Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko: Quarter 2 Week 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 84

ESP 4 D

A
Pagkakamali Ko, Y
Itutuwid Ko 1

Quarter 2 Week 2
Balik-aral
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para
maipakita ang pagiging mahinahon?

Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid


mo sa mall. Bigla niyong naramdaman na
yumayanig ang kapaligiran.
Pangganyak
May mga pagkakataong nakagagawa tayo ng
pagkakamali at nakasasakit sa damdamin ng
ating kapuwa nang hindi natin namamalayan.
Nangyari na ba sa iyo ang ganito? Isalaysay.
Paglalahad
Pagbasa ng kwento.
Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa
paaralan. Masayang-masaya siya sapagkat
natapos niya ang kaniyang proyektong parol.
Katulong niya ang kaniyang buong pamilya sa
paggawa nito. Habang bitbit niya
Paglalahad
ang parol ay nasagi siya ng isng batang
nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan
upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla
at nasira ito.
Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli
na siya sa kaniyang klase at nasira pa ang
kaniyang proyektong parol.
Paglalahad
“Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay
ma’am, himutok ni Carla.
“Pasensya na, hindi kita napansin kasi
naghahabulan kami,” paumanhin ng nakasaging
bata.
Paglalahad
“Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang
parol,” wika pa ng batang nakasagi.
Pumayag naman si Carla at magkasama silang
nagpaliwanang sa guro kung bakit nasira ang parol.
Paglalahad
Nang araw ding iyon ay magkatulong na
ang dalawang bata sa pagbuo ng parol ni
Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa
guro at nagging magkaibigan pa silang
dalawa.
Pagtatalakay
Sagutin ang mga sumusunod:
1)Isalaysay ang nagyari habang naglalakad si
Carla patungo sa kaniyang sili-aralan.
2) Tama ba ang ginagawang paghingi ng
paumanhin?
3) Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa
nakasagi sa iyo?
Gawain 1
Pag-aralan ang tsart. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Mga taong nasaktan o nagawan ko Pagkakamaling nagawa sa Paraan ng pagtutuwid sa
ng pagkakamali kapuwa naging pagkakamali

1)kapamilya

2)kaibigan

3)kaklase

4)kalaro
Gawain 2
Sagutin ang mga tanong:
1)Ayon sa inyong mga sagot sa unang hanay, sino ang mas
madalas na nagagawan ng pagkakamali?
2)Alin sa mga ito ang pare-parehong pagkakamali na
madalas na nagagawa?
3)Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid sa
pagkakamali na ginawa mula sa mga sagot ng bawat
pangkat? Ipaliwanag.
Paglalapat
Alin sa mga sumusunod na salita o pangkat ng mga salita
ang ginagamit niyo na nagpapakita ng paghingi ng
paumanhin. Lagyan ng tsek.
o Bahala na!
o Sorry!
o Hindi ko sinasadya.
o Buti nga sayo.
o Excuse me.
o Pasensya ka na.
Paglalahat
Sinasabing normal lang sa isang tao ang
magkamali. Subalit ang pahayag na ito ay
hindi natin dapat abusuhin, nararapat itong
gawing panuntunan upang maiwasan ang
pagkakamali at makasakit ng damdamin ng
ating kapwa.
Paglalahat
Ang paghingi ng paumanhin ay isnag
positibong kaugalian na dapat makasanayan
ng isang bata. Dapat ding isapuso at isabuhay
ang mga natutuhan sa pagkakamaling nagawa
upang maiwasang makasakit ng kapuwa at
hindi na ito maulit pa.
Pagtataya
Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyang
ng tsek (/) ang iyong pinaniniwalaang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Pagtataya
Palagi Paminsan- Hindi ko
minsan ginagawa
1) Humihingi ako ng tawad kapag
nagkakamali ako.
2) Nakagagawa ako ng pagkakamali sa
aking kapuwa kahit hindi ko sinasadya.
3) Nagpapatawad ako sa taong nagkasala
sa akin.
4) Ginagamit ko ang salitang sorry nang
bukal sa aking kalooban.
5) Inaayos ko agad ang tampuhan naming
magkaibigan.
ESP 4 D
A
Pagkakamali Ko, Y
Itutuwid Ko 2

Quarter 2 Week 2
Balik-aral
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para
maipakita ang pagiging mahinahon?
1)Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng
biglang inagaw ng iyong kapatid ang iyong
ginagamit na pangsulat.
Pangganyak
Nakasakit ka na ba sa iyong kapwa dahil sa
isang pagkakamali mo? Isalaysay ito.
Paglalahad
Balikan ang kuwento tungkol sa Parol ni
Carla.
Pagtatalakay
Sagutin ang mga sumusunod:
1) Paano itinuwid ng batang nakasagi ang
kaniyang pagkakamali? Tama ba ang
kaniyang ginagawa?
Pagtatalakay
Sagutin ang mga sumusunod:
2) Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan
upang maituwid ang nagwanag
pagkakamali?
Gawain 1
Gumawa ng isang card ng paumanhin. Isulat
sa loob ng card mga nagawa pagkakamali sa
kanya at ang paghingi mo ng tawad o
paumanhin. Ibigay ang ginawa mong card sa
kaniya. Maari ring mag-email kung nanaisin.
Gawain 2
Iulat sa klase kung ano ang nagging reaksyon ng
taong binigyan mo ng card ng paumanhin.
Nakatulong bai to upang maituwid mo ang iyong
nagawang pagkakamali? Bukod sa pagbibigay ng
card at sulat, ano pa sa palagay mo ang pwedeng
gawin upang maituwid ang pagkakamaling
nagawa sa kapwa?
Paglalapat
Alin sa mga sumusunod na salita o pangkat ng
mga salita ang ginagamit niyo na nagpapakita ng
paghingi ng paumanhin. Lagyan ng tsek.
o Patawarin moa ko.
o Wala akong pakialam!
Paglalapat
o Ikinalulungkot ko ang nangyari.
o Ikaw kasi!
o Di ko kasalanan iyon.
o Pasensiya na po. Hindi ko na po uulitin.
Paglalahat
Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi
kahinaan kundi tanda ito ng pagiging mahinahon
at maunawain sa damdamin ng kapuwa. Nakikita
ang katatagan ng isang tao sa pagharap niya sa
nagging bunga ng kaniyang mga nagawa.
Paglalahat
Mahalagang timbangang timbangin muna ang
idudulot na Mabuti o hindi Mabuti bago gumawa
ng desisyon. Isang Tsinong Pilosopo nak ilala sa
pangalang Confucius ang nagsabi na, “Huwag
mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong
gawin s aiyo.”
Pagtataya
Isulat ang TAMA o MALI.
1)Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at
hinaharap ang bunga ng aking ginawa.
2)Itinutuwid ko ang aking pagkakamali sa
pamamagitan ng pag-aminsa aking nagawang
kasalanan.
Pagtataya
3) Iniiwasan kong makasakit ng aking kapuwa.
4) Kinakausap ko ang isang tao kahit may
nagawa sitang kamalian sa akin.
5) Humihingi ako ng paumanhin sa aking
kaklase kahit hindi ko sinasadya ang aking
pagkakamali.
ESP 4 D
A
Pagkakamali Ko, Y
Itutuwid Ko 3

Quarter 2 Week 2
Balik-aral
Isulat sa bilang ang letrang T kung ang isinasaad
ng pangungusap ay Tama, at M kung ang
pangungusap ay Mali. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
1. Hindi ko kinakausap ang isang tao kung may
nagawa siyang pagkakamali sa akin.
Balik-aral
2. Iniiwasan kong masaktan ang aking
kaibigan.
3. Sinisiguro ko na hindi ko nasasaktan
ang damdamin ng aking kaibigan sa aking
pagbibiro.
Balik-aral
4. Humihingi ako ng tawad sa tuwing
nakagagawa ako ng pagkakamali sa aking
kaibigan.
5. Hindi ko pinapatawad ang taong
nagkakasala sa akin.
Pangganyak
Nakasakit ka na ba sa iyong kapwa dahil sa
masasakit na salita. Isalaysay ito.
Paglalahad
Iparinig sa mga mag-aaral ang kantang,
“Bulag, Pipi, at Bingi”.
https://www.youtube.com/watch?
v=2LMAN9clTTU
Pagtatalakay
Sagutin ang mga sumusunod:
1)Ano ang iyong naramdaman para sa kanila
habang nakikinig ka sa awit?
2) Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng mga
taong may kapansanan kapag sila ay nililibak at
pinagtatawanan ng mga taong nakapaligid sa
kanila?
Gawain 1
Gawin ito ng grupo. Makipagpalitan ng
ideya tungkol sa sumusunod at iulat ang
kaklase.
1)Ano ang maari mong gawin kapag Nakita
mong ang isang taong may kapansanan ay
sinasaktan ng iba?
Gawain 1
2) Kung ikaw naman ang nakagawa ng
pagkakamali sa iyong kapuwa, lalo na sa
mga may kapansanan, paano mo ito
itinutuwid?
Gawain 2
Iulat sa klase ang kabuuan ng sagot.
Nakatulong ba ito upang maituwid mo ang
iyong nagawang pagkakamali?
Paglalapat
Gawin at hikayatin ang mga mag-aaral na:
Magbigay pa ng ibang halimbawa ng mga
sitwasyon upang higit na maintindihan na ang
pagkakamali ay nangyayari subalit dapat maging
handa upang harapin at ituwid ang mga ito
Paglalahat
Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi
kahinaan kundi tanda ito ng pagiging mahinahon
at maunawain sa damdamin ng kapuwa. Nakikita
ang katatagan ng isang tao sa pagharap niya sa
nagging bunga ng kaniyang mga nagawa.
Paglalahat
Mahalagang timbangang timbangin muna ang
idudulot na Mabuti o hindi Mabuti bago gumawa
ng desisyon. Isang Tsinong Pilosopo nak ilala sa
pangalang Confucius ang nagsabi na, “Huwag
mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong
gawin s aiyo.”
Pagtataya
Ipaliwang sa 3 hanggang 5 pangungusap.
“Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang
ayaw mong gawin s aiyo.”
Karagdagang Gawain
Suriin ang iyong mga sagot at kumpletuhin ang
mga pangungusap na nasa ibaba.

May mga bagay na paminsan-minsan ko lang ginagawa


dahil ________________. Para sa mga bagay na hindi ko pa
nagagawa, ako ay ___________________. Ipagpapatuloy ko ang
palagi kong ginagawa sapagkat __________________________.
ESP 4 D
A
Puna Mo, Y
Tanggap Ko 4

Quarter 2 Week 2
Balik-aral
Isulat ang tsek (/) kung tama ang pahayag at
ekis (x) kung hindi.
1. Inaamin ko ang aking nagawang kasalanan.
Pasensiya na po, hindi na mauulit.
Balik-aral
2. Humihingi ako ng paumanhin sa aking
kalaro kapag may nagawa akong hindi
maganda.
3. Hindi ko ugali ang mag-sorry sa tuwing
nakasasakit ako ng damdamin ng iba.
Balik-aral
4. Inaamin ko ang aking nagawang
pagkakamali at nangangako ako na hindi
ko na ito uulitin.
5. Ayaw kong pinupuna ako ng hindi
maganda ng aking kapuwa
Pangganyak
Walang perpektong tao sa maundong ito.
Lahat tayo ay may kahinaan at kakayahan,
subalit magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa
kanilang mga kahinaan.
Pangganyak
Paano ba ang tamang pagtanggap ng
kahinaan lalo na kung maraming
natatanggap na mungkahi at puna sa
iyong kakayahan at kasanayan?
Paglalahad
Basahin at gawin.
Punaypay (Puna at Pamaypay)
Paglalahad
1)Kumuha ng isang buong papel at itupi ito
nag sampu na parang pamaypay. Isulat ang
iyong pangalan sa unang tupi.
2)Kapag narinig ang musika, ipapasa ang
iyong papel.
Paglalahad
3)Kapag huminto ang musika, susulatan mo ang
isang tupi ng papel na hawak mo ng isang
salitang naglalarawan sa may ari ng papel. Maari
mong ilarawan ang pisikal na anyo at ang ugali
ng may-ari ng papel. Siguraduhin mo lamang na
tama ang paglalarawan mo sa kaniya. Huwag
mong isusulat ang iyong pangalan.
Paglalahad
4) Ipapasang muli ang papel kapag tumugtog ang
musika at uulitin ang proseso nang siyam nab
eses hanggang sa masulatan ang bawat tiklop ng
papel.
5) Kapag natapos ang musika, kokolektahin ng
guro ang mga papel upang ibigay sa may-ari
nito.
Pagtatalakay
Basahin ang isinulat ng iyong kaklase.
Gamit ang iyong kwaderno, gumuhit ng
dalawang kahon at isulat kung paano ka
inilarawan ng iyong mga kaklase.
Pagtatalakay
Maganadang Puna Hindi magandang
Puna
1)
2)
3)
4)
5)
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod:
1)Saan mas maraming naisulat na puna ang
iyong mga kaklase? Sa iyong palagay, bakit
mas marami ang magbigay s aiyo ng
ganitong puna?
Gawain 1
2)Ano ang naramdaman mo nang Mabasa
mo ang hindi magagandang puna sa iyo?
Gawain 2
Pangakatang Gawain
May inilunsad na timpalak ang Supreme
Pupil Government o SPG sa paaralan. Ito ay
tinatawag nilang “Pagpapahalaga sa Class
Home Ko”.
Gawain 2
Layunin ng paligsahan na maging sentro ng
bawat silid-aralan ang pagpapahalaga o Values.
Bibigyan ng puna ang inyong nagawang plano
batay sa pamantayang ibibigay ng guro. Isulat
Ninyo ang lahat ng magiging puna at mungkahi
na ibibigay ng bawat hurado.
Paglalapat
Sagutin:
1)Ano ang inyong gagawin kung hindi
mapili ang inyong ginagawang planao para
sa inyong silid-aralan?
2)Paano Ninyo tatangapin ang puna ng mga
hurado?
Paglalahat
Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa
kilos, ugali, at pisikal na anyo ng kaniyang
kapwa. May mga pagkakataong hindi natin
namamalayan na nakakasakit na tayo ng
damdamin ng ating kapwa dahil sa mga
ibinibigay nating puna at pintas.
Paglalahat
Paano ba tatanggapin ang mga puna nang
maluwag sa ating kalooban? May mga paraan na
makatutulong sa isang batang tulad mou pang
higit na mapaunlad ang sarili sa kabila ng
maraming pun ana inyong natatanggap.
Pagtataya
Lagyan ng masayang mukha
( ) kung tama ang pagtanggap ng mga puna at
malungkot na mukha ( ) kung hindi.
1)Salamat sa pagpuna mo, susundin ko
ang iyong payo.
Pagtataya
2) Wala kang pakialam.
3)Kunwari lang naman ‘yan na tutlong
para mapaganda ang proyekto ko,
alam ko naiingiit lang iyan.
Pagtataya
4)Mabuti at napansin mong Malaki sa
akin ang damit ko.
5)Ayos lang sa akin ang puna mo,
Mabuti nga at mababago ko.
ESP 4 D
A
Puna Mo, Y
Tanggap Ko 5

Quarter 2 Week 2
Balik-aral
Ano ang gagawin mo?
Binabatikos ka dahil sa isng
pagkakamaling nagawa mo. Paano mo
haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
Pangganyak:
Paano ba ang tamang pagtanggap ng
kahinaan lalo na kung maraming
natatanggap na mungkahi at puna sa iyong
kakayahan at kasanayan?
Paglalahad
Basahin at unawain.
Tumalon ka sa tuwa nang sabihin sa
iyong nakapasa ka sa audition ng “Birit
Bulilit”. Dumating ang araw ng pagtatanghal
sa nasabing paligsahan. At ito ang mga puna:
Paglalahad
1) Kulang sa sigla ang pag-awit.
2)May mga nota na hindi mo naabot.
3)Kulang sa pagbibigay ng damdamin sa
awit.
Pagtatalakay
Sagutin ang sumusunod:
1)Ano ang reaksyon nang marinig ang
puna ng mga hurado? Paano mo tinanggap
ang mga puna?
2)Bakit kaya sa palagay mo ay negatibo
ang natanggap mong mga puna?
Pagtatalakay
)Sa iyong palagay, ano ang iyong nagging
pagkukulang?
4)Ano naman ang iyong gagawin upang sa
susunod na paligsahan ay positibong puna
ang iyong matanggap?
Gawain 1
Isa-isahin ang iyong maaring kakulangan na
nagging sanhi para hindi ka Manalo sa
paligsahan. Ilagay ito sa graphic organizer at
ilagay mor in ang mga dapat mong gawin
upang makatanggap ng positibong puna.
Gawain 1

Ang aking kakulangan: Mga dapat kong gawin


1) upang mas mapabuti ang
2) aking kakayahan:
3) 1)
2)
3)
Gawain 2
Suriin ang sitwasyon.
1)Pangarap mong maging modelo sa iyong
paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga
paligsahan sa inyong paaralan at komunidad.
Gayon pa man, madalas mong marinig na
may pumipintas saiyo. Ano ang iyong
gagawin?
Paglalapat
Ano ang iyong gagawin?
May bago kang kaklase galing sa malayong
probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito
ng mga kaklase mo.
Paglalahat
Ang isang tao ay maaring matuto mula sa
kaniyang kapwa. Samakatuwid, maari mong
ituring na bagong impormasyon ang natanggap
mong puna at magagamit mo ito upang higit na
mapagbuti ang iyong mga gawain at kilos.
Paglalahat
Ang pagsusuri sa mga puna ay
makatutulong upang matanggap ang mga
ito nang maluwag sa kalooban at hind
imaging sanhi ng kawalan ng tiwala sa
sariling kakayahan.
Paglalahat
Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na
mga puna at papuri sa iyong ginagawa. Ang
mahinahong pagtanggap sa mga ito ay
makatutulong upang higit na maunawaan ang
damdamin ng kapwa at higit na mapaunlad
ang sarili.
Pagtataya
Lagyang ng tsek (/) kung tama ang pagtanggap
ng puna at ekis (x) kung hindi.
1)Alam kong para sa kabutihan ko ang puna mo.
2)Magaling ako kaya hindi ko kailangan ang
puna mo.
Pagtataya
3)Basta ito ang gusto ko kaya hindi ko
pwedeng baguhin.
4)Mabuti na lang napuna mo ang mali
bago ko naipasa.
5)Matagal ko na itong alam kaya hindi ko
na papansin ang sinasabi mo.

You might also like