Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ANG DULA AT

IBA PANG URI


NITO
SA KATAPUSAN NG MODYUL
NA ITO, INAASAHAN NA IKAW
 1.AY:
Nasusuri ang katotohanan ng pangyayari sa
sitwasyon at pangyayari sa sariling karanasan
batay sa pagkamakatotohanan nito.
2. Nakalilikha ng isang komik strip mula sa
napiling dulang panlansangan.
3. Napatitibay ang pagiging masikap at matapat
upang maabot ang mga pangarap sa buhay.
PAGBABASA
Sa isang bayan ng Mindanao,may isang batang
lalaki na nagngangalang Hajje. Si Hajje ay
mahirap na bata lamang. Kahit mahirap lamang
siya hinuhubog naman si Hajje sa kanyang mga
magulang ng mga magagandang-asal mula sa
Qu’ran. Si Hajje ay isang batang mabait,
magalang, at higit sa lahat matakutin sa mahal na
Panginoong Allah.
Sa kanyang murang edad nagpursige siyang
maghanap ng trabaho para maipagamot
lamang ang kanyang ina, at higit sa lahat
palagi siyang pumunta sa mosque para
manalangin kay Allah, na sana ay may
himalang mangyari galing kay Allah na
pagalingin na ito sa malubhang
karamdaman.
Isang umaga, inutusan si Hajje ng kanyang ina na
bumili ng gamot sa botika. Nang dumating na siya
sa tindahan may isang lalaki na nauna na sa
kanyang bumili ng gamot. Kumaripas ang lalaki
paalis, na parang may hinahabol at sa kasamaang
palad naiwan ng lalaki ang kanyang I Phone 4s
Elite Gold cellphone sa mesa. Nakita ni Hajje ang
cellphone na naiwan ng lalaki ang kanyang
mamahaling cellphone sa mesa ng botika.

Kaya dali-dali itong kinuha ni Hajje at itinakbo
.

ang cellphone para ibalik sa may-ari. Naabutan ni


Hajje ang lalaki sa bus terminal ng Ceres na paalis
na sana. Laking gulat at pasasalamat ng lalaki kay
Hajje sa kabaitan at katapatan ng bata. Bilang
pasasalamat binigyan ng pabuya si Hajje ng
malaking halaga para dagdag pambili ng gamot
para sa kanyang inang may sakit. Mula noon
gumaling na ang kanyang ina dahil ito ay
naipagamot na ang kanyang ina sa isang pribadong
hospital.
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG:
 1. Sino si Hajje? Ilarawan ang kanyang kalagayan at ang
kanyang pamilya ?
 2. Anong magandang katangian ang ipinakita Hajje nang
magkasakit ang kanyang ina? Paano ipinakita sa bahaging ito
ang kanyang pananampalataya?
 3. Paano ipinakita sa kabuuan ng sitwasyon na ang pananalig
sa Diyos na may kalakip na paggawa ay mahalaga sa buhay?
 4. Ano ang magandang-aral ang iyong napulot sa Gawain 1
 Ang Dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Ayon nga kay Arrogante (1991) ang
dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay na
ipinamalas sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito ang lahat ng
katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng
mga suliranin o mga pagsubok na kanyang
pinagtatagumpayan o kinasawian. Gaya ng ibang katha, ang
dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng
damdamin, at humihingi ng pagbabago. Higit na
nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda sapagkat
bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at
galaw sa tanghalan.
ILAN SA MGA NAKILALANG DULANG
PANLANSANGAN SA BANSA NA LAGANAP PA RIN
SA KASALUKUYAN AY ANG MGA SUMUSUNOD:
Tibag- Ito ay isinisagawa tuwing buwan
ng Mayo na tungkol sa paghahanap ni
Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay
Kristo. Ang mga tauhan o kasali sa
pagtatanghal ay kahalo-halo ng taong-
bayan.
Senakulo- Inilalarawan dito ang simula
ng lahat- ang paglalang kay Eba at
Adan, ang pagsilang kay Jesus, ang
kanyang kamatayan, at muling
pagkabuhay. Itinatanghal ito bilang
isang serye, mula Lunes Santo
hanggang Sabado de Gloria.
Panunuluyan- Ito ay isinasagawa
tuwing sasapit ang Pasko, Disyembre 24
ng gabi bago magmisa de Gallo. Sina
Maria at Jose ay maghahanap ng bahay
na masisilungan at mapagsisilungan at
mapagsisilangan kay Hesus.
Moriones- Dulang panrelihiyong ginaganap sa
mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro at
Marinduque tuwing Mahal na Araw. Ang mga
karakter na gumaganap ay nakasuot o
naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang
kulay at iba pa pang palamuti o guhit sa
kanilang katawan.
Santakrusan- Dulang panlansangan at
panrelihiyon kung saan isang marangyang
parada ng mga sagala at konsorte ang
nagaganap. Sila ay lumilibot sa mga kalye
hanggang sa makarating sa simbahan upang
maihatid ang krus.
Salubong- Ito ay prusisyon na
ginaganap sa madaling-araw ng Linggo
ng pagkabuhay.
 Panuto: Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba.
Isulat sa patlang kung ito’y makatotohanan o di-
makatotohanan batay sa iyong sariling karanasan at saka
magbigay patunay ng iyong napiling sagot. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kwaderno. (5 puntos bawat bilang)
 1. Si Hajje ay palaging pumupunta sa Mosque para
manalangin.
 2.Hindi na ibinalik ni Hajje ang cellphone na nakita niya sa
tindahan ng siya ay bumibili ng gamut
 3.Pinapangarap ni Hajje na balang araw ay gumaling na ng
lubusan ang kanyang inang may sakit.

You might also like