Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PISTA

NG
BULAKLAK
Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng
mga bulaklak sa Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa
tawag na Pista ng Panagbenga. Ang Panagbenga ay
salitang galing sa Cordillera na ang kahulugan ay
panahon ng pagbukadkad ng bulaklak. Binibigyang
halaga sa pistang ito ang naggagandahang bulaklak
kung saan kilala ang lungsod na ito. Nagsimula ang
pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995. Isinagawa
ng pistang ito para maiangat muli ang Lungsod ng
Baguio mula sa malagim na lindol noong 1990.
Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang
ng Panagbenga. Ang pinakasikat at inaabangang
gawain tuwing pista ng bulaklak ay ang parada.
Kasama sa paradang ito ay sayawan sa kalsada
at pagtugtog ng mga banda. Pinakabida sa
paradang ito ang mga higanteng karosa na
puno ng mga magaganda at mababangong
bulaklak. Sa paggawa ng karosang ito,
ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang
pagiging malikhain at pagiging matulungin.
Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada
ng lungsod. Maraming mga taong galing pa sa
iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang dumadayo
sa Baguio upang mapanood ito.
1. Anong buwan nagaganap ang
Pista ng Panagbenga?
a. unang buwan ng taon
b. ikalawang buwan ng taon
c. ikatlong buwan ng taon
d. huling buwan ng taon
2. Kailan nagsimula ang pagdiriwang
na ito?
a. 1908
b. 1990
c. 1995
d. 2012
3. Ano ang inaabangang
gawain sa pistang ito?
a. tugtog ng banda
b. palaro sa mga bata
c. parada ng bulaklak
d. sayawan sa kalsada
4. Ano-anong katangian ng mga Pilipino
ang ipinakikita sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. pagiging matalino at palaisip
b. pagiging masipag at matulungin
c. pagiging malikhain at masayahin
d. pagiging maalalahanin at
palakaibiga
5. Bakit sinimulan ang Pista ng Panagbenga?
a. para maging sikat ang lalawigan
b. para hindi masayang ang mga bulaklak
c. para maiwasan ang pag-ulit ng lindol
noong 1990
d. para mapaunlad muli ang lugar matapos
ang lindol noong 1990
6. Bakit kaya maraming tao ang
dumadayo sa pagdiriwang na ito?
a. ayaw nilang pumasok sa paaralan
b. gusto nilang makakita ng mga turista
c. maraming gustong makarating sa
Baguio
d. Nais nilang makita ang mga karosa ng
bulaklak
7. Ano ang tinutukoy sa seleksyon?
a. ang kagandahan ng Lungsod ng Baguio
b. ang kasaysayan ng Lungsod ng Baguio
c. ang isang kilalang pista sa Baguio
d. ang ugali ng mga tao sa Baguio

You might also like