Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 49

MAPEH MUSIC WEEK 8

Ang ating leksiyon sa araw na


ito ay tungkol sa Paggawa ng
Simpleng Melodiya
Balik Aral

Sa nakaraang aralin napag-aralan natin ang


tungkol sa Pentatonic Scale, C major scale at
G major scale.
GAWIN
Panuto: Tukuyin kung ito ay pentatonic, C Major,
at G Major scale
TRIVIA

Alam nyo ba paano makagawa ng isang


simpleng melodiya gamit ang iba’t ibang uri
ng notes? Ang layunin natin sa araling ito kayo
ay inaasahangmakagagawa ng simple
melodygamit ang iba-ibanguri ng note?
Sagutin ang mgasumusunod:
1. Ano-ano ba ang iba’t-ibang time
signatures na nalalaman nyo?
2. Ano naman ang key signatures?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng note
at ang katumbas nilang kumpas.
Iba’t-ibang Time Signatures
Iba’t-ibang Key Signatures
Mga Notes at Katumbas na Halaga Nito
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang time signature ng melodiya? ____________
2. Ilang kumpas mayroon ang bawat measure ayon sa
time signature na ginamit? ___________
3. Ibigay ang key signature at home tone ng melodiya.
____________________
4. Ano-anong uri ng mga notes ang ginamit upang
mabuo ang melodiya? Ibigay ang halaga ng bawat note.
Pagsasanay
1. Awitin ang mga notes sa musical staff.
2. Ibigay ang halaga ng bawat note.
3. Suriin ang halimbawa ng melodiyA
Sa pagbuo ng simple melody, maaari mong
gamitin ang iba’t ibanguri ng notes.
Mahalagang pumili ng nais na Time Signature,
Key Signature at Scale upang maging maayos
ang paggawa ng simple melody. Ang paglalapat
ng liriko ay makatutulong sa lalong ikakaganda
ng nilikhang melody.
MAPEH ARTS
WEEK 8
Ang ating leksiyon sa araw na
ito ay tungkol sa Kaibuturan sa
Larawang Ipininta (Foreground,
Middle Ground, at Background)
Noong nakaraang aralin ay tinalakay natin ang
tungkol sa complementary colors.

Ano ang ibig sabihin ng complementary colors?

Ano-ano ang mga kulay na direktang nakaharap sa


color wheel?
Tingnang mabuti ang mga larawan
Sagutin ang mga tanong: Ano ang iyong nakikita sa
pinakaharap na bahagi ng larawan?
__________________________________________________
_

Ano ang iyong nakikita sa bandang gitnang bahagi ng larawan?


__________________________________________________
_

Ano ang iyong nakikita sa pinakalikurang bahagi ng larawan?


________________________________________
Ang espasyo bilang elemento ng sining, ay ang
distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay
sa isang likhang sining. Para sa isang pintor,
ang anyong mabubuo ng espasyo ay
kasinghalaga rin ng hugis ng mga bagay na
kaniyang iguguhit.
Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay
naipakikita sa pamamagitan ng paglalagay ng
foreground, middle ground, at background. Ang mga
bagay sa foreground ay kadalasang malalaki at
pinakamalapit sa tumitingin. Ang bagay naman na nasa
background ay nasa likod at kadalasan maliit. Ang
middle ground naman ay may katamtaman ang laki ng
mga bagay na nasa pagitan ng foreground at background.
Pagpipinta ng Tanawin sa Komunidad
Ang kultural na pamayanan ay may kaniya-
kaniyang pinagmamalaking obra. Ang
kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng iba’t
ibang linya, kulay, at hugis. Ito ay hango sa
kanilang kalikasan o kapaligiran.
Pagguhit ng Isang Pamayanang Kultural

Mga Kagamitan: papel o bondpaper, lapis at pambura, at ruler

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa pagguhit.
2. Maglagay ng mga palatandaan sa mga dakong paglalagyan ng paksa sa
background, middle ground, at foreground.
3. Siguraduhing nasusunod ang mga pamantayan sa pagguhit gamit ang
balance sa larawan.
4. Mag-isip ng kawili-wiling tanawin sa inyong lugar na makikita
sa mga pamayanang kultural na nais mong iguhit.
5. Lagyan ng pamagat ang natapos na likhang-sining.
6. Maghanda sa pag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa inyong
nabuong guhit.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik
ng tamang sagot
MAPEH PE
WEEK 8
Ang ating leksiyon sa araw
na ito ay tungkol sa
Luksong Tinik
Tingnan ang larawan!
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang ginagawa ng
mga bata sa larawan? 2. Anong
tawag sa larong ito?
3. Alam mo ba kung paano ito
lalaruin?
Luksong Tinik
Ang Luksong Tinik ay nilalaro ng dalawang grupo.
Isang grupo para sa paglukso at isang grupo naman
para magsilbing tinik. Ang dalawang manlalaro ay
magsisilbing tinik sa pamamagitan ng kanilang
mga kamay at paa. Luluksohan naman nito ng
ibang manlalaro. Matataya lang ang isang grupo
kung masalat nila ang tinik habang lumulukso
Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang grupo.
2. Ang bawat grupo ay dapat may dalawang
manlalaro.
3. Ang dalawang grupo ay mag-bato-bato
peyk muna. Ang matalo ay siyang unang taya
at magsilbing tinik na luluksuhan ng nanalo.
4. Ang magsilbing tinik na gagawin ay ang mga paa at
kamay lamang. Ang mga tinik ay magsisimula sa paa at
madagdagan ito nang madagdagan gamit ang kamay
kung hindi pa nasalat ang tumatalon.
5. Matataya lang ang isang grupo o tumatalon kung
masalat nila ang tinik habang lumulukso.
Sa paglalaro ng Luksong Tinik kinakailangan ang
mataas na talon at lundag para hindi masalat sa
mga tinik na ginagawa ng mga katunggali.
Kinakailangandinngsapatna pag-iingat para hindi
masaktan. Mahalaga rin ang pagkakaisa
oteamwork dahil isa itosa mga susi upang manalo
sa laro.
Huwag kalimutan, manalo o matalo dapat manaig parin ang
pagiging maka-sportmanship o katangian ng isang mabuting
manlalaro. Hindi dapat magagalit kung matalo man sa laro,
matuto tayong tumanggap sa pagkakatalo o pagkakamali dahil
hindi lahat ng panahon ay pumapanig sa atin. Ang pagkatalo ay
dapat isiping isang aral na mag-uudyok sa atin na magsanay ng
mabuti upang maging magaling at manalo sa susunod na laro na
gagawin.
MAPEH HEALTH
WEEK 8
Ang ating leksiyon sa araw na ito ay
tungkol sa Negatibong Epekto sa
Kalusugan ng Maaga at Di-
inaasahangPagbubuntis
BALIKAN

Direksiyon: Sagutin ang mga tanong

1. Ano-ano ang mga pagbabagong pisikal, sosyal, at


emosyonal ang nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata?
2. Naranasan mo na rin ba ang mga pagbabagong ito?
Tukuyin at lagyan sa tsek (/) kung alin sa mga grupo ng mga salita sa
loob ng kahon ang makatutulong upang maiwasan ang maaga at di-
inaasahang pagbubuntis.
Maraming paraan para maiwasan ang
maagang pagbubuntis ng isang batang-
batang tulad mo at isa sa pinakamabisang
paraan ay ang sekswal napagpipigil o yung
pag-iwas sa pakikipagtalik sa murang eded.
Ngunitpaano ito magkakaroon ng katuparan?
Kailangang isaisip natin na mas madaling magpalaki ng
malusog at masayang anak kung pareho na kayong handa na
magsimula ng pamilya. Kung iniisip mo nang magkaanak,
narito ang ilang dapat ding pag-isipan:

• Makakapagpatuloy ka bang pag-aaral?


• Paano sasagutin ang mga bagay na kailangan ng sanggol—
pagkain, damit, tirahan, at iba pa?
• Handa ka na bang magbigay ng emosyonal nasuporta na
kailangan ng sanggol para lumaking malusog?
• Tutulong ba ang kapartner mo sa pagpapalaki ng
anak?
• Paano makakatulong ang pamilya mo?
Panganib sa Kalusugan mula sa Maagang Pagbubuntis

Hindi pa handa para sa ligtas at malusog na panganganak ang


katawan ng karamihan ng mga batang babae. Mas malamang
magkaroon ng eclampsia (na sanhi ng kombulsyon) ang mga
kabataang ina.

Dahil maaaring maliit pa ang katawan nila para makalabas ang


sanggol, mas madalas makaranas ang mga nanay na mas bata pa sa 17
ng matagal at mahirap na labor at baradong panganganak. Kung
walang tulong medikal, maaaring mamatay ang babae sa alinman sa
mga ito.
Maaari ring masira ang puwerta ng baradong
panganganak, kaya tatagas ang ihi at dumi. Mas
malamang na sobra ng liit o premature ang sanggol
mula sa nanay na mas bata sa 17. Kung buntis ka na,
sikaping magpatingin sa bihasa na komadrona
(midwife) o health worker o kaya’y magsadya sa
pinakamalapit na ospital sa inyong barangay.
Gamit ang graphic organizer, talakayin at isulat ang negatibong
epekto ng maaga at diinaasahang pagbubuntis.
Lagyan ng masayang mukha kung nagpapakita ng wastong
paraan ng pag- iwas sa maaga at di-inaasahang pagbubuntis at
malungkot na mukha kung hindi.
________1. Iwasang maabutan ng dilim sa daan.
________2. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa
gimmick.
________3. Makinig sa payo ng magulang.
________4. Mag-boyfriend lamang pag nasa wastong gulang
na.
________5. Iwasang sumama sa boyfriend kung saan-saan.
________6. Makipag-inuman sa barkada at kaibigang
lalaki.
________7. Iwasang maglakad sa madidilim na kalsada
at lugar.
________8. Ipaalam sa magulang ang mga pupuntahan.
________9. Iwasan ang pakikipagtalik.
________10. Piliin ang iyong sinasamahang mga
kaibigan.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like