EsP 5 PPT Q3 W2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5 WEEK 2
Nakapagpapamalas ng
pagkamalikhain sa pagbuo ng
mga sayaw, awit at sining
MELC gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya
Code: EsP5PPP – IIIb – 24

9/3/20XX Presentation Title 2


Ating
Pagkamalikhain,
I-alay sa Kapuwa
Natin
3
Bilang pagbabalik-aral sa
nakaraang aralin,
maglista ka sa iyong sagutang
papel ng tatlong(3) paraan kung
paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa ating bansa.
4
Kung tatanungin lahat ng mga Pilipinong
sumikat sa buong mundo sa iba’t ibang
larangan kung ano ang susi sa kanilang
tagumpay, ang isa sigurong katangian na
kanilang babanggitin ay ang tiwala sa
sarili.

5
Naniniwala ako na kayong mga
kabataan ay may angking talino sa
pag-awit, pagsayaw, pagguhit at iba
pa. Ang araling ito ang gagabay sa
inyo upang higit na mapayaman ang
inyong kakayahan sa mga talinong
nabanggit. 6
Sa araling ito iyong:
⮚ Maipapamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga
sayaw,awit at sining gamit ang anumang multimedia o
teknolohiya.
⮚ Masusuri ang mga larawan ng mga Pilipino at ang
talentong angkin nila.
⮚ Makakagawa ng isang plano upang malinang ang
talentong angkin.
⮚ Makakasulat ng isang sulat-pasasalamat sa Panginoon
sa mga talentong ibinigay. 7
Gawain 1:
Para subukan ang iyong
pagiging malikhain subukan
mong gawin ang mga gawain
sa ibaba
8
9
Ang doodle ay isang pagguhit kung saan ang taong
gumuguhit ay malayo ang iniisip sa ginuguhit. Ang mga
doodle ay mga simpleng guhit na maaaring magkaroon ng
isang kumakatawang kahulugan o kung anong hugis lang.
Ang mga karaniwang halimbawa ng pagdudoodle ay
makikita sa mga kwaderno, kalimitan sa sulok ng papel,
na ginuhit ng mga mag-aaral na tinatamad makinig sa
klase. Ang iba pang halimbawa ng pagdudoodle ay
magagawa gamit ang papel at panulat habang
nakikipagusap ng matagalan sa cellphone.
10
Mula sa tono ng awiting
ipapatugtog ng iyong guro,
gumawa ng isang awit na may
kaugnayan sa nangyayari sa
iyong buhay sa kasalukuyan
11
12
13
Gawain 2:
Basahin ang kwento ng isang
pamilya kung paano nila nililinang ang
kanilang mga talento at ang pagsuporta
nila sa kakayahan ng bawat isa.
Sagutin ang mga tanong sa iyong
kwaderno. 14
Isang pamilyang
Makasining
Constancia Paloma

15
Kilala sa Barangay Sampaloc ang mag-anak na
Gomez dahil sa kanilang talino sa sining. Madalas
naaanyayahan ang mag-asawang Gomez sa mga
kasiyahan, sapagkat pareho silang magaling umawit
at sumayaw. Si G. Gomez naman ay binibiro pa ng
kanyang mga kaibigan na Ginoong Pinagpala dahil
bukod pa sa kanyang galing sa pagsayaw at pag-awit
ay magaling din siyang gumuhit.

16
Isang araw, nag-anunsiyo ang kapitan ng barangay na magdaraos
ng paligsahan sa iba’t ibang talento para sa mga kabataang edad
pito hanggang labintatlo. Maraming nakuhang isponsor ang
barangay kaya malaki ang premyo. Tamang-tama naman, sa
tatlong anak ng mag-asawang Gomez, dalawa sa kanilang mga
anak ay nanalo na sa kani-kanilang paaralan sa iba’t ibang
paligsahan sa sining. Si Rico, ang panganay, ay magaling
sumayaw at si Rica naman ay magaling umawit. Ang bunso na si
Maya, pitong taong gulang, ay kinakikitaan na nilang magaling
gumuhit. Namana nito sa kanilang ama ang galing sa pagguhit.

17
Dahil dito, sinabihan ng mag-asawa ang
kanilang bunso na sumali na rin sa
paligsahan ng barangay, subalit agad itong
tumanggi sapagkat hindi pa niya
naranasang sumali sa kahit anong
paligsahan.

18
“Ano kaya ang gagawin natin sa ating bunso?”
may pag-aalala ang tinig ng nanay.
“Alalayan muna natin at kuwentuhan natin siya
ukol sa kahalagahan sa paggamit ng talentong
ibinigay sa kanya ng Diyos,” ang mungkahi ng
ama.

19
Niyaya ng mag-asawa ang bunsong anak sa isang lugar na
maraming ibon sa paligid at may malaking aquarium na
may iba’t ibang isda. “Tingnan mo ang mga ibon at isda,
anak. Pare-pareho ba sila ng ginagawa? Pare-pareho ba
sila ng kakayahan?” ang tanong ng ama kay Maya. “Hindi
po,” ang sagot naman ng anak. “Nakatutulong ba ang mga
ito sa atin?”Opo,” ang sagot ni Maya habang tinititigan
ang mga hayop na binabanggit ng ama.

20
“Ikaw din ay binigyan ng Diyos ng talento na
kakaiba sa mga kapatid mo. Dahil bigay sa atin ng
Diyos ang ating mga talento, may pananagutan
tayong ito ay pagyamanin at gamitin para sa iba. Ang
ating talento ay magagamit natin sa kapaki-
kapakinabang at malikhaing gawain, at ang bunga
nito ay ang pag-unlad ng talento natin na
makatutulong sa kaunlaran ng tahanan, pamayanan,
at daigdig.” 21
“O, ano, sasali ka na rin sa paligsahan, anak?”
tanong ng ina. “Huwag kang matakot, anak,
simula lang mahirap. ‘Pag nasanay ka na,
matutulad ka rin sa kuya at ate mo na nananalo
sa mga paligsahan.”
“O sige po, pag-uwi ko sa bahay, magsasanay na
ako sa pagguhit,” ang tugon ng bunso nilang si
Maya.
22
Sumali nga sa paligsahan sa sining ang tatlong mga
bata. Si Rico sa pagsayaw, si Rica sa pag-awit , at si
Maya sa pagguhit. Dahil tinutukan ng mag-asawa
ang pagsasanay ng kanilang tatlong anak, pare-
parehong nanalo ang mga ito. Ang dalawang mas
matanda ay parehong unang gantimpala, at si Maya,
dahil unang pagkakataon pa lamang niyang sumali at
medyo may alinlangan pa sa kanyang talento sa
pagguhit , ay nakakuha lamang ng ikalimang
puwesto. 23
“Di bale, mula ngayon, magsasanay na
ako. Sa susunod, unang gantimpala
ang makukuha ko.”‘Diyan ka
magaling!” ang sabay-sabay na sigaw
at tawanan ng buong mag-anak.

24
Mga Tanong:
1. Bakit kilala sa kanilang barangay ang Pamilya Gomez?
2. Ano-ano ang talentong angkin ng mag-anak?
3. Ano ang nagging suliranin ng pamilya ukol kay Maya?
Paano nila ito anbigyan ng solusyon?
4. Anong aral ang natutuan mo sa kwento?
5. Ano-anong talento ang taglay mo?
6 .Bakit kailangang linangin ang pagiging malikhain?

25
Gawain 3
Kung tatanungin lahat ng mga Pilipinong sumikat sa
buong mundo sa iba’t ibang larangan at kung ano ang susi
sa kanilang tagumpay ang isa sigurong katangian na
kanilang babanggitin ay ang tiwala sa sarili. Ang
pagtitiwala sa sarili ay isang magandang katangian na
dapat ingatan, palakasin, at pagyamanin na kinakailangang
paulit-ulit na isabuhay upang mas higit na tumibay o
tumatag.

26
Bilang isang batang Pilipino na may
angking talento, gumawa ka ng isang
video sa loob ng tatlong (3) minuto na
ipinapakita ang iyong tiwala sa sarili
sa pagpapakita ng iyong talento.

27
Hindi natin maitatatuwa ang talento ng mga Pilipino sa larangan ng sining. Likas sa
ating mga Pilipino ang pagiging malikhain kaya naman kilala tayo sa buong mundo
sa ating tanging galing sa sining at pagiging malikhain. Isang halimbawa nito ay
nakakagawa tayo ng isang bagay na kapakipakinabang o sining kahit sa mga bagay
na wala ng silbi, patapon o basura na. Ang mga Pilipino ay kilalang malikhain dahil
ang kanilang isipan ay hindi nababatay sa isang kaisipan lamang ngunit nag-iisip pa
sila ng ibang paraan o mas magandang gawin o gamitin, ang patunay nito ay ang
pintor na Pinoy na nagawaran ng maraming parangal dahil sa pagiging malikhain at
mas malawak ang kaisipan ng mga Pilipino. Tunay ngang malikhain ang mga
Pilipino. Mula sa larangan ng musika, sayaw, opera, teatro at pelikula, fine arts
tulad ng pagpipinta, eskultura at visual na komunikasyon.

28
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay naipakikita sa lahat ng
pagkakataon. Hindi lamang talento ang ipinagmamalaki ng ating
lahi kundi ang mga paraan kung paano nila ito naipamamalas.
Gayundin, ang mga Pilipino ay madaling maiangkop ang sarili sa
mga pagbabago ng henerasyon. Sa pag-unlad ng bansa,
naglilitawan ang iba’t-ibang uri ng teknolohiya o multimedia na
siyang dahilan ng mga pagbabago sa ating kapaligiran.
Gayunman, dahil likas na malikhain ang mga Pilipino ay madali
silang makabuo ng awit, sining, pagguhit at iba pa gamit ang
teknolohiya o iba pang kagamitan.

29
Nararapat lamang din na maging responsible tayo sa
paggamit ng teknolohiya sa tuwing pinapakita ang ating
pagkamalikhain. Maraming paraan kung paano maging
responsible. Isa dito ay ang paggamit ng maayos at tama,
hindi dapat abusuhin ang mga gamit nito. Dapat lamang na
maging responsable tayo sa paggamit ng mga ito pagkat
nakatutulong ang mga multimedia o teknolohiya upang
maipakita ang ating pagkamalikhain.

30
Gawain 4:
Sa iyong sagutang papel, lumikha ka ng isang plano
kung paano mo higit na malilinang ang iyong mga
talento hindi lamang para sa iyong sarili kundi para
sa rin sa kapwa. Ipahayag din kung paano mo
maipakikita ang iyong pagiging responsable sa
paggamit o pagpapakita ng iyong talento.

31
Mga Talento Paraan ng Paglinang Pananagutan
Halimbawa: Pagsayaw Madalas na pagsali sa Huwag kalimutang may
mga paligsahan o iba ka pang pananagutan
programa sa paaralan na bilang bahagi ng
may pagsasayaw. pamilya,paaralan at
komunidad.

32
Ating Pananagutan ang Paglinang sa ating Angking Talento
Ating pananagutan na pagyamanin o linangin ang ating
mga talento. Maraming mga paraan upang malinang o
mapagyaman ang mga talentong bigay sa atin ng Diyos.
1. Ipagpatuloy ang pag-alam ng iba mo pang talentong namana
mo sa iyong mga magulang at natutuhan mo sa iyong mga
nakakasalamuha o nakikita sa social media. Sikaping gawin ang
pagpapahayag ng mga talento hindi lamang sa sariling kapakanan
kundi para sa kabutihan ng lahat.

33
2. Maging gawi ang pakikibahagi ng iyong mga talento sa mga
proyektong nakapagpapabuti sa kapwa.
3. Lumahok sa mga paligsahang makatutulong upang lalong
mahasa ang iyong mga talento. Samantalahin din ang iyong pagsali
sa mga paligsahan upang magkaroon ka ng mga bagong kaibigan.
4. Maging mapagkumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan o
mga papuri ng ibang tao o samahan.
5. Higit sa lahat, maging responsable sa paggamit o pagpapakita
ng iyong mga talento.

34
A. Suriin ang mga karaniwang
ugali ng mga tao. Isulat ang
salitang TAMA kung ito ay
makatutulong sa pagpapatibay ng
pagtitiwala sa sarili at MALI kung
hindi.
35
1. Umaasa sa awa ng iba
2. Pagkakaroon ng takot na harapin ang mga
problema at suliranin sa buhay
3. Palagiang umaasa sa tulong ng iba
4. Pagiging maparaan at malikhain
5. Pagkakaroon ng sariling paninindigan sa
buhay
36
6. Namimili ng gagawin
7. Hindi sumusuko sa hirap ng trabaho
8. Mahilig mag-aral
9. Pagkakaroon ng tibay ng loob
10. Pagiging mahiyain

37
The End
9/3/20XX Presentation Title 38

You might also like