Presentation Tekstong Impormatibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

MAHALAGANG TANONG:

• Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagsulat ng mga


tekstong impormatibo?
• Sa ano-anong pagkakataon sa ating buhay mahalaga
ang mga kaalamang nailalahad ng ganitong uri ng
teksto?
• Gusto mong bumili ng aklat kaya’t nagpasama ka sa
iyong kaibigan sa pagpunta sa bookstore. Sapat lang
ang pera mo para sa isang aklat o isang babasahin.
Alin sa mga ito ang bibilhin mo? Lagyan ng tsek ang
kahong katapat nito.
• Bakit ang aklat o babasahing ito aang napili mo? Ano
ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbaabasa ng
ganitong uri ng aklat o babasahin?
Ano nga ba ang tekstong
impormatibo?
Ang tekstong impormatibo ay isang
uri ng babasahing di piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol
sa iba’t ibang paksa.
DI PIKSYON
PIKSYON
ELEMENTO NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
LAYUNIN NG MAY AKDA
Maaring magkaiba iba ang layunin ng
may akda sa pagsulat niya ng isang
tekstong impormatibo.
Gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito ng pagbibigay
o paglalahad ng impormasyon.
PANGUNAHING IDEYA
Sa tekstong impormatibo ay dagliang inilahad ag
mga pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa
ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi tinatawag din itong organizational
markers na naka tutulong upang agad makita at
malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin.
Pag isipan natin!
Pantulong na kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng mga
angkop mga pantulong kaisipan o mga
detalye upang maka tulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan
sa kanila.
ESTILO SA PAGSULAT,
KAGAMITAN/SANGUNIANG
MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA
BINIBIGYANG DIIN
Paggamit ng mga makalarawang
representasyon
Pagbibigay diin sa mahahalagang salita
sa teksto
Pagsulat ng mga talasangunian
MGA URI NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
PAGLALAHAD NG TOTOONG
PAGYAYARI/KASAYSAYAN
Sa uri ito ng teksto inilahad
and mga totoong
pangyayaring naganap sa
isang panahon o
pagkakataon.
PAG-UULAT PANG-
IMPORMASYON
Nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol
sa tao, hayop, iba pang bagay na
nabubuhay, gayundin sa mga
pangyayari sa paligid.
PAGPAPALIWANAG
Ito ang uri ng tekstong
impormatibong nagbibigay
paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o
pangyayari.
CYBERBULLYING
CYBERBULLYING
Ang cyberbully o pang bubully sa kapwa gamit ang
makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay:
 Pagpapadala ng minsahe ng pananakot
 Pagbabanta
 Pagtataglay ng masamang salita maging text or email
 Pagpapalaganap ng usap usapan,larawan, video, at iba pa
 Pag bash o pagpost ng mga nakasisira at walang basehang
kumento; at iba pa
Paano naiiba ang Cyberbullying sa harapang
pambubully?
Napadali ng internet ang paggawa ng iba't ibang krimen,
panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming hindo
mabubuting bagay tulad ng Cyberbullying. Para sa isang
biktima, mas mahirap at mas matindi ang Cyberbullying
kaysa harapang pambubully.
Ang harapang pambubully ay nangyayari sa isang lugar
at isang panahon. Samantala, ang Cyberbullying ay
maaaring mangyari nang 24/7.
Kahit hindi magharap ang biktima at ang bully, o kahit
natutulog ang biktima, o nasa loob ng kanayang tahanan,
ang Cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Kapag
naipost o naipadala na sa iba ang mga bagay na ito,
napakahirap ng mawala o mahinto ang pagkalat ng mga
nakasisirang bagay sapagkat wala nang kontrol ang
nagpost sa pwedeng gawin ng bawat makatanggap o
makakita sa kanyang post .
Ano ano ang epekto ng Cyberbullying?
• Mga senyales ng depresyon
• Pag inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
• Pagliban o pag iwas sa pagpasok sa paaralan
• Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng
mababang self esteem
• Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
• Pagiging biktima rin ng harapang bullying
Ano na ba ang sitwastyon ng
Cyberbupllying sa pilipinas?
Ayon sa ulat ng Google trends ang ika apat sa
mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol
sa Cyberbupllying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa
itong indikasyon na ang isyu ng Cyberbupllying ay
isa nang realidad sa ating bansa.
Sa survey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org,
ang sumusunod ang isinagawa ng mga nagiging biktima
ng cyberbullying:
36% ang nagsabi as bully na huminto as pambu-bully niya
34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangang ang
konikasyon as bully
34% ang nagsabi as mga kaibigan ukol as pambu-bully
29% ang walang ginawang anuman ukol as pambu-bully
28% ang nag-sign-offline
11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayaring
cyberbullying
Ano ang maaaring gawin ng isang taong
nabiktima ng Cyberbupllying?
• Laging kunan ng screenshot ang nakasisirang mensahe
• Ipaalam sa mga kapamilya ang mga pangyayari o
pagatake
• I report sa awtoridad
• I report sa pamumunuan ng social media
• Magpalit ng numero ng telepono kung cell phone ang
ginamit sa pagatake o pambubully
• I deactivate ang lahat ng social media
accounts
• Sumangguni sa propesyonal na tagapayo
kung kinakailangan
• Supoytahan ang mga grupong nagla lobby
para sa isang batas patungkol sa
Cyberbupllying o harassment
May pag asa pa bang makabangon mula sa
Cyberbupllying?
Ang pagiging biktima ng Cyberbupllying ay
hindi katapusan ng mundo. Maraming biktima ang
nagtagumpay na malampasan ang ganitong
kalagayan sa sarili nilang pagsisikap, matibay na
pananalig sa diyos, at sa tulong ng mga taong
nagmalasakit upang silay muling makabangon
mula sa masakit na karanasan.
Isa sa mga ito si Paula Jamie Salvosa, ang babaeng
binansagang "Amalayer girl". masakit ang pinagdaanan
niya subalit napatunayan niyang ang panahon nga ang
pinakamabisang lunas. Sa paglipas ng panahon unti
unting nalimot ng tao ang pangyayari at ngayon aktibo
siya sa simbahan at nangangaral ng salita ng diyos.
Marami pang ibang tulad ni salvosa na nabiktima rin ng
Cyberbupllying ang nakabangon at nabigyang
pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang buhay.
PANGKATANG GAWAIN:
• Payabungin Natin
• May mga salita ba mula sa iyong napakinggan o binasa na bago sa iyong paningin
at kinakailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa?
• Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay ay subukin mong ibigay
ang angkop na kasingkahukugan nito gamit ang diksyonaryo o sa tulong ng
konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit.
• Sa ikatlong hanay ay gagamitin ito sa makabuluhang pangungusap.
• Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto at
nakasulat nang padiin sa bawat bilang.
• Tukuyin kung anong uri ng tekstong Impormatibo nabibilang ang binabasa ng
tauhan sa bawat sitwasyon.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like