Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

HAIKU AT

TANKA
(Japan)
JAPAN
- Kilala at nangunguna sa larangan
ng ekonomiya at teknolohiya
hindi lamang sa Asya kundi
maging sa buong daigdig.
- Napapanatili ang kultura at
pagpapahalaga sa panitikan
- Patuloy na ginagamit at
pinagyayaman ang Haiku at
Tanka
Haiku
Haiku
Ay isang porma ng tula na may sukat
na 5-7-5 na pantig (syllables) at
maaaring may tugma (rhyme) o
wala. May tatlong taludtod at
labingpito na pantig.
Haiku
Sa pamamagitan ng Haiku, ipinapahayag
ng mga manunulat ang kaniyang malalim
na damdamin o emosyon sa paglalarawan
ng kapaligiran o kalikasan sa simple
ngunit masining at malikhaing wika.
Halimbawa ng Haiku:
Taglagas

Gabing taglagas 5
Nasumpungan ligaya 7 Tagsibol
Sa kalumbayan. 5
Nagkunwa silang
Bagong nakasal ngayon
Mga kulisap
TANKA
Tanka
Ang Tanka ay isang uri ng anyong
tula na may sukat na 5-7-5-7-7 na
pantig. Tatlumpu’t isa (31) ang
bilang ng pantig na may limang
taludtod.
Tanka
- Maikling awitin na puno ng
damdamin.
- Nagpapahayag ng emosyon at
kaisipan.
- Karaniwang paksa ang pagbabago,
pag-iisa o pag-ibig.
Halimbawa:

Buwan

Kahit ang hangin 5


ay malakas umihip, 7
sinag ng buwan 5
ay sumigid sa siwang 7
ng gulanit na bahay. 7
Ito ay nagsimula sa bansang Japan at
inampon ng Pilipinas upang maging
bahagi ng ating panulaan at kultura.
Naglalaman ito ng iba’t ibang kaisipan
katulad ng mga diwa ng pag-ibig,
panalangin, pangyayari at iba pa.
TANAGA
Tanaga
Sinaunang anyo ng maikling tulang
Tagalog, binubuo ng apat na taludtod na
tugmaan, may sukat na pitóng pantig
ang bawat taludtod, at nagpapahayag ng
isang buong diwa
Tanaga
ito ay maikli lamang ngunit may
sukat at tugma. Ang bawat taludtod
nito ay may pitong pantig.
Nagtataglay din ng mga
matalinhagang kahulugan.
Halimbawa:

Aso

Mataas sa pag-upo, 7
Mababa ‘pag tumayo. 7
Kaibigan kong ginto, 7
Karamay at kalaro. 7
Palay

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Para sa inyong gawain:

Gawin ang mga sumusunod:


a. Haiku – Pagmamahal sa kalikasan
b. Tanka – Pag-ibig sa magulang
c. Tanaga – Kabataan

Deadline: Nobyembre 25, 2020

You might also like