Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

ARALING

PANLIPUNAN 7
MA’AM ARELLANO
BALITAAN
BALIK-ARAL
AKTIBITI:
SIPAT-SURI
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng larawan?
2. Ano ang iyong pagkakaunawa sa mga
larawan?
3. May pagkakaiba ba sa ipinapakita ng
dalwang larawang ito?
MGA KABABAIHAN
NOON AT NGAYON
Pagkatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga
kababaihan noon at ngayon.
2. Napaghahambing ang pamumuhay ng kababaihan noon at
ngayon gamit ang t-chart
3. Napapahalagahan ang gampanin ng mga kababaihan noon
hanggang ngayon.
Sa pangkalahatan, ang pag-unlad sa papel ng
kababaihan ay nagpapakita ng mas
malawakang pagtanggap, respeto, at
oportunidad sa kanilang sining at kakayahan
sa iba't ibang larangan ng buhay.
1. EDUKASYON
a. Noon: Maraming kababaihan ang hindi pinapayagang
mag-aral nang mataas na antas, ngunit sa paglipas ng
panahon, nagbukas ang mga pinto ng edukasyon para
sa kanila.
b. Ngayon: Maraming kababaihan ang may access sa
mataas na kalidad ng edukasyon, at ang gender gap sa
larangan ng edukasyon ay unti-unti nang lumiliit.
2. TRABAHO
a. Noon: Ang ilang trabaho ay itinuturing na "di-
nararapat" para sa kababaihan, at maraming limitasyon
sa kanilang karapatan sa pagtatrabaho.
b. Ngayon: Mas maraming oportunidad sa trabaho ang
bukas para sa mga kababaihan. Mas pantay na ang
pasahod sa maraming lugar, at may mas malawak na
pagtanggap sa kanilang papel sa iba't ibang industriya.
3. PAMILYA
a. Noon: Ang pagpapalaki ng mga anak at pag-aalaga
sa bahay ay itinuturing na pangunahing papel ng
kababaihan, na maaaring maging hadlang sa
kanilang karera.
b. Ngayon: Maraming kababaihan ang
nakikipagtrabaho at nagtatagumpay sa kanilang mga
karera habang nagtataguyod pa rin ng pamilya.
4. Karapatan:
a. Noon: Ang mga kababaihan ay maaaring
limitado ang karapatan sa pagmamay-ari at
desisyon, na kadalasang naka-depende sa
kanilang mga ama o asawa.
b. Ngayon: Ang mga kababaihan ay may mas
mataas na kamalayan sa kanilang mga
karapatan.
Ang pag-usbong ng papel ng kababaihan sa
lipunan mula noon hanggang ngayon ay
nagpapakita ng malaking pagbabago at
progresong naganap sa mga huling dekada.
Anong buhay meron ang mga sinaunang
kababaihan?

Anong buhay naman meron sa mga


kababaihan ngayon?
• May mga sinaunang pamumuhay pa rin ba ng
mga kababaihan ang patuloy pa rin ginagawa ng
mga kababaihan ngayon?
• Bilang isang mag-aaral ng Araling Panlipunan,
naniniwala ka bang may mga kababaihan pa rin
sa ating lipunang nakararanas ng
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay?
GAWAIN
PANUTO: Punan ang talahayanan ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng
sinaunang pamumuhay ng mga kababaihan at
buhay ng mga kababaihan ngayon. Isulat ito sa
sagutang papel.
SINAUNANG BUHAY NG
PAMUMUHAY NG MGA MGA KABABAIHAN
KABABAIHAN NGAYON

1.
1.

2.
2.

3.
3.
Panuto: Tukuyin ang bawat pangungusap. Isulat
ang S kung ito ay tumutukoy sa sinaunang
pamumuhay at N kung ngayong pamumuhay.
1. Ang mga kababaihan ay may mas mataas na
kamalayan sa kanilang mga karapatan
2. Maraming kababaihan ang hindi pinapayagang
mag-aral nang mataas na antas,
3. Ang pagpapalaki ng mga anak at pag-aalaga
sa bahay ay itinuturing na pangunahing papel ng
kababaihan.
4. Mas maraming oportunidad sa trabaho ang
bukas para sa mga kababaihan, at mas pantay
na ang pasahod sa maraming lugar.
5. Ang mga kababaihan ay maaaring limitado ang
karapatan sa pagmamay-ari.
Tamang sagot
1. N
2. S
3. S
4. N
5. S
TAKDANG-ARALIN:
Mag-aral at magsaliksik tungkol sa
susunod na talakayan, ang mga
Samahan ng Kababaihan sa TImog
at Kanlurang Asya.

You might also like