Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 141

Ang pagbasa ay isang proseso ng

pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga


nakakodang impormasyon sa anyo ng wika
sa pamamagitan ng limbag na midyum

-Urquhart at Weir (1998)


Ayon kay William S. Gray,may apat na hakbang ang proseso ng
pagbasa;

1.Persipsyon-pagkilala sa mga salitang nakalimbag.

2. Komprehensyon-pag-unawa sa mga nabuong mga konsepto mula sa


nakalimbag na mga salita

3.Aplikasyon- realisasyon,paghuhusga at emosyunal na pagtugon

4. Integrasyon-pagsasama ng bagong ideya sa personal na karanasan


Kahalagahan ng Pagbasa
1.Nakalilibang
2.Gabay sa kinakaharap na pagpapasya
3.Batayan ng mga moral na pangangatwiran at
pananaw
4.Patnubay sa pagbalik sa kasaysayan
Mga Teorya sa Pagbasa
Bottom Up
Tinatawag na outside –in o data driven
Nagmula sa teksto ang pagpapakahulugan patungo
sa pagkatuto ng mga mambabasa sa pamamagitan
ng yugto –yugtongpagkilala sa mga letrasa
salita,parirala,sa pangungusap at sa buong teksto
bago pa man ang pagpapakahulugan nito
Kahulugan
(Malalim na Estruktura)

Mga Salita
(Leksikal na Antas)

Letra/Tunog
(Antas ng Uri ng mga Tunog)
Top Down
Tinatawag ding inside out o conceptually
driven
Nagmula sa mambabasa ang pag-unawa
patungo sa teksto
Kahulugan
(Malalim na Estruktura)

Sintaksis
(Modelo o Padron ng Wika)

Pag-uugnay ng mga letra sa


Alpabeto/ponema(ugnayan
ng mga letra/tunog)
Interactive
 Sinusukat dito ang kakayahan ng pag-
unawa ng mambabasa sa pamamagitan ng
makapukaw isip na mga tanong
 Inaalam ng guro kung paano nabuo ng
mag-aaral ang kanilang mga kasagutan sa
mga tanong tama man o mali ang mga ito.
Schema/Iskema
 Walang kahulugang taglay sa sarili ang
teksto,nagbibigay lamang ito ng direksyon
sa mga mambabasa kung paano gagamitin
at nabibigyang kahulugan ang teksto mula
sa dating kaalaman
 Iskemata-balangkas ng dating kaalaman.
Uri ng Pagbasa ayon sa Pamamaraan
1.Pahapyaw na pagbasa
 Bahagyang pagtingin sa mga
impormasyong natatagpuan habang
nagbabasa

 Paghahanap ng tiyak na datos sa


isang pahina ng aklat o kabuuan ng
teksto

 Layunin nitong madaling makita


ang anumang hinahanap na datos
tulad ng numero sa
telepono,kahulugan ng salita sa
diksyunaryo o ng mga pangalan ng
nakapasa sa pagsusulit
2.Mabilis na Pagbasa
Pinaraanang pagbasa ito
na may layuning mabatid
ang pangkalahatang
pananaw na
matatagpuan sa isang
tekstong binasa

Malimit itong gamitin sa


mabilis na pagtingin at
pagbabasa sa kabuuang
nilalaman ng aklat
3.Paaral na Pagbasa

 Ginagawa ito sa pagkuha ng


mahahalagang detalye o
pagsasama-sama ng maliliit
na kaisipan upang
magkaroon ng mahusay at
wastong pagkaunawa sa
pangunahing kaisipan ng
isang teksto

 Isinasagawa ito kung


kailangang kabisaduhin ang
aralin para sa isang
itinalagang pagsusulit
4.Mapanuring Pagbasa

 Mapanuring pag-iisip ang


ginagamit sa ganitong uri
ng pagbasa

 Kalimitan itong ginagawa


upang masukat ang
kakayahan ng mag-aaral
sa pag-unawa sa mga
teorya,simulain o
prinsipyong nabasa sa
tekstong itinakda ng guro
5.Pamumunang Pagbasa

 Binibigyang puna sa
ganitong gawain ng
pagbabasa ang loob at
labas ng tekstong
binasa mula sa mga
elemento nito tulad ng
pamagat ,simula,kataw
an ,wakas ng akda atbp.
Sa ibang pagkakataon,ang pamamaraan sa
pagbasa ay tinatawag din sa pamamagitan ng
sumusunod:
1.Iskiming
 madaliang pagbabasa na ginagamit upang
magkaroon ng impresyon kung dapat o di-
dapat basahing Mabuti ang teksto
 Paghahanap ito sa mahahalagang datos na
maaaring gamitin sa pamanahong papel o
pananaliksik
 Nakatuon sa pagbasa sa pangunahing
detalye
2. Iskaning
Hinahanap sa ganitong pagbabasa ang mga tiyak na
impormasyonna madaling magagawa sa mga
tekstong maiikli,may malaking tipo ng
pagkakalimbag at pamilyar ang teksto.

Ginagalugad lamang nito ang mga susing salita at


subtitles
TEKSTONG
IMPORMATIBO
✓ Babasahing di-piksyon na
✓ Isang uri ng babasahin na
naglalayong magbigay ng
nakabatay sa katotohanan na
impormasyon at magpaliwanag
naglalayong magbigay ng
sa iba’t ibang paksa tulad ng
impormasyon at magpaliwanag
mga hayop, siyensiya,
sa iba’t ibang paksa ng walang
teknolohiya, paglalakbay,
kinikilingan.
heograpiya at iba pa.
✓ Karaniwan itong sumasagot mga tanong na ano, sino, saan, kailan at
paano
tungkol sa paksa o mga impormasyong may kinalaman sa isang tao,
bagay,lugar
o pangyayari.
✓ Gumagamit ng mga respetado at mapagkakatiwalaang sanggunian.
✓ Tinatawag din kung minsan na tekstong ekspositori.
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Naglalahad ng mahahalagang bagong


impormasyon,kaalaman,pangyayari,pa
niniwala at tiyak na detalye para sa
kabatiran ng mga mambabasa
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Ang kaalaman ay nakaayos nang


may pagkakasunod-sunod at
inilalahad nang buong linaw at
kaisahan
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Karamihan sa mga impormasyon ay


patungkol sa mga bagay at paksang
pinag-uusapan
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Nagbibigay ng impormasyong
nakapagpapalawak ng kaalaman at
nagbibigay linaw sa mga paksang
inilalahad upang mawala ang
alinlangan
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Naglalahad ng mga datos na


nakatutulong sa paglilinaw ng mga
konsepto
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Naglalaman ng impormasyong
makatotohanan at hindi gawa-gawa
lamang
KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Nagbibigay ng impormasyon o
paliwanag na makatotohanan ayon
sa pananaliksik o masusing pag-
aaral
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS

Hanguang Primarya

 mga indibidwal o awtoridad


 mga grupo o organisasyon
 mga kaugalian
 mga pampublikong kasulatan o dokumento
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS

Hanguang Elektroniko

internet sa pamamagitan ng email


Telepono o cellphone
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS

Hanguang Secondarya

Mga aklat tulad ng


diksyunaryo,ensiklopedya,taunang
aklat o yearbook,almanac at atlas
MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS

Hanguang Secondarya

 Mga nalathalang artikulo sa journal,magasin,pahayagan


at newsletter
 Mga tesis,disertasyon at pag-aaral sa feasibility,nailathala
man ang mga ito o hindi
 Mga monograp,manwal,polyeto,manuskrito at iba pa
Elemento ng Isang Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng May-akda
➢ Ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o
paglalahad
ng impormasyon.

2. Pangunahing ideya at pantulong na kaisipan.


➢ Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi-tinatawag din itong educational markers na nakatutulong upang
agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin
3. Pantulong na Kaisipan
➢ Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong kaisipan o
mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mga
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.

4. Estilo sa pagsulat,kagamitan/sangguniang magtatampok sa


mga bagay o impormasyon
➢ Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na
pag-unawa sa binasang teksto.
❖ Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
❖ Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
❖ Pagsulat ng mga talasanggunian
Mga Konseptong Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo

✓ Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na

impomasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay

✓ Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng

kaugnay na paksa dapat na makita ito sa kasunod na talata.

✓ Sa pagbasa ng tekstong impormatibo magkaroon ng pokus sa mga

impormasyong ipinapahayag. Isulat ito kung kinakailangan.


✓ Sa pagsulat ng tekstong impormatibo tandaang
ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti ang
mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

✓ Gumagamit ang tekstong impormatibo ng mga teksto


mula sa mga respetado at mapapanaligang sanggunian
kaya kaugnay sa intellectual property rights na nararapat
na banggitin ang may-akda nito.
Virtual Learning
ni: Patrocinio Villafuerte

Ang Virtual Learning na kilala rin sa tawag na e-Learning o


Digital Learning ay matagal nang nakilala sa larang ng
edukasyon ilang dekada na ang nakalipas. Ngunit sa
paglaganap ng Covid-19 virus ay muling naging bukambibig
ang terminong ito dahil sa kahilingan ng Kagawaran ng
Edukasyon na ito’y maipagamit hanggang hindi pa
nakakapasok sa paaralan ang mga mag-aaral. Sa pagkatuto
ng mga mag-aaral nang naaayon sa virtual learning,
malaking tulong sa guro at mga mag-aaral ang paggamit ng
computer software o internet.
TEKSTONG
NARATIBO
Tekstong Naratibo: Layunin, Katangian at mga Halimbawa

Madalas sa isang pag-uusap ay nakabubuo tayo ng salaysay batay sa ating


nararanasan, napapanood, naririnig at nababasa. Nakalilikha tayo ng isang tiyak
na salaysay, may pagkakasunod-sunod na mga pangyayari at kaisipan ng mga
pangyayaring ating nasaksihan.

Ang tekstong naratibo ay naglalayong magsalaysay ng dugtong-dugtong at


magkakaugnay na pangyayari na maaaring maglahad ng mga pangyayari sa
kapaligiran o mga personal na karanasan ng manunulat o ng isang natatanging
tao.
.
Ang daloy ng pangyayari sa tekstong naratibo ay ayon sa
nais ng tagapagsalaysay o manunulat.

Nabibigyang pagkakataon ang mga mambabasa na


makabuo ng imahe sa kanyang isip ngunit kakaiba ito sa
tekstong deskriptibo dahilan na mas binibigyang-diin nito
ang takbo ng mga pangyayari lalo na ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Mga Maaaring Gamitin sa Pagsasalaysay
1. Aksyon ng tao
2.Pagsasalita ng tao
3.Pagbabago sa Posisyon o kalagayan
4.Pangyayari sa kapaligiran
5.Paglalarawan sa tauhan para maging kapana-panabik
at nakakaaliw ang banghay
Mga Katangian ng Tekstong Nagsasalaysay
1.May nakapupukaw pansing pamagat
2.Ginagamitan ng sanhi at bunga
3.Tempo
4.Punto ng pagsasalaysay
5.Ayos ng pagsasalaysay
6.Kaisahan
7.Kakintalan
8.Kasukdulan
9.wakas
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng Tekstong Naratibo
Narito ang ilang mga katanungang maaaring maging gabay sa pagbasa at pagsusuri
ng isang tekstong naratibo:

Layunin ng May-Akda
o Anong uri ng pagsasalaysay ang ginamit sa teksto?
o Ano ang hangarin ng may akda sa kanyang pagsulat?
o Mabisa baa ng ginamit na uri ng pagsasalaysay upang maisakatuparan ang
layunin ng may akda?
o Malinaw bang naipakita sa teksto ang nagging layunin ng may-akda na
magsalaysay ng magkakaugnay na pangyayari?
Mga Ginamit na Elemento
o Ano ang ayos ng pangyayari ayon sa lohikal na sanhi-bunga nito?

o Anong teknik sa pagsasalaysay ang ginamit upang ilahad ang mga


pangyayari?

o Mabisa baa ng ginamit na teknik ng pagsasalaysay?

o Saan at kalian nagana pang salaysay?ano ang kaugnayan ng tagpuan sa


pangyayari?
o Sino-sinong tauhan ang kasama sa pangyayari? Kanino nakasentro ang
salaysay?

o Malinaw ba ang perspektibang ginamit sa pagsasalaysay? Kung hindi, bakit?

o Ano ang tampok na bahagi ng salaysay?

o Paano ginamit ang pagsasalaysay sa teksto o ano ang silbi ng salaysay sa


layunin ng teksto?

o Nakatulong ba ang salaysay ipang maabot ang layunin ng teksto?


Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong
Naratibo
1. Isipin kung ano ang magiging paksa o layunin ng
isusulat.
2. Malinaw dapat kung paano magagamit ang
tekstong naratibo upang mapalutang ang layunin ng
isusulat.
3. Piliin ang itatampok na pangyayari sa
pagsasalaysay.
4. Isa-isahin ang mga detalye na bubuo sa mga
pangyayari kapag isinalaysay na.
5. Kung susulat ng kuwentong pampanitikan,
kailangang sundin ang kombensyon at elemento sa
pagsulat nito.
Proseso sa Pagsulat ng Tekstong
Nagsasalaysay
a.Pagpili ng Paksa
b.Pagpapasya ng pananaw na gagamitin (una o
ikatlo)
c.Pagpapasya ng mga layunin
d.Pagsulat ng unang banghay
e.Pagsasaayos ng mga nilalaman ng iyong
sanaysay
f.Pgsulat ng Pinal sa sanaysay
6. Dapat isaalang-alang ang banghay ng mga
pangyayari.
7. Maaaring gumamit ng iba’t ibang teknik sa
paglalahad ng mga pangyayari – maaaring
pagbabalik-tanaw o pagsisimula sa gitna ng
mga pangyayari.
8. Palaging isaisip ang mahusay na paggamit
ng wika.
9. Gumamit ng wasto at angkop na mga salita.
10. Isaalang-alang ang ugnayan ng mga ideya,
ang diin, at kalinawan ng mga pahayag o
pangungusap.
Panuto: Piliin mula sa dahon ng kaalaman ang titik
ng salitang tinutukoy sa mga
pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot na titik sa
sagutang papel.

1. Nagsisimula sa eksposisyon, patungong


komplikasyon, kasukduklan, pababa sa kakalasan,
at tungong wakas

2. Elemento ng tekstong naratibo na gumaganap at


nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay

3. Pinakamadramang tagpo ng kuwento

4. Ginagamit ito upang maging makatotohanan ang


mga pangyayari sa pamamagitan ng mga tauhan
5. Naglalayong magsalaysay ng dugtong-dugtong at
magkakaugnay na pangyayari na maaaring
maglahad ng mga pangyayari sa kapaligiran o mga
personal na karanasan ng manunulat o ng isang
natatanging tao

6. Teknik sa paglalahad ng mga pangyayari na


maaaring gamitin sa tekstong naratibo

7. Porma ng paraan ng pagkakasunod-sunod ng


pangyayari sa paraan ng pagsasalaysay
8. Pinakamahalagang bahagi ng
tekstong naratibo

9. Ang isa sa mga halimbawa ng


salaysay na ito ay ang sulatin tungkol
sa paglalakbay

10. Ayon sa nais ng _______________


ang daloy ng pangyayari sa tekstong
naratibo
Mga kasagutan:
1.G
2.C
3.D
4.E
5.F
6.J
7.B
8.A
9.I
10.H
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
GAWAIN A:
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
Magbigay ng mga salitang maglalarawan ng iyong
nakita, naamoy, nalalasahan at nararamdaman.
Kalimitan sa mga pag-uusap, nagiging malinaw lamang ito kapag
sa pagsasalaysay ay maayos at mabisa ang paglalarawan.

Upang kalugdang basahin ang isang teksto mahalagang angkop


ang paggamit ng paglalarawan o deskripsyon sa katangian ng
mga bagay, lugar, tao, pangyayari o maging ang mga ideya, ito
ang layunin ng tekstong deskriptibo.
Tekstong deskriptibo ang pinakagamiting uri ng teksto dahil
makikita ito sa paglalarawan ng tauhan, tagpuan, damdamin at
iba pa sa pagsasalaysay ng tekstong naratibo.

Paglalarawan kung paano gawin ang isang bagay sa tekstong


prosidyural. Paglalarawan sa ipinaglalabang panig sa tekstong
argumentatibo at panghihikayat sa tekstong persweysib.

Paglalarawan ang ginagamit sa lahat ng uri ng teksto upang


tumatak sa isipan ng mambabasa ang imahe ng paksang
tinatalakay.
Ang tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang
uri ng teksto ay nagiging mahusay at malinaw sa
paggamit ng mga cohesive devices o kohesyong
gramatikal kung saan maiiwasan ang paggamit ng
isang salita nang paulit-ulit.
1. Anong uri ng paglalarawan ang tekstong Araw ng mga Puso?

2. Tukuyin ang mga cohesive devices na makikita sa teksto.


Kailan nagkakaroon ng kohesyon ang
tekstong deskriptibo?

3. Bakit ginagamit ang cohesive devices o kohesyong


gramatikal sa pagsulat ng nabasang teksto?

4. Paano nakatutulong ang angkop na paggamit ng


paglalarawan sa tekstong binasa upang
kalugdang basahin ito.
TEKSTONG
PROSIDYURAL

You might also like