Pilipino. magiliw na pagtangggap ng mga panauhin EsP5PPP- IIIa-23.
• Naipagmamalaki ang pagkagiliw sa pagtanggap ng
panauhin • Nakasusukat ng isang talatang naghihikayat sa mga mamayang Pilipino na panatilihin, pahalagahan at ipagmalaki pagkamagiliw sa pagtaggap ng panauhin. • Nakapaglalahad ng mga gigawang paghahanda kung may inaasahan bisitang kamag-anak o kaibigan 1.Naranasan naba ninyong bumisita sa inyong mga kamag-anak o kaibigan? 2. Paano ba kayo tinanggap ng inyong mga kamaganak kaibigan? Bumuo ng pangkat na binubuo ng tatlong miyembro. Bawat pangkat ay bibigyan ng cartolina strips. Isulat ninyo sa cartolina strips ang ginagawa ninyong paghahanda kung may inaasahan kayong bibisitang kamag- anak o kaibigan. Isang paghahanda lang sa bawat cartolina strips 1. Bakit nga ba ganoon na lamang ang paghahanda na ginagawa kung may bisita? 2. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinapakita sa aktibiting ginawa? Magiliw na Pagtanggap ng Panauhin
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at
magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin. Ang maganda dito ay sa ating pagsilbi sa bisita ay nagpapakita ng paggalang at kultura sa loob ng bahay o pook. Ito ay ang ating pagpapahayag at pakita kung ano ang mayroon tayo sa pagsalubong sa kanila upang kanilang magustohan o makikita ang pagkakaiba at pagkahawig ng kultura. Sa mga magkaibigan, ito ay maganda para sa kaila sa paraan ng pagiging sa loob ng tahanan at serbisyo ng isa na nagpapakitang galang at kahalagahan ng kaibigan. Ano-ano ang ipinakita ng mga Pilipino kapag may panauhin? Bakit pinagsilbihan ng mga Pilipino kapag may panauhin? Pangkatang Gawain: Pangkatin ang buong klase sa apat. Ang larong ito ay tinatawag na Kilos Ko, Hulaan Mo. Bawat pangkat ay magpapakita ng mga pamamaraan kong paano ang magiliw na pagtanggap ng panauhin. Walang diyalogo dahil huhulaan ng ibang pangkat ang iyng ipinakitang kilos. Pag-uulat ng bawat pangkat Gamitin ang parehong pangkat sapagsasanay. Maglalahad ang guro ng mga sitwasyon. Iaangat ninyo ang emotion na masaya kung ito ay nagpapakita ng magiliw sa pagtaggap ng panauhin at malungkot naman kung hindi Bakit kailangang panatilihin at ipagmalaki ang kaugaliang Pilipino na magiliw na pagtanggap ng panauhin? Paano mo maipagmamalaki bilang Pilipino ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita? Sumulat ng isang talata na naghihikayat sa mga mamamayang Pilipino na pahalagahan, panatilihin at ipagmalaki ang kaugaliang Pilipino na magiliw sa pagtanggap ng panauhin. Magdala ng dalawang larawan ng iba pang mga kaugaliang Pilipino. 1. Pangkatin ang buong klase sa apat. Basahin at unawaing maigi ang sitwasyong ibinigay. Sa inyong sariling malikhaing paraan, maglahad ng inyong sariling paraan upang makatulong sa tauhan sa sitwasyon • May dumating na malakas na bagyo. Isang bahay ang tinamaan ng buhawi. Dahil dito, isang mag-anak ang nawalan ng matutuluyan. Ano ang iyong maitutulong bilang kapitbahay? at sa paanong paraan ka tutulong? Gamit ang parehong pangkat sa pagsasanay, buuhin ang word association sa ibaba. Ang pagtutulungan o bayanihan kahit kailan di dapat alisin sa puso ninuman. Pagkat it‟oy daan tungo sa kaunlaran nang buong sambayan ipinahayag natin ang pagmamahalsa bansa sa paggamit n gating mga kakayahan at pagtupad sa mga tradisyong nakagisnan. Ang pagmamahal sa bansa ay isang katangian na nasusukat sa maraming bagay. Isulat ang tama o mali. _____1. Tumulong lamang kung may kapalit na kabayaran. _____2. Tumulong nang kusang-loob. _____3. Isapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa. _____4. May kagantihang paghihintay para sa taong matulungin. _____5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan. Magbigay ng limang kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay ginagawa sa lipunang kinabibilangan.