Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ano-ano ang mga larawang ito?

Kayarian ng Pang-uri
1. Payak - ang tawag sa kayarian ng pang-uri kung binubuo lamang ng salitang-
ugat o root word sa Ingles.
• Halimbawa po nito ay pandak.
2. Maylapi - ang tawag sa kayarian ng pang-uri kung ang salitang naglalarawan ay
binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
• Halimbawa ng maylapi ay masakit. Ang salitang-ugat ay sakit at ang panlapi
naman ay ma.
3. Inuulit - ang tawag sa kayarian ng pang-uri kung inuulit ang isang bahagi o ang
buong salitang-ugat ng salitang naglalarawan.
• Halimbawa nito ay buhay na buhay. Kung saan ang salitang buhay ay inuulit.
4. Tambalan - ang tawag sa kayarian ng pang-uri kapag binubuo ito ng dalawang
magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng bagong
kahulugan.
• Halimbawa po ng tambalan ay hampaslupa. Kung saan binubuo ito ng
dalawang salita na magkaiba ng kahulugan ang hampas at ang salitang lupa.
Ang babaeng iyan ay hampaslupa.
Pangkatang-gawain

Ngayon, magkakaroon ng isang


gawain.Papangkatin sa apat. Ang bawat pangkat
ay bubuo ng isang jingle na may isang verse at
isang chorus sa saliw ng isang kilalang awitin na
maglalarawan sa inyong pangkat batay sa
Kayarian ng Pang-uri nakatalaga sa inyo.
Bibigyan ng 5-10 minuto para buoin ang
nasabing Jingle saka ito ilalahad sa unahan
ayon sa pagkakasunod-sunod ng bawat pangkat.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman at Mekaniks : 10 puntos
Tono/Indayog/Blockings: 10 puntos
Hikayat sa Madla : 5 puntos
KABUOAN : 25 puntos
EBALWASYON
PANUTO: Batay sa tinalakay na paksa, tukuyin ang Kayarian ng Pang-uring nakasalungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat ang A kung Payak, B kung Maylapi, C kung Inuulit at D kung Tambalan.

PANGUNGUSAP
1. Kailangang maging pusong-mamon ka sa mga taong nangangailangan ng tulong, lalo na
ngayong pandemya. pusong-mamon
2. Hindi mahalaga ang kasikatan dahil sa yaman, sikat na sikat ka nga kung hindi mo naman
alam ibahagi sa iyong kapwa ay balewala rin. sikat na sikat
3. Maging matulungin at hindi dapat maging palalo, iyan ang dapat na maging panuntunan sa
buhay ng isang taong biniyayaan ng Panginoon ng maraming bagay. matulungin
4. Sa isang taimtim na panalangin sa Diyos ay mababago rin ang maraming bagay. taimtim
5. Magiging magaang-magaan ang pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa pagtupad sa
kanilang payak na pangarap. magaang-magaan

You might also like