.
Pagtanggap ng Bisita
sa Bahay
Pagganyak
Lahat ng tahanan, payak man o
nakaririwasa ang pamumuhay ay
tumatanggap ng bisita. Ang mga bisita ay
maaaring mga kamag-anak, kaibigan at
maaaring ang iba ay hindi kakilala. Anuman
ang estado sa buhay ng mga bisita ay dapat
na kalugod-lugod na tinatanggap sa ating
tahanan. Ang kaugalian at kulturang
Pilipino na ito ay hindi nawawala hanggang
sa kasalukuyang panahon.
Bilang kasapi ng mag-
anak, paano ka
nakatutulong sa
pagtanggap ng bisita?
Paglalahad
Pangkatang Gawain 1
Pag-usapan at isadula ng inyong grupo ang
pangkaraniwang ginagawa kung paano
tinatanggap sa bahay ang alinman sa mga
bisitang:
- kamag-anak
- kaibigan/kasamahan sa trabaho
- kaklase
- hindi kakilala
Pagsasadula ng
natapos na gawain.
Day 2
Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng pagpapaupo,
pagbibigay ng makakain, pagsasagawa nang wastong pag-iingat sa
pagtanggap ng bisita at pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya.
Pangkatang Gawain 2
a. Sa inyo pa ring pangkat, itala
sa mga cartolina strips ang
iba’t ibang karanasan sa
pagtanggap ng bisita.
b.Ipaskil at iulat ang mga sagot
sa pisara.
Mga Karaniwang Ginagawa
sa Pagtanggap ng mga Bisita
A.Mga Kamag-anak
1.Magalang na patuluyin at
paupuin sa loob ng bahay ang
kamag-anak.
2.Maaaring alukin ng maiinom o
makakain ang bisita.
3. Magalang na magsimula ang
kuwentuhan ng kumustahan sa
isa’t isa. Iwasang mapag-usapan
ang mga usapin na makapagbibigay
ng lungkot sa bisita.
4. Maaaring ihatid sa pintuan o labas
ng bahay ang bisita kung
magpaalam siya.
B. Mga Kaibigan, Kamag-aral o Kasamahan sa
Trabaho
1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng
bahay ang bisita.
2. Ipakilala sa kasapi ng mag-anak.
3. Maaaring hainan ng maiinom o makakain ang
bisita.
4. Magalang na makipagkuwentuhan at makipag-
usap.
5. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kung
magpapaalam na siya.
C. Mga Hindi Kakilala
1. Maging maingat sa pagtanggap sa
bisitang hindi kakilala.
2. Maingat at magalang na itanong ang
pangalan at kung sino at ano ang
kailangan.
3. Iwasang patuluyin sa loob ng bahay
ang hindi kakilala hangga’t hindi
nakasisiguro sa pagkatao.
4. Iwasang iwanang mag-isa sa
loob ng tahanan o bakuran ang
bisita.
5. Maaaring alukin ng maiinom o
makakain ang bisita.
6. Ihatid sa labas ng pinto o gate
ang bisita kapag nagpaalam na.
Day 3
Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng pagpapaupo,
pagbibigay ng makakain, pagsasagawa nang wastong pag-iingat sa
pagtanggap ng bisita at pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya.
Pagpapalalim ng Kaalaman
Pagsunod-sunorin ang mga sumusunod
na gawain sa pagtanggap ng bisita.
1. Malugod na ipakilala sa pamilya, kung
ito ay kaibigan ng isa sa mga kasapi ng
mag-anak.
2. Magalang na makipag-usap at
makipagkuwentuhan sa bisita.
3. Alukin o hainan ng tubig o
anumang maiinom at makakain ang
bisita.
4. Magiliw na paupuin ang bisita.
5. Maingat na magbukas ng usapin na
magdudulot ng kalungkutan sa bisita.
6. Maingat na itanong sa bisita ang sadya
ng kanyang pagbisita.
7. Magiliw na ihatid sa labas ng pintuan o
gate kapag siya ay nagpaalam na uuwi na.
8. Pasalamatan ang bisita sa kanyang pagdalaw kung
ang sadya ay dalawin ang isa sa mga miyembro ng
mag-anak o ng pamilya.
9. Maaaring magmano sa bisita ang mga bata kung
ito ay may edad o matanda na. Ang mga
nakatatanda naman sa mag-anak ay maaaring
makipagbeso-beso sa bisita.
10. Maging maingat sa pagtanggap ng bisita kung
hindi ito kakilala. Makabubuti na interbyuhin at
hindi muna patutuluyin sa loob ng bakuran o
tahanan ang hindi kakilalang bisita.
Isadula ang wastong
pagtanggap ng bisita ayon
sa talaan at
pagkakasunod-sunod na
ginawa.
Day 4
Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng pagpapaupo,
pagbibigay ng makakain, pagsasagawa nang wastong pag-iingat sa
pagtanggap ng bisita at pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya.
Pagsasanib
Ano ang maidudulot ng
pagtulong mo sa maayos na
pagtanggap ng bisita sa
inyong tahanan?
Tandaan Natin
Isa sa mga kaugaliang Pilipino ay ang
mahusay at maasikasong pagtanggap
ng bisita. Kinalulugdan ito ng
maraming dayuhan. Kung kaya, mas
mapagyayaman ito kung ang bawat
batang Pilipino ay matututunan ang
maingat at wastong pamamaraan ng
pagtanggap sa bisita.
Paglalahat
Paano ka nakatulong
sa pagtanggap ng bisita sa
inyong tahanan?
Day 5
Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng pagpapaupo,
pagbibigay ng makakain, pagsasagawa nang wastong pag-iingat sa
pagtanggap ng bisita at pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya.
Pagtataya
Panuto: Punan ng salita o mga salita
ang patlang.
1. Ang bisita ay nararapat na ______
kung hindi kakilala ng buong mag-
anak.
2. Marapat na ______ ang bisita ng
maiinom o makakain.
3. Maging _______ sa pagtanggap
ng bisita kung hindi ito kakilala.
4. Makipag-usap nang may _____
sa bisita.
5. Iwasang pag-usapan ang mga
________ na makapagdudulot
ng kalungkutan sa bisita.
Pagpapayaman ng Gawain
Gumawa ng talata na binubuo
ng limang pangungusap tungkol
sa karanasan sa pagtanggap ng
bisita. Maaaring ipakuwento sa
magulang kung wala pang
karanasan sa pagtanggap ng
bisita.
Thank you!

You might also like