Professional Documents
Culture Documents
Radio Broadcasting
Radio Broadcasting
Region V
CHAMSOMANG CHRISTIAN SCHOOL OF BALAOGAN
INC.
Balaogan Bula, Camarines Sur
Division of Camarines Sur
“The School that Brings Hope for the Future”
Filipino 8
Modyul
Ikaapat na Markahan
15
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kawili-
wiling Radio Broadcast
Pangalan:
Petsa:
Magandang Buhay! Handa ka na ba sa mga gawain natin sa linggong ito? Halina’t
ating tuklasin ang mundo ng radio broadcasting!
Ang radio ay isang uri ng teknolohiyang ginagamit sa komunikasyon na maaaring magpahayag ng
mensahe, balita, patalastas, palabas, musika at iba pa sa tulong ng tinatawag na radio waves. Radio
broadcasting naman ang tawag sa pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na bilang
ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng radyo. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kahulugan at
mga angkop na salitang ginagagamit sa radio broadcasting.
Aalamin din natin ang iba’t ibang hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio
broadcast.
Siguradong mag-eenjoy ka sa mga paksang ito!
Sa
araling ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nakakikilala sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast.
2. Nakabubuo ng isang balita ukol sa mga kasalukuyang pangyayari sa sariling komunidad sa
pamamagitan ng broadcasting.
3. Nakapagpahahalaga sa mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast.
Atin ng Suungin!
GAWAIN 1.
Panuto: Lagyan ng check (/) ang bilang na nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa Radio
Broadcast at ekis(x) ang hindi. Gamitin ang iyong kwaderno sa pagsusulat ng sagot.
GAWAIN 2.
Pansinin ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Mga tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
Ang radio ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan
ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Mauunawaan ang gampanin ng radio bilang gabay
sa kamalayang panlipunan. Ang pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na bilang ng
mga tagapakinig sa pamamagitan ng radyo ay tinatawag na radio broadcasting. Ito ay isang paraan
upang maparating o mapadalhan ng mga impormasyon ang mga tao tungkol sa mga isyung
panlipunan, balita, at iba pang makabuluhang pangyayari sa kapaligiran at sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng radio broadcast, malalaman ng tao ang mga papasok na sakuna at kalamidad
sa bansa gayundin ang pagpapabatid sa takbo at kalagayan ng panahon. Sa pamagitan ng balita dulot
ng radio broadcast, makapaghanda agad-agad ang mga tao sa paparating na kalamidad o
sakuna. Nalalaman din ng tao ang mga impormasyon tungkol sa mga programa at proyekto ng
pamahalaan tungo sa kaunlaran ng bansa. Ito rin ay nagbibigay kasiyahan sa mga tao sa isang
kumunidad sa pamamagitan ng mga tugtog ng musika at iba pang mga programang panradyo. Ang
mga patalastas tungkol sa mga makabagong produkto ay maari ring idaan sa radio broadcast.
Sa pagsasagawa ng isang radio broadcast, kailangang isaalang-alang ang mga mahalagang bagay gaya
ng sumusunod.
1. Pag-aralan ang mga gamit sa radio broadcasting at maging pamilyar sa mga ito. Ihanda ang
mga kagamitan tulad ng mikropono, speakers at iba pang mahalagang kagamitan;
Magtakda ng isang call sign at frequency ng estasyon.
2. Maging maingat sa pagsasalita at paggamit ng mga salita dahil iba-iba ang mga tagapakinig.
Sa pagbroadcast, ang mga DJ ay kailangang maging malinaw at malumanay ang pagsasalita
upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig. Kailangang maging handa sa pagbasa
sa mga sulat mula sa tagapakinig. Ang mga awiting patugtugin ay kailangang nababagay
sa panahon at tagapakinig. Iwasang magsalita na parang galit. Sa pagbobroadcast,
iwasang gumamit ng malalaswang pananalita. Magpatugtog ng musikang naaayon sa
kagustuhan ng mga tagapakinig. Maging masiyahin sa pagbobroadcast. Maging maingat
sa pagbibigay ng balita at impormasyon.
Sa iyong paglalakbay sa mundo ng radio broadcasting mahalagang malaman mo ang mga hakbang
sa pagsasagawa ng isang radio broadcast nang sa gayon ay maging epektibo at kawili-wili ang
ipaparating na balita o impormasyon sa mga tagapakinig ng iyong istasyon.
Pagnilayan:
Bakit mahalaga ang radio broadcast sa buhay ng mga tao? Mahalaga ito sapagkat nagdudulot ito
ng kaalaman o kamalayan sa mga tagapakinig dahil naaabot nito ang iba’t bang sulok ng
bansa at kahit ang pinakaliblib na lugar sa isang komunidad.
Samakatuwid ang radio broadcast ay may malaking pakinabang hindi lamang sa kaunlaran sa buhay
ng tao kundi pati na sa kaunlaran ng panitikan at kultura ng ating bansa.
PAGSASANAY
GAWAIN 3
Isulat ang A kung ang mga pahayag sa ibaba na may kinalaman sa pagsasagawa ng radio
broadcast ay tama at B naman kung ang pahayag ay mali.
1. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon.
2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Sila ba’y
malinaw magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakakaakit ba sa mga nakikinig
ang kanilang boses? Gumamit ba s’ya ng wikang Filipino o Ingles sa pagbobroadcast?
3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba-
iba ang iyong mga tagapakinig.
4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
5. Hindi mahalaga ang boses sa pagbo-broadcast.
6. Gumamit ng mga salitang may kalaswaan sa pagbo-broadcast.
GAWAIN 4
Sa isang radio broadcast, hindi mapipili kung sino-sino ang iyong mga tagapakinig dahil kahit sino
ay pwede, maging bata man o matanda basta’t nakabukas ang radyo. Kung gayon dapat lang na
maging responsible sa kanyang pananalita ang isang DJ o anchor.
Isulat ang salitang tumpak kung ang mga pananalita sa pahayag ay angkop gamitin sa isang
radio broadcast at salitang waley naman ang isulat kung hindi.
1. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka phone patch
habang nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan mo s’ya upang malaman niyang galit ka.
2. Gumamit ka ng mga salitang simple o payak ngunit mauunawaan ng lahat ng iyong
mga tagapakinig bata man o matanda.
3. Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng iba’y tila nakangiti rin ang
boses na narinig nila.
4. Magsalita ng malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.
5. Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang erpat,
ermat, bebot at iba pa.
PAGGAWA
Panananalita
Lubos na malinaw at matatas ang pananalita
Pagkamalikhain
Maganda at malikhain ang awtput na nagawa (angkop ang musika
o tunog na ginamit sa pagbobroadcast)
Nilalaman
Kompleto at wasto ang mga detalyeng nakasaad
Kaangkupan ng mga pananalita
Angkop at maingat ang mga pananalitang ginamit.
Gumamit din ng tamang terminolohiya sa pagbobroadcast.
Pagpapakahulugan:
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Mahusay-husay
2 – Kailangan ng husay
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
Napakahalaga nitong radio broadcast sa
buhay ng tao. Nagdudulot ito ng kamalayan o
kaalaman sa mga tagapakinig dahil naaabot nito
kahit ang pinakaliblib na sulok sa isang
komunidad.
Malaki ang pakinabang na dulot nito hindi
lamang sa kaunlaran sa buhay ng tao kundi pati na
sa kaunlaran ng panitikan at kultura ng ating bansa.
Mga Sanggunian:
Mga Aklat
Arogante, J. Retorika sa mabisang Pagpapahayag. Binagong Edisyon. Mandaluyong City. National
bookstore. 2004
Gonzales B. et. al. Sangwikaan. Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Quezon City.
Phoenix Publishing House. 1998.
Website
brainly.com, https://www.slideshare.net/allanortiz/radio-broadcast-2
Mga Salitang ginagamit sa Radio Broadcasting. (April, 2021). Tuklas-Kaalaman Channel. (youtube.com)