Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

Mga Pagdulog o Pananaw sa

Pagsusuring Pampanitikan
1. Moralistiko - sa pagdulog na ito sinusuri ang panitikan
batay sa pagpapahalagang ginamit. Tinitignan ng isang
mambabasa kung pinahahalagahan ng akda ang
disiplina, moralidad, at kaayusang nakapaloob sa akda.
Hal. Ibig Kong Makita
2. Sosyolohikal – gamit ang pagdulog na ito mahihinuha
ang kalagayan ng lipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang
ganitong pagdulog ay dumadalumat sa kalagayan ng
lipunan at ang mga uri ng taong namayagpag
noong mga kapanahunang iyon.

Hal. Nagbibihis na ang Nayon


Ang Kalupi
Tata Selo
Ito Pala ang Inyo
Walang Sugat
3. Sikolohikal – maaaring makita ang takbo ng isip ng
may katha gamit ang pagdulog na ito. Mahihinuha kung
ano ang antas ng kanyang buhay, ano ang kanyang mga
paninindigan at pinaniniwalaan,ano ang kanyang mga
pinahahalagahan, at kung ano ang mga ideyang
tumatakbo sa kanyang isipan at kamalayan.
Hal. Ang Aking Christmas Tree
4. Formalismo – gamit ang pagdulog na ito,mas binibigyang –
pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi, ang Teknik,
at ang pagkakabuo ng akda kaysa sa nilalaman ng akdang
pampanitikan.
hal. Paghihintay
Pagsilam: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
Ang Mismong Oras ng Pamamaalam
5. Imahismo – umusbong ang paggamit nito noong
dekada ng 1900.Laganap ang mga akdang
pampanitikang romantiko kaya inilunsad ang imahismo
na naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang
mga tiyak na larawang biswal.Nagiging mas epektibo
ang pagpapa-
hayag ng mensahe sa kadahilanang nabibigyang-buhay ng may-
akda ang mga kaisipang nais ipahiwatig.
Hal. Sa Kabataan
Sa Lupa ng Sariling Bayan
Tahanan ng Isang Sugarol
Panambitan
6. Humanismo – binibigyang-pansin ng pagdulog na
ito ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming
bagay.Ang pananaw na ito ay umiikot higit sa tao kaysa
sa anumang mga bagay.
Hal. Ako si Magiting
Si Pinkaw
ACG Alyas 137
Kung Mangarap ka ng Matagal
7. Marxismo – gamit ang pananaw na
Marxismo,binibigyang-halaga nito ang tunggalian sa
pagitan ng dalawang magkasalungat na pwersa kagaya
ng mahihirap at mayayaman, may kapangyarihan at
naaapi
Hal. Vida
Mabangis na Lungsod
Takipsilim sa Dyakarta
Ang mga Kayamanan ng Tao
8. Arketipo – ang pagdulog na ito ay gumagamit ng
huwaran upang masuri ang element ng akda.Ang
salitang arketipo ay nangangahulu-
gang modelo kung saan nagmula ang kapareho nito
Hal. Ama
9. Feminismo – gamit ang pagdulog na ito, sinusuri
kung pantay ba ang katayuan ng babae o lalaki sa
panitikan.Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, exploitation at opresyon sa
kababaihan.ang ilang mga namayagpag na feministang
manunulat sa
Kasaysayan ng panitikang Filipino ay sina Lualhati Bautista,
Genoveva Edroza Matute, at Elynia Ruth Mabanglo
Hal. Liham ni Pinay mula sa Brunie
Ang Nawala ay Di Na Maibabalik
Kay Stella Zeehandelaar
10. Eksistensiyalismo – ipinakikita ng pananaw na ito
na ang tao ay malayang magpasya para sa kanyang
sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito
at sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan.Tinitgnan ng
mambabasa ang katangiang ito sa tauhan ng akda.
Hal. Ang Pagbabalik
Aanhin ninyo Iyan?
Sa Lupa ng Sariling Bayan
Walang PAnginoon
Tatlong malalaking kilusang pansining at pampanitikan
1. Klasisismo
a. Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri
b. Ang layon nito ay katotohanan,kabutihan
at kagandahan
c. Malinaw, marangal , payak, matimpi, obhetibo,
magkakasunud-sunod at mayroong hangga-
nan
Hal. Dahil sa Anak
Ang Kahilingan ni Tano
2. Romantisismo – isang malaking kilusang pan-
sining at pampanitikan sa Europa, na sumibol
noong huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng
1900.
a. Binibigyang halaga ng Romantisismo ang
indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebo-
lusyon kaysa konserbatismo, imahinasyon kay-
sa katwiran, at likas kaysa pagpipigil.
b. Kung ang panitikan noong panahon ng klasis-
mo ay maayos, mapayapa, ideyal at rasyunal
pinalulutang naman sa romantisismo ang dam-
min kaysa isipan.
Hal. Pag- ibig
Bakit Ako Aawit? Sa Tabi ng Dagat
Babang –luksa Dalaginding
3. Realismo - ipinakikita sa isang akdang
pampanitikan na may realismong pananaw ang
katotohanan.Ipinalalasap nito sa buhay maging ito man
ay hindi maganda.Layunin nitong inilalahad ang tunay
na buhay.
Hal.
Maganda Pa ang Daigdig
Mga Ibong Mandaragit
Pag-ibig sa Panahon ng Krisis

You might also like