Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

EsP 8 – 2 Quarter

nd

Week 7-8
"Ang Mapanagutang Pamumuno at Mabuting
Tagasunod"
• Ang Mabuting Lider ay naglilingkod, nagtitiwala
sa kakayahan ng iba, nakikinig at nakikipag-
ugnayan nang maayos sa iba, magaling
magplano at magpasiya, nagbibigay ng
inspirasyon sa iba, patuloy na nililinang ang
kaalaman at kasanayan upang patuloy na
umunlad, may positibong pananaw, may
integridad, mapanagutan, handang
makipagsapalaran, inaalagaan at iniingatan ang
sarili, at mabuting tagasunod.
• Mahirap paghiwalayin ang pagtalakay sa mga konsepto
ng pagiging lider at tagasunod. Kung walang
tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Kailangan
din naman ng isang pangkat ang lider na magbibigay
ng direksyon. Hindi rin naman puwede na lahat ng
miyembro ng pangkat ay lider.

• Ang pamumuno o ang pagiging lider ay pagkakaroon


ng impluwensya. Kung mapalalawak ng isang tao ang
kaniyang impluwensya, mas magiging epektibo siyang
lider.
Uri ng Lider:
1. Pamumunong Inspirasyunal
- Nagbibigay ng inspirasyon at direksyon ang
ganitong uri ng lider. Nakikita niya ang
kahahantungan ng kanilang mga pangarap para sa
samahan. Nakikinig at pinamumunuan niya ang
mga kasapi ng kaniyang pangkat tungo sa
nagkakaisang layunin para sa kabutihang
panlahat.
2. Pamumunong Transpormasyonal
- Ang pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong
lider. May kakayahan siyang gawing kalakasan ang mga kahinaan
at magamit ang mga karanasan ng nakalipas, kasalukuyan, at
hinaharap upang makamit ang mithiin ng pangkat na
pinamumunuan.
3. Pamumunong Adaptibo
- Ibinabatay sa sitwasyon ang istilo ng pamumunong adaptibo.
May mataas na antas ng pagkilala sa sarili (self-awareness) at
kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery) ang lider na ito.
Mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ) at
personalidad na madaling makakuha ng paggalang at tagasunod.
Mga Kasanayang Dapat Linangin ng isang
Ulirang Tagasunod:
1. Kakayahan sa trabaho (job skills)
2. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
3. Mga pagpapahalaga (values component)
Mga Paraang Dapat Linangin ng
Mapanagutang Lider at Tagasunod Upang
Magtagumpay ang Pangkat:
1. pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang
malinaw at may paggalang
2. pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi
3. pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok nang
aktibo sa mga gawain
4. pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat
5. pagbabahagi ng mga impormasyon, karanasan, at
kaalaman sa ibang kasapi
6. kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang
matapos ang gawain
7. pag-unawa at pagtugon sa mga pagbabagong
kinahaharap ng pangkat
8. paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi
9. pagkakaroon ng komitment
10. pagtupad sa iniatang na tungkulin at pagiging
maaasahan
Laging tandaan na ang
isang Mabuting Lider ay isa
ding Mabuting Tagasunod...

You might also like