Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MGA ELEMENTO NG

TULA
Sukat, Tugma, at Talinghaga sa tula
•1. Sukat – isa sa mahahalagang
elemento ng tula ang sukat. Ito ay
tumutukoy sa bilang ng pantig sa
bawat taludtod. Ang karaniwang
bilang ng pantig sa isang tula ay
labindalawa, labing-anim, at
labingwalo.
• Halimbawa:
Ka/pag/ka/ang/ba/ya’y/sad/yang/u/mi/i/bi
g - 12
Sa/kan/yang/sa/li/tang/ka/lo/ob/ng/la/ngit
- 12 Ang halimbawang mababasa sa itaas ay
mula sa tulang “Sa aking mga Kababata” ni
Dr. Jose Rizal na may sukat na
lalabindalawahing pantig. Kapag binasa ang
bawat taludtod ay nagkakaroon ng saglit na
tigil sa gitna o sa ikaanim na pantig. Ang
saglit na tigil na ito ay tinatawag na sesura.
•2. Tugma – Isang mahalagang
elementong nagbibigay ng higit na
rikit o ganda sa isang tulang may
sukat at tugma ay ang pagkakaroon
ng magkakapareho o
magkakasintunog na dulumpantig
na tinatawag na tugma. Ang tugma
ay mauuri sa dalawa:
• a. Tugmang di ganap – May
magkakaparehong patinig sa huling
pantig o dulumpantig subalit
nagkakaiba ang huling katinig sa bawat
taludtod. Halimbawa: Pinipintuho kong
bayan ay paalam, Lupang iniirog ng
sikat ng araw Mutyang mahalaga sa
dagat Silangan, Kaluwalhatiang sa ami’y
pumanaw. Mula sa “Pahimakas” ni Jose
P. Rizal
•b. Tugmang ganap – May
magkakaparehong tunog ang huling
pantig o dulumpantig ng bawat
taludtod. Halimbawa: Aling pag-ibig
pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay
at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa
tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa?
Wala na nga, wala.
• 3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay o
Idyoma) – Ito ang paggamit ng masining
na salitang nagbibigay ng higit na
kariktan sa tula. Dito’y sadyang inilalayo
ang paggamit ng mga karaniwang salita
uoang higit na maging mabisa at kaakit-
akit ang tula.
•Mga tayutay ang isa sa karaniwang
ginagamit na paraan para sa
pagbibigay ng talinghaga sa tula.
Mababasa sa ibaba ang ilan sa
mga uri ng tayutay na karaniwang
nagagamit sa pagbibigay ng
talinghaga sa tula:
•a. Pagtutulad (Simili) –
Paghahambing ng dalawang
magkaiba subalit may
pagkakaugnay na mga bagay at
ginagamitan ng mga pariralang
tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,
sing-, sim-, magkasim, magkasing-,
at iba pa
• b. Halimbawa: Ang pag-ibig ay tulad ng isang
ibong kailangang pakawalan upang pag
nagbalik, ito’y sadyang sa iyo nakalaan.
• c. Metapora (Metaphor) – Tulad ng
pagtutulad ang metapora ay naghahambing
din subalit direkta ang paghahambing ng
dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng
mga panlapi at salitang naghahambing.
Halimbawa: Ang kanyang puso ay bakal na
pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.
•d. Personipikasyon (Personification)
– Pagsasalin ng mga katangian ng
isang tao tulad ng talino, gawi, at
kilos sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa: Lumuha pati ang langit
sa kanyang nagging kasawian.
• e. Pagmamalabis o Eksaherasyon
(Hyperbole) – Dito ay sadyang
pinalalabis o pinakukulang ang
kalagayn o katayuan ng tao o bagay na
tinutukoy.
Halimbawa: Lumuha ng dugo ang anak
subalit hindi na niya maibabalik ang
nawalang buhay ng kanyang ama.
• f. Pagpapalit-saklaw ( Synecdoche) – Sa
pagpapahayg na ito, maaaring
banggitin ang bahagi bilang pagtukoy
sa kabuuan at maaari namang ang
isang tao ay kumatawan sa isang
pangkat.
Halimbawa: Ninanais ng binatang hingin
na ang kamay ng dalaga.
• g. Pagtawag (Apostrophe) – ito ay
pakikiusap sa karaniwang bagay o isang
dinaramang kaisipang para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao o
isang tao gayong wala naman ay parang
naroo’t kaharap
Halimbawa: Pag-ibig, tingnan mo ang
ginawa mo sa puso kong sugatan.
•h. Pagtanggi (Litotes) –
Gumagamit ito ng panagging
hindi upang magpahiwatig ng
isang makabuluhang pagsang-
ayon.
Halimbawa: Hindi ko sinasabing
matigas ka, subalit nadarama
kong pinatigas na ng panahon ang
iyong puso at damdamin.

You might also like