Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

MALIGAYANG PAGBABALIK

SA AKING KLASE!
Gawain: Picture Story
• Mula sa mga larawang ipakikita ng guro ay
gagawa ang mga mag-aaral ng isang kuwento
na may wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Angkop na mga Pahayag sa
Panimula, Gitna at Wakas ng
isang akda
MGA DAPAT TANDAAN BAGO MAGSIMULA
ANG KLASE
1. Makinig nang may pag-unawa sa guro.
2. Iwasan ang pakikipag-usap sa katabi habang
nagsasalita ang guro sa harapan.
3. Iwasan ang tumayo o lumabas kapag
nagsisimula na ang klase.
4. Masiglang makilahok sa mga gawain
Paglinang ng Talasalitaan

•Panuto: Tukuyin kung ano ang ibig


sabihin ng mga salitang may
salungguhit sa bawat pahayag.
1. Sa taglay na kayumian ni Maria'y
nagyuko ng ulo ang makisig na
binata.
•A. kasungitan
•B. kagandahan
2. Pagkalipas ng ilang araw
nahiwatigan nilang mayroon silang
nararamdaman sa isa’t isa.

•A. napagtanto
•B. nakita
3. Tinitimpi lamang nila ang
kanilang nararamdaman sa isa’t isa.

•A. pinipigilan
•B. hinahayaan
4. Si Maria ay hindi taga-lupa
bagama’t siya'y nakiki-ulayaw sa
mga tao.
•A. nakikipag-away
•B. nakikipaghalubilo
5. Ang pagsusuyuan ay nalaman ng
ama ni Maria.

•A. pag-uusap
•B. pagliligawan
kayumian - kagandahan
nahiwatigan - napagtanto
tinitimpi - pinipigilan
nakikiulayaw - nakikipaghalubilo
pagsusuyuan - pagliligawan
Gawain: Tukuyin Mo!
Panuto: Tutukuyin ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa
isang mitolohiya. Lalagyan ng bilang 1
hanggang 3 ang mga kahon.
Angkop na mga Pahayag sa
Panimula, Gitna at Wakas ng
isang akda
Simula
• Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha
ang interes ng tagapakinig o ng mambabasa.
• Maaaring simulan ito sa mga salitang:
Noong una
Sa simula pa lamang
Noong unang panahon
Gitna
• Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang kawing-
kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan.
• Dito malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo
ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o
matututo ang katunggaling tauhan habang tumataas
ang pangyayari.
Gitna
• Maaaring gamitin ang mga salitang:
• kasunod
• pagkatapos
• walang ano-ano
• at iba pa na mahuhudyat ng kasunod na
pangyayari
Wakas
• Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan
ng tagapakinig o ng mambabasa.
• Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o
magpababago sa kalooban at isipan ng lahat na ang
kabutihan ang magwawagi at may kaparusahan ang
gumagawa ng masama.
• Maaaring gumamit ng
sa huli
sa wakas
Mga Pahayag sa Panimula, Gitna at Wakas
SIMULA GITNA WAKAS
Noong una kasunod Sa huli
Sa simula pa pagkatapos Sa wakas
lamang
Isang araw walang ano-ano Ang pagtatapos
Noong unang mayamaya Sa katapusan
panahon
Paglalahat
Panuto: Buuin ang larawan ni Maria
Makiling sa pamamagitan ng pagsusunod-
sunod ng mga pahayag upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin
Mga Pokus na Tanong
• 1. Bakit kailangan nating matutunan ang mga
angkop na pahayag sa panimula, gitna at wakas ng
isang akda?

• 2. Paano nakatutulong ang mga angkop na pahayag


sa panimula, gitna at wakas ng isang akda sa iyong
buhay bilang mag-aaral?
Paglalapat
• Panuto: Bumuo ng mga sanaysay gamit ang
angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at
wakas ng isang akda.
Unang Pangkat:
Panuto: Gumawa ng mga hakbang sa paggawa ng
travel brochure gamit ang mga angkop na mga
pahayag sa panimula, gitna at wakas ng mga
pangyayari. Isulat ang sagot sa manila paper
pagkatapos ay iulat ito sa klase.
Pangalawang Pangkat:
Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawan, gumawa ng isang
kuwento gamit ang mga angkop na pahayag sa panimula, gitna at
wakas ng isang akda. Isulat ang sagot sa manila paper pagkatapos
ay iulat ito sa klase.
Pangatlong Pangkat:
• Panuto: Gumawa ng mga hakbang sa pagluto ng
kahit na anong ulam na gusto niyo gamit ang
angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at
wakas. Isulat ang sagot sa manila paper pagkatapos
ay iulat ito sa klase.
Pang-apat na Pangkat:
• Panuto: Isalaysay ang mga nakagawiang gawain ng
mga Pilipino tuwing pasko. Isulat ang sagot sa
manila paper pagkatapos ay iulat ito sa klase.
Pagtataya
Panuto: Punan ng angkop na pahayag para sa simula,
gitna, at wakas ang mga patlang upang mabuo ang
diwa ng talata. Piliin sa kahon ang tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
Takdang Aralin
Panuto: Sa isang buong papel. Bumuo ng isang
editorial na nanghihikayat sa pag-aalaga sa kalikasan
gamit ang angkop na mga pahayag sa panimula,
gitna at wakas ng isang akda.

You might also like