Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Komentaryong

Panradyo
NAKAKARINIG KA PA BA NG
BALITA SA RADYO?

Nakaririnig ka pa ba ng balita sa radyo?


Ngayon, maraming iba’t ibang opinyon o
saloobin ang isinisigaw ng madla. Nariyan pa
naman ang radyo upang tayo’y mag-komento,
buksan mo na ng iyong malaman. Halina’t
alamin ang komentaryong panradyo at ang
mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw.
Isigaw ang nasa isip! Gamitin ang puso,
ungkatin ang iyong saloobin.
BROADCAST MEDIA
Ito ay paghahatid ng
impormasyon audio o biswal
man, sa pamamagitan ng
midyang pangmasa tulad ng
radio, telebisyon, internet o iba
pang bagay sa tulong ng
network.
MAY TATLONG (3) URI ANG
BROADCAST MEDIA

I. Komentaryong Panradyo

II. Dokumentaryong Pantelebisyon

III. Dokumentaryong Pampelikula


RADYO:

• Naghahatid ng musika
• Nagpapahatid ng panawagan
• Nagpapakinig ng mga awit
• Naghahatid ng napapanahong
balita
• Nagbibigay ng opinion kaugnay
ng isang paksa
I. Komentaryong Panradyo
 Ayon kay Elena Botkin- Levy,
Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay
pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinion at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang
napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.
 Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy
ay makatutulong nang malaki upang
ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa
kanya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay
ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na
naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ilan sa mga paksang madalas na
talakayin ay ang sumusunod:
a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang
espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay
para sa mga inaasahang tagapakinig
Ilan sa maaaring gamitin sa pagsasaliksik tungkol sa mga
gustong mapakinggan ng mga tagasubaybay ay ang
survey at panayam.
A. Survey:
Gumagamit ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa
kanilang mga programa.
Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang
survey:
Multiple Choice – ito ang mas mabilis na
paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas
madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa
pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang
titik.
 Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa
simpleng multiple choice maaari ring maglagay
ng listahan na nagpapahayag ng kanilang mga
sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.
 Likert Scale – Ito ay isa sa mga paraan kung
papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
 Panayam: Ang mga gawaing ito ang mga
pangunahing batis o impormasyon. Maaaring
kumunsulta sa mga libro o sa internet subalit mas
makatotohanan ang impormasyon na
manggagaling mismo sa isang
mapagkakatiwalaang batis.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO

1. Airwaves – Midyum
na dinadaanan ng signal
ng radyo o telebisyon na
kilala rin sa tawag na
spectrum.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO

2. AM – Amplitude
Modulation ; tumutukoy
sa standard radio band.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO

3. Announcer – Ang
taong naririnig sa radyo at
responsableng magbasang
iskrip o anunsyo.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO

4. Billboards – Maririnig
matapos ang balita.
Ipinababatid sa mga
tagapakinig kung anong
produkto ang nag sponsor sa
paghahatid ng balita.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
5. Bumper – Ginagamit ito sa
pagitan ng balita at ng
patalastas.
6. Feedback – Isang
nakaiiritang tunog na dulot ng
ispiker at mikropono sa tuwing
palalakasin ang tunog nito.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
7. Mixing – Pagtitimpla at
pagtitiyak ng tamang balance
ng tunog na ginagamit sa
programa.
8. On Air – Ito ay tanda na
nagsisimula na ang
pagbobroadcast ng istasyon
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
9. Open mic – Nakabukas ang
mic sa isang particular na oras.
10. Playlist – Talaan ng mga
awiting patutugtugin sa isang
istasyon sa loob ng isang araw
o panahon.
TERMINOLOHIYA SA PROGRAMANG
PANRADYO
11. Streaming – Ang paglilipat ng
audio patungong digital at isasalin ito
sa internet.
12. Station ID – Ito ang
pagkakakilanlan ng isang istasyon ng
TV o Radyo. Regular itong ginagamit o
maririnig sa pagsisimula at pagtatapos
ng programa.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
13. Simulcast – Pagbobroadcast
Ng iisang programa sa dalawa o higit
pang istasyon.
14. Teaser – Ito ay ginagamit upang
maistimulate ang pag-iisip ng mga
tagapakinig upang manatili sila sa
sila sa pakikinig sa istasyon.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
15. FM – Frequency Modulation:
Ang isang broadcast na nag-iiba ang
dalas ng wave ng carrier at
nangangailangan ng isang FM
receiver. Ang hanay ng frequency ng
FM ay 88 hanggang 108 MHz.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
16. Voiceovers – Nirecord na boses
o live na pinagsasalita ang isang tao.
17. PSA – Public Service
Announcement: Ang isang ad na
tumatakbo sa pampublikong interes
sa halip na para sa isang komersyal
na produkto o serbisyo.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
18. Spot – Isang komersyal sa isang
programa.
19. Backtiming – Ito ang
pagkalkula sa oras bago marinig ang
isang kanta.
20. Band – Ang lawak na naabot ng
pagbobroadcast o ang haba ng waves
ng isang tunog.
TERMINOLOHIYA SA
PROGRAMANG PANRADYO
21. DJ o Disc Jockey – Isang dalubhasa
na nagpaparami sa mga publikong
gawaing musical na naitala sa iba’t
ibang media. Maaring i-play ang mga
komposisyon ng musika nang walang
mga pagbabago, o maaaring mabago
gamit ang mga espesyal na panteknikal
na pamamaraan.
POSITIBO,NEGATIBONG PAHAYAG SA
PRGOGRAMANG PANRADYO

 Positibong pahayag – Naglalaman ng


Mabuti at magandang pahayag
hinggil sa isang paksa.
Halimbawa:
1. Tama ka riyan! Tunay na makakatulong sa
kalusugan ang bakuna.
2. Dumating na sa bansa ang bakuna, naghahanda
narin ang mga ospital para sa pagbabakuna sa mga
frontliners
POSITIBO,NEGATIBONG PAHAYAG SA
PRGOGRAMANG PANRADYO

 Negatibong pahayag – Tumutukoy sa


sa hindi kaaya-ayang hatid ng
pahayag.
Halimbawa:
1. Naloko na! may mga nakararamdam ng hindi
kaaya-aya matapos mabakunahan.
2. May iilan na ayaw magpabakuna dahil daw sa
hindi magandang epekto nito sa kanilang
kalusugan.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like