Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

MAGANDANG ARAW!

Pag-usbong ng
mga Kabihasnan
sa Asya at
Africa
Sa mga ilog, lambak nagsimula ang mga
kauna- unahang kabihasnan ng Asya.
Mga lupaing naaangkop sa pagsasaka
upang makapagtanim at maging
permanenteng panirahan. Sa Mesopota-
mia na nasa pagitan ng Tigris at Eu-
prates, namuhay ang mga Sumerians,
Huang Ho na nasa China umunlad ang
pamayanang Shang at sa mga baybayin
ng Ilog Indus nagsimulang bumuo ng
permanenteng panirahan ang mga Indus.
Nalinang ang mga ka- sanayan sa ibat
ibang la rangan na nagpaunlad sa
kanilang pamumuhay. Sa mga ilog na ito
hinarap ng mga sinaunang tao ang
hamon ng kalikasan upang mabuhay.
Ang Kabihasnang Sumer
Ang Mesopotamia ang kinilala bilang
“cradle of civilization” dahil dito
umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao. Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang Silangan na
tinawag na Fertile Crescent, (Iraq)
isang arko ng matabang lupa na
naging tagpuan ng ibat ibang grupo
ng tao mula sa Persian Gulf
hanggang sa dalampasigan ng
Mediterranean Sea. Sa lugar na ito
matatagpuan ang log ng Tigris at
Euprates kung saan umusbong ang
kabihasnan. Noong panahong
Neolitiko natatag ang pamayanang
Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa
Anatolia at mga kalat-kalat na
pamayanan sa Zagros. Subalit hindi
naglaon nangibabaw ang Sumer na
naging sentro ng kabihasnang
Mesopotamia.
MAHAHALAGANG LUNGSOD

UR, URUK, ERIDU,


LAGASH, NEPUR,
AT KISH
Ang Kabihasnang
Sumer
ZIGGURAT CUNEIFORM CLAY TABLET
Ang Kabihasnang
Indus
Ang kabihasnang indus
ay umusbong sa
lambak ilog ng Indus
River, pati na rin sa
Ganges River . Ang
dalawang ilog na ito ay
matatagpuan sa Timog
Asya.
Ang Kabihasnang
Sumer
Harappa Mohenjo Daro Unicorn seal of Mojenjo-daro pot
harrapa
Ang Kabihasnang
Shang

Ang Shang ay ang unang


dayuhang tribo na
permanenteng nanirahan sa
ibabang bahagi ng Yellow
River (Huang Ho). Ito rin ang
ikalawang namamanang
dinastiya sa Tsina.
Ang Kabihasnang
Shang
Calligraphy Oracle Bones ruins of ancient shang
MGA KATANUNGAN
1. Alin sa kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
Asya ang iyong higit na hinahangaan?

2. Kung iuugnay natin sa kasalukuyang panahon, ano


ang isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng
Kabihasnan sa Asya sa sangkatauhan?

3. Bakit kinakailangan malaman ang paraan at uri ng


pamumuhay ng mga tao sa kabihasnang ito?

4. Paano ito nakakatulong sayo bilang isang


mag-aaral?
AFRICA
SINAUNANG KABIHASNAN SA KANLURANG AFRICA

Ang Imperyong Ghana


• Ang Imperyong Ghana, na kilala din bilang
Wagadou, ay isa sa mga Imperyo sa Kanlurang
Africa na matatagpuan sa Timog Silangang
Mauritania at Kanluran ng Mali.

• Sa Ghana sumibol ang isang malakas na


estado dulot na din ng lokasyon nito sa timog na
dulo ng kalakhang Trans-Sahara.

• Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan


ng iba't ibang produkto tulad ng ivory, ostrich,
feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay
ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs,
dates, sandatang yari sa bakal, at iba pang mga
produktong wala sila.

• Tinatawag na Soninke ang mga


mamamayan sa Ghana.

• Sa Ghana sumibol ang isang malakas na


estado dulot na din ng lokasyon nito sa timog na
dulo ng kalakhang Trans-Sahara.
Ang Imperyong Mali
Ang Mali (Mandang: Nyeni) ang tagapagmana ng
Ghana. Nagsimula ito sa estado ng Kangaba na
isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana.

•Ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at


pinakamakapangyarihan sa buong kanlurang
Sudan.

Ang Imperyong Mali ay kabilang sa imperyo sa


Kanlurang Africa. Ang Imperyong ito ay natuklasan
ni Sundiata Keita.Ang imperyo ay 'di kalaunang
nakilala dahil sa angking yaman ng naging pinuno
nito na si Mansa Musa (Musa Keita).
Ang Imperyong Songhai
Ang Imperyong Songhai
Ang Imperyong Songhai ay isang estadong nangibabaw sa
Kanlurang Sahe.

• Simula pa noong Ikawalong siglo, ang Songhai ay


nakipagkalakalan na sa mga Berber na taon taon ay
dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Ang mga
Berber din ang nagdala ng pananampalatayang Islam sa mga
Songhai na tinanggap ni Dia Kossoi, ang hari ng mga Songhai.
KABIHASNAN SA SILANGANG AFRICA

Imperyong Axum
Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE.Mga
elepante,ivory(ngipin at pangil ng elepante),sungay ng rhinoceros,pabango
at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa sa Mediterranean at
Indian Ocean.Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng tela, salamin,
tanso,bakal at iba pa.Isang resulta ng malawakang kalakalan ng -Axum ay
ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo.Naging opisyal na relihiyon ng
kaharian ang Kristiyanismo noong 395 CE.
Imperyong Kush

Aktibo sa pagsasaka at kalakalan ang mga


Kushite nang masakop ang sila ng
mgataga-Ehipto. Mahirap magtanim noon
dahil ang tubig na pinadadaloy sa mga
tanimanay mula pa sa Nile na mga 90
metro ang layo, sa kabila nito, nagawa
nilang magtanimng tripo, barley, millet at
bulak na labis pa sa kanilang
pangangailangan . nag-alaga rin silang mga
tupa, kambing, na siyang pinagmumulan ng
kanilang pagkain, damit at iba pang
kagamitanNagpaparami rin sila ng kabayo
para gamiting sasakyan at panghakot ng
mabibigat na kagamitan.
Imperyo ng Kush 670 BCE
Nasakop ng mga Mandirigmang Ehipto ang
Kush.Naging Kolonya ito ng Ehipto sa loob
ng 500 na taon.Dulot nito, nasanib ang
Kulturang Kush ang mga ideya ng mga taga
Ehipto, sa Wika, Arkitektura, Sining at
Relihiyon.
MGA KATANUNGAN
1. Ano ang maaaring epekto ng kabihasnan sa
Africa sa pagkakakilanlan ng Kabihasnan sa
Asya?

2. Sa mga imperyong nabanggit, bakit


kinakailangang maunawaan ang kasarinlan ng
bawat isa nito?

3. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa


mga kontribusyong dulot ng kabihasnang ito?
Paglalahat

1. Ano-ano ang epektong dulot ng pagbabago


ng kabihasnan tungo sa pag-unlad ng
karunungan at kamalayan ng tao sa
kasalukuyang panahon?

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong


pumili, sa anong kabihasnan ang nais mong
manirahan? Bakit?

3. Paano nakaaapekto ang kapaligiran sa


pamumuhay ng tao sa bawat panahon?
Paglalapat
“Sining Galing”
Panuto: Para sa gawaing ito, gumawa ng isang poster na tumatalakay sa mga paraan at
proseso kung paano lumitaw ang iba’t-ibang kabihasnan. Gawin ito sa short bond paper at
gumamit ng amunang medyum sa pagkulay. Gawing gabay sa paggawa ang pamantayan sa
ibaba.
Pamantayan sa Pagmamarka

Mahusay Magaling Katamtaman


(10) (8) (6)

Napakalalim at Malalim at makahulugan Bahagyang may lalim


makahulugan ang poster. ang ginawang poster ang ginawang poster.
Malalim at makahulugan
ang ginawang poster.
Bahagyang may lalim Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2
ang ginawang poster. simbolismo /pahiwatig. May simbolismo / pahiwatig. Ang
Paggamit ng simbolismo / ilang piling guhit mga ginuhit ay hindi
pahiwatig. Piling-pili ang gaanong pinili.
mga ginuhit.
Gumamit ng angkop na Gumamit ng medyo malapit Ang pamagatay bahagyang
pamagat sa ginawang na pamagat sa ginawang malayo sa paksa ng poster
poster. poster.
Pagtataya

1. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng kabihasnan?


a. mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
b. paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
c. pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayand.
pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao\

2. Alin sa mga sumusunod ang mga salik sa pagkakaroon ng kabihasanan?


a. kultura, relihiyon, pamahalaan, tradisyon, populasyon at estado
b. pamahalaan, relihiyon, kultura, sining, arkitektura at pagsusulat
c. sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, atpagsusulatd.
organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,sining,
arkitektura at pagsusulat

3. Kailan masasabi na umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon?


a. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran gamit anglakas
b. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng pamumuhay gamitang
talino at lakas
c. kapag nagkakaroon ang tao ng kakayahan na baguhin ang
kaniyangpamumuhay gamit ang talino
d. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran sapagkakaroon
ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamitang lakas at talino
nito.
4. Tawag sa paniniwala o pananampalataya sa maraming diyos.
a. ateismo b. Politeismo c. Pagano d. Monoteismo

5. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag sa panahon ng


neolitiko?
a. apoy b. Pagsasaka c. Gulong d. pag-alaga ng hayop

6. Alin sa sumusunod na panahon kung saan ang mga sinaunang


tao aynakadepende lamang sa kapaligiran?
a. metal b. Mesoliti c. Neolitiko d. Paleolitiko

7. Ayusin sa pagkakasunod-sunod ang iba’t ibang panahon


I. metal III. Peleolitiko II. Neolitiko IV. Mesolitiko

a. II, I, III, IV b. II, III, IV, I c. III, IV, I, II d. III, IV, II, I
8. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa iba’t ibang panahon.
a. Pagtuklas ng apoy, pagpaamo ng mga hayop, pagsasaka, pagtuklas ng bakal
b. Pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng apoy, pagsasaka, pagtuklas ng bakal
c. Pagsasaka, pagtuklas ng apoy, pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng bakal
d. Pagtuklas ng apoy, pagsasaka, pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng bakal

9. Alin sa mga sumusunod ang batayan ng sibilisasyon?


a. ito ay batay sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan
b. ito ay batay sa pamumuhay ng tao gamit ang lakas at talino nito
c. ito ay tungkol sa mga taong kapag naninirahan sa isang pamayanan ay mga
sibilisado
d. ito ay batay sa paghanap ng hamon ng kapaligiran kung paano mo
itomatutugunan

10. Bakit ang panahong neolitiko ay tinatawag ding Rebolusyong Neolitiko?


a. dahil sa pagkakaroon ng mga digmaan
b. dahil sa malawakan ang naging pagtatanim
c. dahil sa pagkakaroon ng pag-aagawan sa mga lupain
d. dahil sa pagkakaroon ng mga hidwaan ng bawat pangkat
Takdang-Aralin

Panuto: Bilang isang mag-aaral sa pampublikong paaralan, mayroon kang gampanin sa


pagpapaunlad ng ating ksaysayan. Sa gawaing ito, sumulat ng isang sanaysay na
tumatalakay patungkol sa iyong gampanin sa pagpapatibay ng kabihasnang pinagmulan.
Gawing gabay sa pagsulat ng sanaysay ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba.
MARAMING SALAMAT!

You might also like