Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

AGUSTIN, ALREGIE KEN

OCCIDA, SABINA CASIDI


ANO ANG TEKSTONG
DESKRIPTIBO?
Ang tekstong deskriptibo ay isang
pagpapahayag ng impresyon o kakintalang
likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang
amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala
ng sumusulat ang paglalarawang mga
detalye ng kanyang nararanasan.
PARAAN NG PAGLALARAWAN

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay


nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
bagay, lugar at maging ng mga katangiang
taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon ito sa tanong na “Ano”.
PARAAN NG PAGLALARAWAN

Batay sa PANDAMA
– nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at
narinig
Batay sa NARARAMDAMAN
– bugso ng damdamin o personal na saloobin ng
naglalarawan
Batay sa OBSERBASYON
– batay sa obserbasyon ng mga nangyayari
URI NG PAGLALARAWAN
KARANIWAN
 Karaniwan ang paglalarawan
 kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o
pangmalas.
SA KARANIWANG PAGLALARAWAN:

Ang damdamin at opinion ng


tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama.
Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at
karaniwang salitang panlarawan at itinala
ang mga bagay o ang mga particular na
detalye sa payak na paraan.
MASINING
Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng
isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may akda. Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita sa paglalarawan,
kabilang na ang paggamit ng mga uri, pang abay,
tayutay, at idyoma.
SA MASINING NA PAGLALARAWAN

Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng


isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may akda. Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita sa paglalarawan,
kabilang na ang paggamit ng mga uri, pang abay,
tayutay, at idyoma.
KATANGIAN NG DESKRIPTIBO
Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.

Masasabing obhetibo naman ang pagalarawan kung ito ay may


pinagbatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang lugar na inilalarawan ng isang
manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga
mambabasa, gagamit pa rin sya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa
lugar subalit hindi sya maaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng
kanyang mga paksa.
APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA
GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

WIKA
Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng
kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang
malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang uri at pang abay.

MAAYOS NA DETALYE
Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong
upang mailarawang ganap ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang
pagkalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na
pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay bagay na
inilalarawan.
APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA
GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

PANANAW NA PAGLALARAWAN
Maaring magkaiba iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, ppok, o pangyayari
salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook,
halimbawa, ay maaring maganda sa isang naglalarawan habang ang isa naman ay
hindi kung ito ay nagdulot sakanya ng isang di magandang karanasan.
ISANG KABUOAN O IMPRESYON
Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa
imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat
ang kanyang mga mambabasa o taga pakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng
impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama- sama na ang bisa ng wika,
maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
THAT’S ALL,
THANK YOU

You might also like