Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

GAWAIN : LARAWAN KO!

SIMBOLO KO!
Panuto. Ibigay lamang ang mga
katangian ng tao na sinisimbolo
ng mga hayop na inyong
makikita sa larawan.
Sinisimbolo ng katangian ng tao:
matapang
Sinisimbolo ng katangian ng tao:
MALIKSI
Sinisimbolo ng katangian ng tao:
MASIPAG
Kahulugan ng pabula at
kaligirang pangkasaysayan ng
pabula at ang bansang KOREA
PABU
LA
KASAYSAYAN NG PABULA SA KOREA
 Ang mga hayop ay hindi lamang
mga nilikhang gumagala sa
kapatagan at kabundukan.
 Ang mga ito ay simbolong ugnayan
sa bansa at sa mga mamamayan
nito.
 Sa Korea mahalaga ang
ginagampanan ng mga hayop sa
kanilang mitolohiya at kuwentong
bayan
 Ayon sa kanilang paniniwala, noong
unang panahon daw ay may isang
tigre at oso na nagnais maging tao.
KASAYSAYAN NG PABULA SA
KOREA
 Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na
si Hwanung (diyos ng kalangitan) ay
humiling ang isang tigre at isang oso na
maging tao.
 Ang sabi ni Haswanin ay magkulong sa
kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw.
 Dahil sa marubdob na pagnanasang maging
tao ay sumunod sa ipinag-utos ng dalawa.
 Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad
ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa
loob ng kuweba ang oso.
KASAYSAYAN NG
PABULA SA KOREA
 Pagkalipas ng 100 na araw ay may
isang napakagandang babae ang
lumabas sa kuweba.
 Ang babae ay natuwa sa kaniyang
itsura at kinausap muli si Hwanin.
 Nagpasalamat siya sa diyos at muling
humiling na sana ay magkaroon siya
ng anak.
KASAYSAYAN NG
PABULA SA KOREA
 Pinababa sa lupa ng diyos ang kanilang
anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng
kalangitan) at ipinakasal sa babae.
 Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun.
 Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang
dito nagsimula ang pagkakaroon ng
simbolong hayop ang iba’t ibang dynastiya
sa Korea.
KAHULUGAN NG PABULA
Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa
daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si
Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga-
India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay
tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng
mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.

Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa
Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang
aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-
isip lamang, karaniwang isinasalaysay sa mga
kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng
pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang
mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o
sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao.
Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula”
Ahas- karaniwan nang
nangangahulugan ng
isang taong taksil

Pagong-
nangangahulugang
makupad
Kalabaw-
nangangahulugang
matiyaga

Palaka- naman
ay mayabang
SA MGA BAGAY:
Rosas ay kumakatawan
sa babae at sa pag-ibig.

Bubuyog ay isang
mapaglarong
manliligaw.

Itinuturo ng pabula ang tama,
patas, makatarungan, at
makataong ugali at pakikitungo
sa ating kapwa.
Ang mga pabula ay lumaganap
dahil sa magagandang aral sa
buhay na ibinibigay nito.

You might also like