Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 51

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Quarter 3 Week 3
Nakikilahok ka ba sa mga gawain ng iyong
komunidad?
Ginagawa mo ba ang pakikilahok sa mga proyektong
magpapaunlad sa iyong kapaligiran, kabuhayan,
kalusugan at iba pa?
Ang aralin na ito ay tumatalakay sa kahalagahan
ng pakikilahok sa mga gawain at proyektong
pampamayanan na nagpapakita ng pakikiisa sa
pangkat na iyong kinabibilangan. Pagpapakita ito
ng kamalayang pansibiko at mabuting pakikitungo
sa ating kapuwa.
Ang pakikiisa at mabuting pakikitungo sa kapuwa ay
dalawang mabubuting ugali na taglay ng maraming Pilipino.
Dalawang ugaling ipinagmamalaki nating lahat. Bukod pa rito,
maaari rin nating masabi na sa pakikilahok at mabuting
pakikitungo sa kapuwa ay maaaring maiuugnay din ang ilan
pang mabubuting ugaling Pilipino tulad ng disiplina sa
paggawa, kasipagan, mapanuring pag-iisip,
pagkakawanggawa, at iba pa.
Subukan ang iyong kaalaman tungkol sa pakikilahok.
Sagutin ng Tama o Mali ang mga pangungusap.
1.Isang dahilan kung bakit ang komunidad ay maunlad ay
dahil may mga proyektong pangkomunidad ayon sa mga
pangangailangan ng kasapi nito.
2.Ang Planong Pangkaunlaran ng Barangay ay maaaring
pagmulan ng mga kapaki-pakinabang na proyekto na
maaaring pasimulan.
3.Ang pakikilahok sa mga gawaing pangkaunlaran ng
komunidad ay pribileheyo para sa responsableng
mamamayan.
4.Ang komunidad na may mga miyembrong nagkakaisa o
nakikipagtulungan ay maraming suliranin.
5.Ang taong ayaw lumahok at makipagtulungan sa mga
proyekto ng komunidad ay hindi na kailangang
kumbinsihing magbago ng kanyang isipan.
Sa araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1.naipapaliwanag kung paano maipapakita ang disiplina at pakikilahok sa mga
gawain upang mapanatili ang pagiging mabuting Pilipino;
2.naitatala ang mga paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan na
nagpapakita ng mabuting pag-uugali ng mga Pilipino;
3.natutukoy ang iba’t-ibang samahan na nagpapakita ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko; at
4.maipaliliwanag kung paano maipakikita ang disiplina at pakikilahok sa mga
gawain upang mapanatili ang pagiging mabuting Pilipino.
May kasabihan na ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili
lamang. Kailangan natin ang ating kapwa at mga samahan sa
pag-unlad ng pagkatao. Bilang isang mag-aaral, ang pagsali sa
mabubuting samahan ay nakatutulong ng malaki upang
mapaunlad at mapagyaman ang ating kakayahan at
malampasan ang kahinaan. Maaaring gamitin ang kagalingan
sa pagtulong sa mga gawain sa tahanan,proyekto sa paaralan
at sa mga samahang kinabibilangan.
Bumuo ka ng mga salita o grupo ng
mga salita mula sa paglalarawan ng
mga samahan na may gabay na
larawan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Ito ay samahan sa paaralan na layong
maging responsable sa pagganap ang mga
bata ng tungkuling pampaaralan. Ang
mga bata ay inihahanda sa lipunang
naaayon sa patakaran, prinsipyo at
programa ng pag-iiskawt. Ano ito?
Ito ay samahan sa paaralan na
kumakatawan sa mga mag-aaral.
Ipinapakita sa samahang ito na ang mga
bata ay handang mamuno at tumulong sa
kapwa mag-aaral sa usapin o problemang
pampaaralan. Ano ito?
Ito ay samahan ng mga kabataan na
layong ipamalas ang talento upang
papurihan ang dakilang Maykapal sa
pamamagitan ng pangkatang pag-awit.
Ano ito?
Ito ay samahan sa pamayanan na layong
ipakita ang pagkakaisa sa kagandahan at
kalinisan ng isang komunidad. Ang bawat
kasapi ng komunidad ay tulong-tulong sa
pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang
pamayanan. Ano ito?
Ito ay samahan na layong ilayo sa
masamang bisyo ang mga kabataan. Sa
samahang ito, pinapayabong sa kaisipan
ng mga bata ang diwa ng disiplina at
pagkakaisa sa larangan ng palakasan. Ano
ito?
Ang pakikilahok ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga proyekto o aktibidad sa
komunidad dahil ang mga tao ay natututo kung paano haharapin ang mga
pangangailangang pangkomunidad. Ang mga proyekto o aktibidad na ito ay
nangangailangan ng tulong ng lahat sa komunidad at kinakailangan ding
maipagpatuloy ang mga ito. Mula sa pakikilahok, natututong magsarili ang mga
tao. Natutunan din nila kung papaano gagamitin ang yamang (resources)
pangkomunidad at maging yamang galing sa labas. Mayroong konsepto ng pag-
aari (sense of ownership) para sa mga residente sa mga proyekto o aktibidad para
sa kaunlaran. Ang pakikilahok ng mga tao ay maaaring tumungo sa pagkakaisa at
pagkilos nila. Ang pagkakaisa at pagkilos ay maaaring tumungo sa mas maraming
pamimilian (options) sa pag-iisip ng mas mabubuting proyekto o aktibidad na
maaaring makatulong sa komunidad.
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ilagay sa iyong
sagutang papel ang bilang ng mga gawaing nagpapakita ng
pakikilahok sa pagpapabuti ng pamayanan at kung paano ang
pakikilahok na ito ay makatutulong sa pagiging mabuting
mamayan. Isulat din ang numero ng mga larawan na di-
nagpapakita ng disiplina at pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko. Ipaliwanag kung paano ito maitatama.
Pag-aaksaya
ng tubig
FUN RUN
Pagkakalat ng
basura
Pagkakalat ng
basura
Pagsusulat sa
pampublikong
lugar
Bullying
Nakikilahok ka ba sa mga gawain ng
iyong komunidad? Nakikibahagi ka ba sa mga
proyektong magpapaunlad sa iyong
kapaligiran, kabuhayan, kalusugan at iba pa?
Katangi-tangi ang mga Pilipino sa larangan ng
pagtulong at pakikilahok sa mga proyektong
naghahangad na mapaunlad ang kalidad ng buhay ng
isang paaralan o kuminidad. Karamihan sa mga
barangay ay mag proyektong isinagawa at ipanatutupad.
Mahalaga na tayo ay nakikilahok sa mga proyekto ng
ating gobyerno upang makatulong at mapabuti ang
kalagayan ng isang komunidad.
Bukod pa rito, ang pakikilahok at mabuting
pakikitungo sa kapuwa iay isang mabuting
kaugaliang Pilipino tulad ng disiplina sa
paggawa, pagmamalasakit, kasipagan, at
pagpapakita ng pagmamahal sa kapaligiran
Ibahagi ang iyong karanasan. Magbigay ng anumang aktibidad na naglalayong
pagbutihin ang kalidad ng pamumuhay sa inyong komunidad, na nilahukan mo.
Gamiting gabay ang nasa ibaba. Kung wala ka pang aktibidad na nilahukan,
maaari kang magtanong sa naging karanasan ng nakatatandang miyembro ng
pamilya.

Mga Paraan ng
Programa/Aktibida Pakikilahok
d
May kasabihan na ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili
lamang. Kailangan ang ating kapwa at mga samahan sa pag-
unlad ng pagkatao. Bilang isang mag-aaral, ang pagsali o
pakikilahok sa mabubuting samahan ay nakatutulong ng
malaki upang mapaunlad at mapagyaman ang aking
kakayahan at malampasan ang kahinaan. Maaaring gamitin
ang kagalingan sa pagtulong sa mga gawain sa tahanan,
proyekto sa paaralan, at sa mga samahang kinabibilangan.
Ang pakikilahok ay ang pakikiisa sa paggawa para sa
ikabubuti ng karamihan o ng lahat. Ito raw ang aksyon ng mga
indibidwal na sama-samang nagtatrabaho at gumagawa upang
subukan at tuluyang malutas ang mga problema at suliranin sa
komunidad. Ito rin ay tumutukoy sa aktibong boluntarismong
pakikiisa sa paggawa at partisipasyon sa mga aktibidad na
naglalayong mapabuti ang kalagayan ng lahat at mapaunlad
ang lipunan. Ito ang pagtutulungan ng mga tao o grupo ng tao
ng bukal sa kalooban.
Bawat miyembro ng samahan ay may mahalagang papel
na ginagampanan. Ang pagtutulungan, pakikibahagi, at
pakikiisa ay mahalaga sa pagtamo ng layunin at
pagkamit ng tagumpay ng samahan. Ang paglahok,
pagsunod, at pagbibigay mungkahi ay tanda ng pagiging
makabuluhang kasapi at mabuting mamamayan.
Mga Benepisyo Ng Pakikilahok

1. Nagpapalawak mo ang iyong koneksyon sa ibang tao,


mapa-propesyonal man o panlibangan. Dahil may nakikilala
kang ibang tao, mas dumadami ang iyong nagiging kaibigan.
2. Nakatutuklas ng bagong larangan dahil sa pagsali at
pakikilahok sa ibang gawain lalo na kung sumusubok ka ng
bagong libangan. Dahil dito, nagkakaroon ka ng bagong ideya
sa mga bagay-bagay sa iyong paligid.
3. Napalalakas at napatatatag nito ang iyong unang hilig
dahil sa patuloy na pakikilahok at aktibong pagdalo sa mga
gawaing nakakakuha ng iyong atensyon at dedikasyon.
4. Nagkakaroon ka ng maraming kaibigan at kakilala,
mga taong unang beses mo pa lang nakilala ngunit dahil sa
iisa kayo ng hilig ay nagkatagpo kayo at naging kaibigan.
Marami na ang nagkaroon ng bagong kakilala at kaibigan
dahil sa pakikilahok sa iba't ibang gawain.
5. Nahahasa ang iyong kakayahang mamuno at
makipag-usap o talakayan, pagpapahayag ng sariling
damdamin lalo na kapag may grupo kang hinahawakan.
6. Mapapatibay mo ang paniniwala mo sa iyong sarili
at sa iyong kakayahan dahil ito'y nahahasa, nalilinang,
nagiging panatag ka sa iyong mga kasama, at paglaon ay
nagiging malakas ang iyong loob sa harap ng maraming
tao.
"Kayang kaya kung sama-sama." Kung walang
makikilahok ay walang mangyayaring maganda sa
bayan. Kailangang lahat ng tao ay magkaisa sa paggawa
upang ang lipunan ay umunlad. Kapag nangyari ito ay
makakamit natin ang kabutihang panlahat.
Gumawa ng isang malikhaing presentasyon sa
kahalagahan ng pakikilahok sa gawaing skwela.
Ipakita ang pagiging isang Pilipino na nakikiisa.
Ang iyong presentasyon ay maaring sa
pamamagitan ng isang tula, poster, drawing,
collage o sanaysay (pumili lamang ng isa sa mga
nabanggit).
Ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay
nakatutulong upang mapaunlad at maging
matagumpay ang mga proyekto na itinataguyod
ng komunidad. Ang ilan sa mga mabubuting
dulot ng pakikiisa sa mga gawaing pansibiko ay
makikita sa mga sumusunod:
1. Natuturuan ang mga mamamayan ng pagkakaroon ng mga mabuting
asal.
2. Nagkakaroon ng puwang sa puso ng mga mamamayan ang pagtulong
sa kapwa.
3. Mas lumalawak ang pagmamahal na mayroon ang mga mamamayan
para sa bayan.
4. Nagkakaroon ng mas malawak at posibong pananaw ang mga
mamamayan para sa kapwa at bayan.
5. Mas nagiging positibo ang anumang pananaw na mayroon
ang mga mamamayan.
6. Napananatili ang kaayusan para sa bayan na kinabibilangan.
7. Mas napabubuti ang pisikal na kalagayan ng mga taong
sumasama o nakikiisa sa mga gawaing pansibiko.
8. Mas napauunlad ang mga abilidad at kakayahan ng mga
nakikilahok
Mga halimbawa ng pakikilahok sa gawaing pansibiko
 Pagtuturo sa mga kabataan
 Pangunguna sa pagkakaroon ng aktibidades ng pag eerhersisyo para sa mga
nakatatanda
 Paghahandog ng mga gamot o iba pang tulong pang medisina para sa mga
nangangailangan
 Pagbibigay ng mga libreng konsulta para sa mga may sakit
 Pagtataguyod ng mga seminars ukol sa pamumuno, pagsasalita, pakikibagay
at pakikipagkapwa-tao.
Kahulugan ng gawaing pansibiko
Ang gawaing pansibiko ay tumutukoy sa mga gawain na
nagaganap sa lipunang kinabibilangan. Ito ay may layuning
magbigay tulong o hindi kaya ay magbigay ng solusyon o aliw
para sa mga mamamayan. Karaniwan, ang mga gawaing
pansibiko ay pinangungunahan ng mga pribadong sektor o
hindi kaya ay ng lokal na pamahalaan sa isang bayan

You might also like