Professional Documents
Culture Documents
AP Powerpoint
AP Powerpoint
AP Powerpoint
KASALUKUYANG PANAHON
Presented By: Group 2
2010-KASALUKUYAN (PAMUMUNO NI
BENIGNO AQUINO III
Sa ilalim ng pamumuno ni Benigno Aquino III, ang rate ng paglago ng GDP ng
Pilipinas noong 2012 ay 6.8 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya.
Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang
pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng
pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas rin ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10
punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa
unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay
sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang
pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korupsiyon na muling nagbigay ng
pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang
mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng
ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at
mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na
ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay
lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas
na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng
76.5 porsiyento ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi
pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand,
ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento
sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento
lamang.
Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2 porsiyento mula 6.8 posiyento noong
2012 na ang pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas
mula noong 1950. Ayon sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas
mula 21.7 porsiyento (9.6 milyong katao) noong Setyembre 2013 sa 27.5 porsiyento
ANG PAMUMUNO NG KASALUKUYANG
ADMINISTRASYONG 2016
Ang Administrayong Rodrigo Duterte na bagong halal na
pangulo ng Pilipinas ay maituturing rin na kontrobersyal dahil sa
maanghang na pananalita ng pangulo laban sa bansang Amerika
at European Union. Ang balita tungkol sa ekonomiya ng bansa sa
mga panahong ito ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa
pangkalahatang kategorya. Kabilang ang mga suliranin sa trabaho
patungkol sa end of contract o endo, ang paglutas sa droga at iba
pang uri ng krimen ng bansa at higit sa lahat ay ang pagtigil ng
pangulo sa Amerika bilang ka-partner ng bansa. Maraming hindi
makaunawa sa mga pagbabagong ito subalit ang mga Pilipino ay
may mataas na pagtitiwala sa pangulo ng Pilipinas ngayon.
Iba’t-iba man ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng bansa iisa
pa rin ang inaasahan ng mga Pilipino at ito ay ang pagkakaroon
ng maunlad na ekonomiya. Ang mga maling nagawa ng mga
nagdaang presidente ng Pilipinas ay inaasahang hindi na mauulit
at mapapalitan ng mga tamang pamamaraan upang ang pag-unlad
ay makamtan ng lahat. Ang balita patungkol sa ekonomiya ay
pabago-bago kung kaya’t nararapat lamang na ito ay mabantayan
upang magkaroon agad ng kalutasan ang mga suliraning
maaaring danasin ng bansa.
MGA PROBLEMA NG PILIPINAS
Unemployment