Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

ANG

PAMAMAHALA NI
MANUEL A. ROXAS
(1946-1948)
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay
inaasahang makagagawa ng mga
sumusunod:
1. Makatutukoy ang mga patakarang
pangkabuhayan na ipinatupad ni
Pangulong Manuel Roxas; at
2. Makapagbibigay ng mga dahilan
kung bakit sinasabing makaAmerikano
si Pangulong Manuel Roxas.
Hulyo 4, 1946
- ginanap ang talumpati ni
Manuel Roxas bilang
pangulo ng Ikatlong
Republika.
Manuel Roxas
- Bilang Unang Pangulo
ng Ikatlong Republika
(1946- 1948)
-pinakahuling pangulo
ng Pamahalaang
Komonwelt
- naitatag sa balikat ni
Pangulong Roxas
ang napakalaking
hamon ng paglutas sa
mga pangunahing
suliranin ng bansa
dulot ng digmaan.
dalawang pangunahing
layunin ng kanyang
administrasyon
Pangulong Manuel
Roxas
1. mapalaki ang produksyon at
maibangong muli ang
industriyang winasak ng
digmaan.
2. patuloy na pagsuporta sa mga
adhikain tungo sa isang
mapayapang daigdig sa
pamamagitan ng pakikiisa sa
Estados Unidos.
Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin
na lutasin ang mga suliraning
pangkabuhayan:
1.nagpatupad si Roxas ng mga programang
pang-elektripikasyon,
2.mga pagsasanay sa mga gawaing
bokasyonal,
3.pag-aanyaya sa mga dayuhang kapitalista
gaya ng mga Amerikano na magtayo ng
kanilang negosyo dito sa bansa.
Maka-Amerikano si Roxas.
- Ito ay naging malinaw sa
mga Pilipino noong inihayag
niya sa kanyang talumpati na
dapat sumunod ang mga
mamamayan sa Estados
Unidos at sa adhikain nito.
Treaty of General Relations.
- Ayon sa kasunduan, binawi at
isinuko ng Estados Unidos ang
kanyang pag-aari, pangangasiwa,
pananakupan at kapangyarihan sa
buong kapuluan maliban lamang sa
mga base militar na mananatiling
tagapagtanggol ng Pilipinas at
Estados Unidos.
Habang hindi pa
nakapagtatatag ng
serbisyong diplomatiko ang
Pilipinas sa ibang bansa,
kakatawanin muna ng
Estados Unidos ang interes ng
Pilipinas sa mga bansang
wala itong kinatawan.
 Sa kabilang dako, pumayag ang
Pilipinas na akuin ang lahat ng
pagkakautang ng lungsod,
munisipalidad at lalawigan na umiral
noong Hulyo 4, 1946.
 Sumang-ayon din ang Pilipinas na
ipagpatuloy ang lahat ng obligasyon
ng Estados Unidos na nakapaloob sa
kasunduan ng Paris, noong
Disyembre 10, 1898.
Sa pamamagitan ng
Kasunduang General
Relations, opisyal na
kinilala ng Estados Unidos
ang kalayaan ng Pilipinas.
Marso 11, 1947
-naisulong ni Roxas ang
pagpapatibay sa Parity Rights
kahit sa gitna ng pagtutol
nina:
1. Luis Taruc,
2. Claro M. Recto
3. Sergio Osmeña,
Ang susog ng Parity
Rights ay nagbigay ng
pantay na karapatan sa
mga Amerikano sa
paglinang sa mga likas na
yaman ng bansa.
Bell Trade Act of 1946
- na ipinanukala niKongre-
sista Jasper Bell ng Missouri.
- Ito ay nagtatadhana ng
pagkakaroon ng malayang
kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at
Estados Unidos mula Enero 1946
hanggang Hulyo 1954.
- Sa ilalim ng kasunduan, ang
mga taripa sa iba’t ibang
produktong Amerikano at
Pilipino ay taunang
madaragdagan ng 5 %
hanggang maging 100 %
pagsapit ng 1974.
Tydings Rehabilitation of Act 1946
- nilagdaan din ni Pangulong
Truman
- ito ay nagtatadhana ng
pagtanggap ng Pilipinas ng $620
milyon mula sa ang Estados Unidos
upang maipagawa ang mga
napinsala ng digmaan at maibalik muli
ang mga palingkurang-bayan.
Sa gitna ng pandaigdigang krisis at
kaguluhan noong 1948, naanyayahang
magpahayag ng katapatan si Pangulong
Roxas sa Estados Unidos sa Kelly
Theater sa Clark Air Base noong Abril
15, 1948. Kinagabihan, habang si
Roxas ay nagpapahinga, siya ay inatake
sa puso na naging sanhi ng kanyang
maagang kamatayan.
Tandaan Mo!
May dalawang pangunahing layunin ang
administrasyong Roxas:
1. ang mapalaki ang produksyon at
maibangon muli ang mga industriyang
winasak ng digmaan
2. patuloy na sumuporta sa mga adhikain
na nagsusulong sa isang mapayapang
daigdig sa pamamagitan ng pakikiisa
sa Estados Unidos.
Naipatupad sa panahon ni Roxas
ang Treaty of General Relations sa
pagitan ng Pilipinas at Estados
Unidos.
Ang Parity Rights naman ay
nagbigay ng pantay na karapatan
sa mga Pilipino at Amerikano sa
paggamit ng mga likas na yaman
ng bansa sa mga gawaing pang-
industriya.
Ang Bell Trade Act of 1946 at Tydings
Rehabilitation of Act 1946 ay ilan
sa mga batas na nilagdaan ng mga
Amerikano para sa mga Pilipino
noong panahon ng panunungkulan ni
Pangulong Roxas.
Hindi natapos ni Roxas ang kanyang
panunungkulan sapagkat siya ay
binawian ng buhay noong Abril 15,
1948 dahilan sa atake sa puso.
Gawain 1:
Pag-isipan Mo!
Ano ang naaalala mo tuwing
Hulyo 4? Magtala ng tatlo.
1.)__________________________
2.)__________________________
3.)__________________________
Gawain 2:
Pagpapalalim ng Kaalaman
Naniniwala ka ba na maka-Amerikano
si Pangulong Roxas? Magbigay ng mga
patunay.
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
EBALWASYON
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Nagbigay ng pantay na karapatan
sa mga Pilipino at Amerikano sa
paggamit ng mga likas na yaman ng
bansa sa mga gawaing pang-
industriya.
A. Parity Rights
B. Bell Trade Act of 1946
C. Tydings Rehabilitation of Act 1946
2. Ilang milyon dolyar ang ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas upang maipagawa ang mga napinsala ng digmaan at maibalik muli ang
mga palingkurang-bayan.
A. $610 milyon
B. $620 milyon
C. $600 milyon
3. Bakit hindi natapos ang panunungkulan ni Pangulong Manuel Roxas?
A. Dahil pinababa siya ng taong
bayan.
B. Dahil maaga siyang namatay.
C. Dahil nangingibang bansa si
Manuel Roxas.
4. Kasunduan na ipinanukala ni
Kongresista Jasper Bell ng
Missouri.
A. Parity Rights
B. Bell Trade Act of 1946
C. Tydings Rehabilitation of Act
1946
5. Ang mga sumusunod ay ang mga tumututol ng naisulong ni Roxas ang pagpapatibay sa Parity Rights noong Marso 11, 1947, maliban sa isa.
A. Luis Taruc
B. Claro M. Recto Sergio
C. Pangulong Truman
TAKDANG-ARALIN:
Sumulat ng
talambuhay ni Manuel
Roxas. Magsaliksik kung
kinakailangan.
MARAMING
SALAMAT!!!

You might also like