Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

GAMIT NG

PANGNGALAN
PANGUNGUSAP
SIMUNO AT PANAGURI
HALIMBAWA:
• Ang magkapatid at ang kanilang pinsan ay masayang naglalaro.
• Sina ate at kuya ay naglilinis sa labas ng bahay.
• Si Crystal ay nagluluto ng masarap na ulam .
GAMIT NG PANGNGALAN
SIMUNO KAGANAPANG PANSIMUNO

PAMUNO SA SIMUNO LAYON NG PANDIWA

PANGNGALANG PANTAWAG LAYON NG PANG-UKOL


SIMUNO
Kung ang pangngalan ay ang paksa o pinag-uusapan sa
pangungusap.
MGA HALIMBAWA:
• Si Athena ay natagpuan sa tabing-dagat.
• Muntik na masagasaan ang aso.
PAMUNO SA SIMUNO
Ito ang pangngalang tumutukoy sa simuno ng pangungusap.

MGA HALIMBAWA:
• Si Ginoong Gremar, ang aming guro, ay napakahusay.
• Si Sophia, ang pangulo ng klase, ay matalinong bata.
PANGNGALANG PANTAWAG
Ito ang pangngalang ginagamit na panawag sa pangungusap.

MGA HALIMBAWA:
• Lawrence, pakiabot ng aklat sa ibabaw ng lamesa.
• Georgina, mag-ingat ka dahil malakas ang bagyo.
KAGANAPANG PANSIMUNO
Kung ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa panaguring
tinutukoy ay iisa lamang.

MGA HALIMBAWA:
• Si Amara ay prinsesa ng karagatan.
• Masipag at mabuting bata si Inigo.
LAYON NG PANDIWA
Kung ang pangngalan ay ang tumatanggap ng kilos at kasunod ng
pandiwa. At sumasagot ito sa tanong na ANO.

MGA HALIMBAWA:
• Sumulat si Aerys ng liham-pangangamusta sa kanyang kaibigan.
• Si Dani ang kumain ng pansit.
LAYON NG PANG-UKOL
Ito ang pangngalang ginagamit kasunod ng pang-ukol sa
pangungusap.
MGA HALIMBAWA:
• Tungkol sa kaarawan ni Elija ang pag-uusapan mamaya.
• Ang konting pagkain at inumin ay para kay Lolo Austine.

You might also like