NG TULONG-TULONG Tinukoy ni Myers (1991) ang depinisyong- diksyunaryo ng kolaborasyon at kooperasyon.
Ayon sa kanya, ang kolaborasyon na mula sa
wikang Latin ay nakapokus sa proseso ng sama- samang paggawa; samantalang ang kooperasyon ay nagbibigay-diin sa produkto ng gawain. Ayon naman kay Panitz (1996), ang kolaborasyon ay isang pilosopiya ng interaksyon at personal na estilo ng pamumuhay, samantalang ang kooperasyon ay isang istruktura ng interaksyon na dinesenyo upang mapasiliteyt ang pagsasakatuparan ng isang pangwakas na produkto o layunin. Ang kolaboratib na pagkatuto ay isang personal na pilosopiya, hindi lamang isang teknik pangklasrum. Sa lahat ng sitwasyon kung saan ang mga tao ay napapangkat, iminumungkahi nito ang isang paraan ng pakikitungo sa kapwa-tao na rumerespeto at naghahaylayt sa abilidad at kontribusyon ng indibidwal na miyembro ng grupo. Ang kooperatib na pagkatuto ay maaaring ipaliwanag bilang isang set ng mga proseso na tumutulong sa mga tao sa kanilang interaksyon sa iba upang makamit ang isang ispesipik na layunin at makadebelop ng isang pangwakas na produkto na may ispesipik ang kontent.
Para sa diskursong ito, ang kolaboratib at
kooperatib na pagtuturo ay isa lamang. Nakatuon ang mga gawain sa loob ng klase sa sama-sama at tulong-tulong na pagsisikap ng guro at mag- aaral upang matamo ang itinakdang gawain.
Layunin din nito na mabawasan ang kompetisyon
at maragdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral sa isa’t isa. Mga Susing Elemento ng Sama-samang Pagkatuto a. Harap-harapang interaksyon (face to face interaction) - Bawat miyembro ay magkakalapit sa isa’t isa at nagkakausap. b. Pagproseso ng Pagkatuto (Process Learning) - Kapag tinatalakay ng miyembro ng grupo ang pagkatutong naganap at tinataya ang kanilang sama-samang pagsisikap sa ibubunga ng mga gawain. c. Kasanayang Sosyal (Social Skills) - Kapag ang grupo ay mulat ang malay sa wastong pakikihalubilo na ang kasanayan ay nakatuon sa pagpapaunlad ng komunikasyon, pagtitiwala, pamumuno at conflict resolution. MARAMING SALAMAT!