Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat NG Komposisyon
Pagsulat NG Komposisyon
Pagsulat NG Komposisyon
KOMPOSISYON
BAKIT TAYO
NAGSUSULAT?
•Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng isip at
damdamin ng tao. Ang mga bagay na hindi natin kayang
sabihin nang pasalita ay ipinahahayag natin nang pasulat.
May mga bagay ring higit na angkop na isulat kaysa
sabihin. Bunga nito, ang pagsulat ay nagging isang
pangangailangan sa sibilisadong lipunan.
A. ANG
KOMPOSISYON
•Ang komposisyon ang
itinuturing na pinakapayak
na paraan ng pagsulat.
B. MGA TEORYA SA
PAGSULAT
•Masasabi na ang pagsulat ay isang aktibong gawain. Hindi
ito basta na lamang nangyayari. Nagsasangkot ito ng intens
na partisipasyon at imersyon sa proseso. Ang imersyong
ito sa pagsulat ay kadalasang:
1. Solitari at Kolaboratibo
2. Pisikal at Mental
3. Konsyus at Sabkonsyus
•Ipinaliwanag ni W. Rose Winteroud (sa
Bernales et al., 2002) ang mga lebel na ito.
Ayon sa kanya, ang proseso sa pagsulat ay
kinasasangkutan ng ilang lebel na gawain na
nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o
kasalungat ng bawat isa.
• Ayon naman kay Donald Murray (sa Bernales et al., 2002), ang pagsulat
ay isang eksplorasyon – pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma – at
ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa
mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan
kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon mapapalayag
nang episyente.
• Idinagdag pa ni Murray na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib o
paulit-ulit. Writing is rewriting, wika niya. Matapos di umanong
magsulat, magsisimula na naman ng panibago ang bagong pagsulat.
• Inilarawan pa ni Murray ang isang mabuting manunulat. A good writer is
wasteful.
C. ANG TALATA
• Angtalata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong
pagkukuro, palagay o paksang-diwa. Ang isang talata ay mauuri
ayon sa lokasyong katatagpuan nito sa loob ng isang
komposisyon. Kung gayon, ang talata ay maaaring mauring
Panimulang Talata, Talatang Ganap, Talata ng Paglilipat-
diwa at Talata ng Pabuod.
URI NG TALATA
1. PANIMULANG TALATA
Luha!
Salitang may apat na titik lamang datapuwa’t
naglalaman ng isang libo’t isang kahulugan
-Alejandro, 1948