Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Magandang

Umaga
Si Eba na
Malakas
Ni Jan Daryll C. Cabrera
Si Eba na Malakas
Ito’y isinulat ko para sa kababaihan,
kababaihang kumakalinga
Sa mga babaeng pinagkaitan ng laya,
ngunit patuloy na nagtitiyaga
Sa mga babaeng pilit inilulugmok at
sunod-sunod ang dagok
Na pilit lumalaban sa kahit anong
pagsubok.
Si Eba na Malakas
Sila’y taong nagtataglay ng karapatan,
at hindi pag-aari ninoman
Kahit anong damit ang suot, pilit pa ring
binubusabos,
Sina Eba, Gabriela at Maria ba ang
problema?
O ang marumi’t baluktot na pag-iisip ng
iba?
Si Eba na Malakas
Ang kagandahang taglay ay may
nagkukubling hinanaki,
Ang diskriminasyong mapait, kailan nga
ba mawawaglit?
Ngunit sa kabila ng lahat, ang tatag na
taglay ay ‘di maipagkakait,
Sa gitna ng mundong madilim at
masungit.
Si Eba na Malakas
Sila’y kakikitaan ng ngiti sa lahat ng
hadlang na dumating,
Taglay ang tapang tulad ng leong
haring magiting,
Patuloy na lalaban sa gitna ng lahat,
Ibigay sa kababaihan ang respeto’t
karapatang sa kanila’y nararapat.
Mga Katanungan
1. Magbigay ng halimbawa ng simbolismong
ginamit sa tula at tukuyin kung ano ang
ipinahahayag nito at kung saan ito
inihahambing ng may-akda.
2. Ano ang nais ipahayag ng mga linyang,
“Sina Eba, Gabriela at Maria ba ang
problema? O ang marumi’t baluktot na pag-
iisip ng iba?” mula sa tulang nabasa?
3. Makatotohanan ba ang mga pangyayaring
inilahad sa tula? Patunayan.
4. Mabisa ba ang pagkakalahad ng mga
salitang ginamit ng may-akda? Ipaliwanag.
5. Paano inilarawan ng may-akda ang paksa
ng tula?
Maraming Salamat

Ulat ni Gerald Aquino


10- Newton

You might also like