Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 89

Ikaapat na Markahan

Unang Linggo

B - M L E 2
M T

be n s i y on n g
ng m g a K um
P a gg a m i t
l a a r a w a n a t
a gb u o ng Ta
Pa g s ul a t s a P
Liham
MELCS
Nakasusunod sa kumbensyonal na
paraan at paglikha ng mga sulating gaya
ng talaarawan.
IKALAWANG
ARAW
Guhitan ang mga salitang kilos
sa bawat pangungusap.
Natatandaan mo pa ba ang
pinakamasayang nangyari sa iyong
buhay? Mayroon ka rin bang malungkot
na karanasan?
Pagbasa sa Talaarawan
Pagsagot sa mga tanong sa talaarawan
1. Sino ang magkaibigan sa kuwentong nabasa
mo?
2. Bakit matagal na silang hindi nagkikita?
3. Ano ang ginawa ni Jiellane para kay Gabby?
4. Ano ang nilalaman ng liham?
5. Ano-ano ang iba’t ibang bahagi ng isang liham?
Ano ang mga bahagi ng talaarawan?
Ang Talaarawan ay isang pang araw – araw na
tala,lalo na ang mga personal na karanasan,
saloobin, obserbasyon at pananaw.
Ito ay isinusulat na parang nakikipag-usap sa isang
tao.Ang Liham o Sulat ay isang isinulat na mensahe
nanaglalaman ng kaalaman, balita o saloobin
napinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
Ang Liham ay binubuo ng limang (5) bahagi. Ito ay
ang mga sumusunod:
Suriin8
1. Pamuhatan – Ang bahagi na ito ay naglalaman ng lugar
at petsa kung kailan isinulat ang liham.
Halimbawa: 123 Brgy. Marikit
Tondo, Manila
Marso 14, 2021
2. Bating Panimula – Ang bahagi na ito ay
maiklingpagbati sa sinulatan, na ang bantas
na ginagamit sa hulihan ay kuwit.
Halimbawa: Mahal kong kaibigan,
3. Katawan ng Liham – Ang
bahaging ito ay naglalaman
kung ano ang mensahe ng liham.
4. Bating Pangwakas - Isinasaad sa bahaging ito
ang huling pagbati ng sumulat o ang relasyon ng
taong sumulat sa sinulatan.
Halimbawa: Ang iyong kaibigan,
5. Lagda – Ang bahagi na ito ay nagsasaad ng
pangalan at lagda kung sino ang sumulat.
Halimbawa: Melinda
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng bawat bahagi
ng liham. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
_________ 1. Pamuhatan
_________ 2. Bating Panimula
_________ 3. Katawan ng Liham
_________ 4. Bating Pangwakas
_________ 5. Lagda
a. Ang bahaging ito ay nagsasaad ng pangalan at
lagda kung sino ang sumulat.
b. Isinasaad sa bahaging ito ang huling pagbati ng
sumulat o ang relasyon ng taong sinulatan.
c. Ang bahaging ito ay nagsasaad kung ano
ang pangalan ng sinulatan.
d. Ang bahaging ito ay nagpapakita kung ano
ang mensahe ng liham.
e. Ang bahaging ito ay tumutukoy kung
saan nanggaling ang sulat at kalian ito
isinulat.
Anong mahalagang pangyayari ang
gusto ninyong isulat sa talaarawan
ninyo?
Ang talaarawan o journal ay talaan
ngmahahalagang pangyayari sa iyong
buhay araw-araw.
Isulat kung anong bahagi ng liham ang
tinutukoy ng mga sumusunod. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
__________________ 1. Ang iyong kaibigan,
_________________ 2. Inaanyayahan kitang dumalo sa aking
kaarawan sa ika – 9 ng Mayo,
2021, araw ng Linggo.Magkakaroon ng isang munting salu-salo
sa aming bahay sa ganap
na ika – 3 ng hapon. Inaasahan ko ang iyong pagdating.
__________________ 3. Mahal kong Elisa,
__________________ 4. 214 Maligaya St.
Sta. Ana, Manila
Mayo 2, 2021
__________________ 5. Ana Marie
IKATLONG
ARAW
Ano-ano ang mga bahagi ng
liham ?
Natatandaan mo pa ba ang pinakamasayang
nangyari sa iyong buhay? Mayroon ka rin bang
malungkot na karanasan?
Pagbasa ng liham pangkaibigan na pag-
anyaya
Isang uri ng Liham-Pangkaibigan ang liham na
paanyaya.
Isinusulat ito upang mag-anyaya sa isang
okasyon o pagdiriwang.
Tiyaking sinasabi sa liham ang okasyon at ang lugar,
petsa at oras na gaganapin ito.
Pansinin ang larawan.
Sa iyong palagay, tungkol saan kaya ang
larawan?
Narito ang isang maikling salaysay kaugnay ng
larawan sa ibaba.
Liham
ni Rhea T. Bejasa
Linggo ng umaga, sabik na naghihintay si Anna at
ang bunsong kapatid na si Aldrin sa harap ng
kanilang bahay.
Ngayong araw daraan ang kartero sa kanilang lugar.
Nasasabik na siyang matanggap ang liham na
padala ng kanyang ina na nagtratrabaho sa bansang
Amerika.
Noong nakaraang buwan ay umulan ng yelo sa
bansang pinagtatrabahuhan ng kanyang ina kaya
naman nais niyang makita ang mga litratong kalakip
ng liham. Ilang minuto pa ang lumipas,
tumigil ang isang motorsiklo sa tapat ng bahay
nina Anna. Mula rito ay bumaba ang isang
matangkad na lalaki. Nakangiti itong lumapit sa
kanila at iniaabot ang dalawang puting sobre.
Nasasabik na iniabot ito ng magkapatid at
dali-daling binuksan. Mababakas sa kanilang
mukha ang kasiyahan habang tahimik na
binabasa ang liham.
Malayo man ang kanilang ina,
pakiramdam nila ay naroon din ito
dahil sa mga liham na natanggap.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang hinihintay ng dalawang bata
sa harap ng kanilang bahay?
A. kartero
C. tubero
B. hardinero
D. karpintero
2. Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa
salaysay?
A. sina Juan, Nanay, Kuya at Perla
B. sina Anna, Aldrin at ang kartero
C.sina Kuya, Ate at Ana
D. sina Nida, Juan, Ben, at Karla
3. Ano ang iniabot ng kartero sa magkapatid?
A. puting tela
C. puting kamiseta
B. puting panyo
D. puting sobre
4. Saang bansa nagtatrabaho ang ina ng
magkapatid?
A. sa Canada
B. sa Singapore
C.sa Amerika
D. sa Hongkong
5. Ano ang nararamdaman ng magkapatid habang
binabasa
ang liham galing sa ina?
A. kalungkutan
C. kaligayahan
B. galit
D. takot
Panuto: Isulat nang wasto ang liham pasasalamat ayon sa
wastong balangkas nito. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. Ang iyong pinsan,
2. 308 Mabini St.
Cabuyao, Laguna
Mayo 13, 2021
3. Minamahal kong Loren,
4. Natanggap ko ang iyong liham paanyaya
tungkol sa iyong kaarawan. Asahan mo ang aking
pagdalo sa iyong pagdiriwang. Ako ay sobrang
natutuwa dahil magkikita-kita tayong magpipinsan.
5. Carla
Anong mahalagang pangyayari ang
gusto ninyong isulat sa talaarawan
ninyo?
Ang talaarawan o journal ay talaan
ngmahahalagang pangyayari sa
iyong buhay araw-araw.
Ayusin at isulat ang mga bahagi ng talaarawan sa
angkop na kinalalagyan.
1. Nagmamahal,
2. Mahal kong Talaarawan,
3. Mico
4. Marso 24, 2020
5. Lubos akong natutuwa ngayong araw na
ito.Kakaiba ang pagdiriwang ng aking
kaarawan.Pupunta kami sa pinakamahirap na
barangay sa aming lugar
upang maghatid ng kaunting foodpacks
para sa mga naapektuhan ng
community quarantine dulot ng
COVID 19
IKAAPAT NA
ARAW
Anu-ano ang mga bahagi ng
talaarawan?
Naaalala mo pa ba ang iyong
matalik na kaibigan?
Nakapagsulat ka na ba ng isang
liham?
Pagbasa ng liham na pasasalamat
Sa pagsulat ng Liham pasasalamat dapat ito ay
may limang bahagi ang pamuhatan, ang
batingpanimula, ang katawan ng liham, ang
bating pangwakas, at ang lagda.
Panuto: Isaayos ang mga bahagi ng liham
sa ibaba ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Isulat ito sa nakalaang espasyo sa ibaba.
Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin tayong hindi
nagkikita. Naaalala mo pa ba noong tayo ay
nagbabahay bahayan? Sa loob niyon tayo ay
nagluluto-lutuan gamit ang pinigang katas ng
gumamela bilang ating mantika.
Nakakatuwang balikan ang ating mga naging
karanasan tuwing bakasyon. Kaya sana,
makauwi ka na dito sa atin. Sigurado akong
magiging masaya ang muli nating pagkikita.
Hanggang dito na lamang at sana ay palagi kang magiingat.
Pebrero 24, 2021
Mahal kong Sherlita,
Naujan, Oriental Mindoro
Irene
Ang iyong kaibigan,
Camia St., Malinao,
Panuto: Basahin ang sumusunod na liham paanyaya.
Tukuyin ang iba’t ibang bahagi nito. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong regalo
para sa akin noong ako ay nagdiwang ng aking kaarawan.
Ang sabi ng nanay ko ay alam na
alam mo ang aking paboritong laruan at pati ang
kulay. Bukas na bukas din ay gagamitin ko na ito
sa aking paglalaro. Talagang tuwang-tuwa ako at
gandang-ganda sa iyong regalo.
2. Nagmamahal,
3. Sampaguita Homes
San Andres Bukid
Mayo 14, 2021
4. Paloma
5. Mahal kong Trixia,
Sino ang kaibigan nais ninyong
sulatan? Ano ang mensahe
ninyo sa kanya?
Ang liham ay binubuo ng limang
bahagi.Anu-ano ang mga ito?
Panuto: Basahin ang sumusunod na liham
paanyaya. Tukuyin ang iba’t ibang bahagi
nito. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1.924 Kamias St.
Sto.Tomas, Batangas
Abril 19,2021
2.Mahal kong Samantha,
3.Malapit na ang aking kaarawan. Dahil isa ka sa aking
kaibigan, nais kong makasama ka sa pagdiriwang ng aking
kaarawan.
Ang pagdiriwang ay gaganapin sa Sabado, Abril 24,
sa ganap na ika – 3 ng hapon. Inaasahan ko ang
iyong pagdating.
4.Ang iyong kaibigan,
5.Chloe
IKALIMANG
ARAW
Anu-ano ang mga bahagi ng
talaarawan?
Naaalala mo pa ba ang iyong matalik na
kaibigan? Nakapagsulat ka na ba ng
isang liham?
Pagbasa sa Liham Pang-imbitasyon
Ang liham ay may iba‟t ibang nilalaman.
May liham na humihingi ng paumanhin. Sa bawat
liham ay may layunin o nais ang taong sumulat nito.
Bagamat iba-iba ang nilalaman ng mga ito,
magkakapareho pa rin ang mga bahagi nito.
Ito ay pamuhatan, bating panimula,
katawan ng liham, bating
pangwakas at lagda.
Panuto: Gumawa ng isang Liham
Pangkaibigan na may
tamang pormat at balangkas.
Rubrik sa Pagsulat ng Liham
Pangkaibigan
Hingin ang patnubay ng magulang,
tagapangalaga o nakatatandang kapatid sa
pagwawasto ng iyong
talaarawan gamit ang rubrik.
Sino ang kaibigan nais ninyong
sulatan? Ano ang mensahe
ninyo sa kanya?
Ang liham ay binubuo ng limang
bahagi.Anu-ano ang mga ito?
Panuto: Isulat sa tamang balangkas ang mga bahagi
ng liham upang makabuo ng isang liham na
paanyaya.
1. Matteo
2. Kaibigan kong Chanelle,
3. Kamusta ka na? Matagal na tayong hindi
nagkikita. Minsan pumarito ka sa amin at magsaya
tayo gaya ng dati na kulitan at kwentuhan. Ipagluluto
rin kita ng paborito mong tanghalian. Sana ay
makauwi ka na agad dito sa darating na bakasyon.
4. # 9 Montville Subdivision
Cainta, Rizal
Hulyo 11, 2013
S a l a m a t !

You might also like