Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PROGRAMANG

PANTELEBISYON
Ano ang
PROGRAMANG
PANTELEBISYON?
Gaya ng pelikula, ang
mgaprogramang pantelebisyon
ay maituturing ding isang uri ng
sining na nagsisilbing libangan
at gumigising sa isip at
damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay
ng kabatirang panlipunan,
pangespirituwal, pangkultura,
pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa.
Malaki ang nagagawang impluwensiya
nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang
mga kaisipan, ugali, kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng pinanonood na
mga programa sa telebisyon.
May tinatawag na
infotainment na isang uri ng
media na nagbibigay ng mga
impormasyon at kasiyahan
sa mga tao sa pamamagitan
ng iba’t ibang programang
pantelebisyon.
Ang mga programang ito
ay nagsisilbing libangan na rin
ng mga tao sapagka naaaliw
sila sa panonood ng mga
game show, variety show, at
iba pang programa tulad ng
panonood ng teleserye.
Panandaliang nawawala ang
kanilang problema sa
pamamagitan ng panonood ng
mga ito. Sa kasalukuyan, ang mga
milenyal ay nahuhumaling
naman sa panonood ng dramang
mula sa South Korea.
Samakatuwid, may kani-kaniyang
audience ang mga programang
pantelebisyon: may pambata,
pangkabataan, pangmatanda, at iba pa.
May mga programa rin sa telebisyon na
nagbibigay ng serbisyo sa mga tao na
malaking bagay para sa masang Pilipino. Sa
ganitong paraan, natutugunan ng
telebisyon ang iba’t ibang pangangailangan
ng mga tao.
Katulad ng mga programang
pantelebisyon na ang layunin ay
makapagbigay ng totoong
kalagayan ng mga tao sa isang
lugar tulad ng mga
dokumentaryong programang
pantelebisyon.
Ito ay mga palabas na
naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong
proyekto na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
Karagdagang
kaalaman
Ang paghihinuha ay
pagbibigay ng iyong sariling haka-
haka o opinyon tungkol sa isang
bagay o sitwasyong naganap. Ito
ay maaaring magmula sa iyong
sariling paniniwala at
pagkakaintindi sa isang konteksto
ng pangyayari.
Paksa- bahagi ng
akda o pangungusap
na binibigyan ng
pokus o tuon sa akda
o pangungusap .
Layon - intensiyong
tinutukoy sa isang
akda.
Tono - tumutukoy sa
saloobin ng may-akda
sa paksang kanyang
isinulat.
Ang pagsusuri ay
proseso ng paghimay ng
isang paksa sa maliit na
bahagi upang magkaroon
ng mas mainam na
pagkaintindi sa paksa.
Panuto: Punan ang patlang sa
bawat pangungusap upang
mabuo ang mga kaisipan
tungkol sa aralin. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
1. Natutuhan ko mula sa aralin na sa
pagsusuri ng akdang nabasa,
mahalagang magkaroon ng
paghihinuha sa paksa, layon, at tono
nito dahil______________________.
2. Nadagdagan din ang
aking kaalamang may
kaugnayan sa paksa sa
Pamamagitan__________
_____________________
____.
3. Nakatutulong din sa
pagsusuri ng isang
programang pantelebisyon
kung may itinakdang
pamantayan dahil _______.

You might also like