Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

KAKAYAHANG

LINGGUWISTIKO
Ang wika ay itinuturing na
instrumento sa pagpapahayag at
tagabitbit ng kaalaman, kultura, at
kasaysayan ng isang lipunan o
bansa.
DALAWANG
KAKAYAHANG DAPAT
BIGYAN NG TUON
KOMUNIKATIBO
-ito ay tumutukoy sa paglalapat ng
mga kaalamang lampas sa
gramatika o balarila.
LINGGUWISTIKA

-ang tawag sa maagham na pag-aaral ng


wika. Kinapa, palooban ito ng pagsusuri ng
bawat tunog (ponema), titik, yunit ng salita
(morpema), salita (leksikon), pangungusap
(sintaks), at pagpapahayag (diskors).
MGA MADALAS NA
PAGKAKAMALI SA
GRAMATIKANG FILIPINO
A. *Paggamit ng Nang at Ng
Nang
*Ginagamit bilang pangatnig sa
hugnayang pangungusap.
Hal. Nagsisimula na ang palatuntunan
nang kami ay dumating.
*Nagmula sa na at inaangkupan ng ng
at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at panuring nito.
Hal.
Nagpaalam nang magalang ang
mag-aaral sa guro
*Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na
inuulit, neutral na inuulit, o pandiwang inuulit

Hal.
Basa nang basa
magsikap nang magsikap
dumalangin nang dumalangin
*Pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na
pamaraan

Hal.
Binigkas ni Elena nang buong husay
ang kaniyang talumpati.
*Kasingkahulugan ng upang at panumbas
sa so that o in order sa Ingles.
Hal.
Makisama tayong mabuti sa ating kapwa
nang tayo ay lumigaya.
Ng
*Pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang
layon ng pandiwa

Hal.
Gumagawa siya ng takdang-aralin
*Nagsasaad ng pagmamay-ari ng
isang bagay
Hal.
Ang aklat ng bata ay tinakpan ng ina.
*Bilang pang-ukol na katumbas ng with

sa Ingles
Hal.
Ako ay sinalubong niya ng
ngiting magiliw.
B. Paggamit ng MAY at MAYROON

MAY

*Kapag sinusundan ng pangngalan


Hal.
May kasama siyang kaibigan
Si Donna ay may dalang balita.
*Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa

Hal.

May gagawin ka ba mamaya?


Ang mga bata ay may inaasahang regalo.
*Kapag sinusundan ng pang-uri

Hal.
May bago ka palang kaibigan.
Si Didith ay may magandang
kalooban.
*Sinusundan ng panghalip na panao sa
kaukulang paari

Hal.
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang
problema.
Sila ay may kanila na at kami ay may anim.
*Sinusundan ng pantukoy na mga at pang-
ukol na sa

Hal.
May mga nilalang ng Diyos na
nakakalimot na
tumawag sa Kaniya.
Mayroon

*Ginagamit kapag may napasingit na kataga sa


salitang sinusundan nito

Hal.
Mayroon bang problema sa pag-aaral mo?
Mayroon daw humahanap sa amin.
*Ginagamit na panagot sa tanong

Hal.
May hinihintay ka ba? Mayroon.
*Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-
maykaya sa buhay

Hal. Sila ay mayroon sa kanilang bayan.


Isa siya sa mayroon sa kanilang
lalawigan.
C. Paggamit ng din at daw / rin at raw
Din at Daw
*Ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig
Hal. Tatlong buwan daw tinapos ni Isiong
ang kubo na iyan.
Susunod din sina Ela at Joy sa
salusalo mamaya.
Rin at Raw
*Ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y
Hal. Bibili raw si Nanay ng lechon para
sa kaarawan ni Bunso.
Kasama rin kami sa pagtatanghal sa
paaralan bukas.
D. Paggamit ng pahirin at pahiran
Pahirin
*Kilos na nangangahulugan ng pag-aaliis o
pagpawi sa isang bagay
Hal. Pahirin mo ang pawis ng bata.
Pinahid ni Luis ang dugong
umaagos sa putok niyang labi.
Pahiran

*Paglalagay ng kaunting bagay

Hal. Pahiran mo ng Vicks ang aking likod.


E. Paggamit ng kung o kong

Kung
*Pangatnig na panubali at karaniwang
ginagamit sa hugnayang pangungusap.

Hal. Malulutas ang suliranin ng bayan kung


makikiisa ang mga mamamayan.
Kong
*Nanggaling sa panghalip panaong ko at
inaangkupan ng ng

Hal. Nais kong tulungan ka ngunit tulungan


mo muna ang iyong sarili.
F. Paggamit ng subukin at
subukan
Subukin
*Nangangahulugang tingnan ang kalagayan o
ayos, o kaya ay suriin at siyasatin ang
kalagayan ng tao o anyo at ayos ng bagay.
Katumbas ng try sa Ingles.
Hal. Subukin natin ang lasa ng bagong
mantikilyang ito.
Subukan

*Tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao


o kaya ay magmanman. Katumbas ng to spy sa
Ingles.

Hal. Subukan mo kung saan niya itinago ang


kaniyang dala-dalahan.
G. Paggamit ng kita at kata
Kita
*Ginagamit kapag ang isa o dalawang nag-
uusap ay siyang gaganap ng gawain para sa
kausap
Hal. Ibibili kita ng bagong damit.
Kausapin nga kita.
Kata
*Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap
ay magkasamang gagawa ng isang bagay.

Hal. Kata ay magsimba muna bago umalis.


H. Paggamit ng sila at nila / sina at nina
Sila at Nila
*Mga panghalip panao at hindi sinusundan ng
pangngalan.
Hal. Sila ay pupunta sa Laguna para
magbakasyon.
Binili nila ang bestida para kay Lola
Adela.
Sina / Nina
*Mga pantukoy na maramihan na sinusundan ng
pangngalan.
Hal. Sina Jacob at Esau ang mangunguna sa
pagdarasal.
Pinitas nina Jean at Gabby ang mga
bulaklak sa hardin ni Tiya Isabel.
I. Paggamit ng pinto at pintuan
Pinto
*Bahagi ng gusali na siyang isinasara at
ibinubukas
Hal. Kumatok ka sa pinto bago ka
pumasok.
Pintuan
*Daanan
Hal. Maluwang ang kanilang pintuan.
J. Paggamit ng hagis at ihagis
Ang Hagis ay isang pangngalan at hindi
maaaring pandiwa samantalang
ang Ihagis ay pandiwang pautos.
Hal.
Mali. Hagis mo ang bola kay Ryan.
Wasto. Ihagis mo ang bola kay Ryan.
Wasto. Kailangang itaas ni Ryan ang hagis ng
bola.

You might also like