Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 64

Pagkilala at Pagguhit (Recognizing and

Drawing) ng Point, Line, Line Segment at


Ray
Panuto: Sisimulan natin ang araw na ito sa isang laro. Maglalaro tayo ng larong “Ano
Ako”. Kilalanin natin ang iba’t ibang hugis. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Isang saradong hugis na walang gilid.
I R C E L C _____________
2. Isang paralelogram na ang magkabilang gilid ay kahanay at
may apat na right angles.
A N G L E C T E R ______________________
3. Saradong hugis na may tatlong gilid at 3 angles.
T R I A L E N G _____________________
4. Isang paralelogram na may 4 na magkaparehong habang
gilid at may 4 na right angles.
S U R E Q A ______________________
Ngayon ay mag-uumpisa na ang ating paglalakbay. Sana’y magustuhan mo ang mga gawain na aming ginawa
para sa iyo. Ang araling ito ay nakatuon sa pagpapakilala at pagguhit (recognizing and drawing ) ng point, line,
line segment at ray. Tingnan ang illustrasyong ito.
May tatlong tuldok po tayong makikita. Ang
bawat tuldok na ito ay tinatawag pong point. Ang
bawat point ay pinangangalanan nang malaking
letra. Ang pangalan ng mga points ay Point D,
Point E, at Point F.
Tingnan naman ang larawang ito.
Ito naman ay ray. Mayroon siyang isang end point at isang
arrow head na maaring pahabain sa isang direksyon lamang.
Tawagin natin silang Ray EF

Pansinin ang illustrasyong ito.


Panuto: Pag-aralan ang larawang ito at pangalanan ang points, lines, line
segment, at ray na makikita dito. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang
papel.
Ang mga points sa illustrasyon ay ang mga sumusunod;
Point G, Point H, Point I, Point K, Point M, Point N, at
Point O.
Ang mga linya naman ay; Line LM o Line ML at Line
NO o Line ON.
Ang mga line segment naman ay; Line Segment GH o
HG, Line Segment HI o IH, Line Segment IJ o JI, Line
Segment JG o GJ, at Line Segment JK o KJ.
Ang mga ray ay; Ray KL, at Ray
Panuto: Pag-aralan ang bawat ilustrasyon at pangalanan ang points, rays, line segment, at
lines.Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1.Pangalanan ang points.
2. Kilalanin ang naibigay na
linya.
3. Ibigay ang line segment.
4. Pangalanan ang ray.
Punan ang mga patlang ng tamang salita mula sa kahon para mabuo ang diwa ng bawat
kaisipan.

Ray line line segment


point malaking titik
1. Ang tuldok ay nagrerepresenta ng _____________.
2. Ang pigura na may dalawang arrow heads ay tinatawag na
________________.
3. Ang ________________ ay may dalawang end points.
4. Ang pigura na may isang end point at isang arrow head ay
tinatawag na ___________.
5. Ang point, line, line segment, at ray ay pinangangalanan ng
_____________.
Panuto: Gawin ang mga sumusunod.
1. Sa iyong papel, gumuhit ng mga points at
pangalanan ang mga ito ng letra ng iyong pangalan.

2. Gumuhit ng triangle o tatsulok at pangalanan ang mga


sulok nito ng
YOU at pagkatapos ibigay ang mga line segments.
3. Gumuhit ng araw na may 8 rays. Pangalanan ang mga
rays gamit ang
mga letra ng pangalan ng ating pangulo.
4. Gumuhit ng bahay. Ang bawat point
ay pangalanan
na malaking titik A,B,C,D,E ,F, G, H, I,
J, K.
5. Gumawa ng point A. Gumuhit ng 2
rays na may pangalang ray AB at ray
CD
Panuto: Gumawa ng bituin
gamit ang mga line
segments
Panuto: Tukuyin ang nilalarawan ng bawat pangungusap.Isulat ang sagot sa kuwaderno. Isulat
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Maglalaro tayo ng “ Ano Ako”
1. Ako ay may tamang lugar sa espasyo. Nererepresenta
ako ng tuldok.
2. Wala akong end point at maaaring ako ay magpatuloy
sa magkabilang direksyon.
3. Ako ay nagsisimula sa isang end point at maaari
akong magpatuloy sa isang direksyon lamang.
4. Ako ay bahagi ng linya na may dalawang end point.
Basahin at unawain ang tula.

Linyang Kasama
Isinulat ni: Mailyn Mae A. Ejercito

Linya ay kasama natin sa araw – araw


Mula sa kamay ng orasang lagi mong
tinatanaw
Hanggang sa ibat - ibang hugis – larawan
na yung nakikita
Pati na rin sa paalaala at mga babala.
Perpendicular ay huwag mong kalimutan
Siya ang dalawang magkasamang nagkita
sa iisang tagpuan
Ang isa ay paitaas habang ang isa’y nasa
baba
Bumubuo kina parisukat at parihaba.
Si parallel ay andiyan rin
Gaya ng mga paa na katuwang natin
Dalawang magkatabing patayo o
pahiga
Hindi magtatagpo kahit anong gawin
natin.
Huli ay si intersecting
Siya ang letrang si ekis natin
Dalawang magkasamang
nagkatuluyan din
Gaya ng kaalamang hatid nila sa
atin
Mga tanong:
Panuto: Mula sa tulang binasa sagutin ang mga sumusunod na katanungan. . Lagyan ng tsek (✓)
ang bilang kung ang pahayag ay tama , at ekis (x) kung hindi tama. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.

______1. Ang tula ay patungkol sa mga


linyang makikita sa librong
mababasa.
_____2. Ang mga linyang nabanggit sa
tula ay sina perpendicular, parallel at
intersecting.
_________3. Ang linyang intersecting ay
kagaya ng letrang ekis.
_________4. Ang linyang parallel ay
dalawang linyang magkatabing patayo o
pahiga.
_________5. Ang perpendicular lines ay
may paitaas at pababang linyang
magkasama.
Perpendicular Lines – uri ng linya na nagtagpo sa isang
tuldok na nagpapakita ng 90 degress angle. Sila ay bumubuo
kina parisukat at parihaba.
Perpendicular dalawang magkasamang nagkita sa iisang
tagpuan
Ang isa ay paitaas habang ang isa’y nasa baba
Bumubuo kina parisukat at parihaba
Parallel Lines – ito ay dalawang linyang kailanman ay
di magtatagpo. Ito ay may simbolong l l na nagpapakita
ng pagiging parallel. Si parallel Gaya ng mga paa na
katuwang natin.Dalawang magkatabing patayo o pahiga
Panuto: Magbigay ng limang bagay na nagpapakita ng parallel, perpendicular at intersecting
lines. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
A. Si Ace ay naglalaro ng “treasure hunt”. Tulungan siyang
matagpuan ang kayamanan gamit ang pagsagot sa sumusunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Stage 1: Linyang nagtagpo sa iisang tagpuan pero hindi bumubuo ng
90
degrees angle. ____________________.
Stage 2: Ito ay dalawang linyang kailan man ay di magtatagpo. Ito ay
may simbolong l l na nagpapakita ng pagiging parallel.
______________.
Stage 3: Uri ng linya na nagtagpo sa isang tuldok. Sila ay bumubuo
kina parisukat
at parihaba. _________________.
A. Gumuhit sa inyong sagutang
papel ng halimbawa ng parallel,
perpendicular at intersecting lines
na inyong makikita sa
kapaligiran.
B. Tukuyin ang mga sumusunod na uri ng linya na ating napag – aralan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.

1. Uri ng linya na nagtagpo sa isang tuldok.


Sila ay bumubuo kina parisukat
at parihaba._________________
2. Linyang nagtagpo sa iisang tagpuan pero
hindi bumubuo ng 90
degrees angle. __________________
3. Ito ay dalawang linyang kailan man ay di
magtatagpo. ______________.
Panuto: Sa inyong sagutang papel,
Gumuhit ng eksenang nasa bukid na
nagpapakita ng parallel, perpendicular at
intersecting lines. Gumamit ng itim na
bolpen para sa parallel lines, asul sa
perpendicular at pula sa intersecting lines.
Day 3
Pagkilala at Pagguhit ng mga
Points, Linya (Line), Line
Segment, at Ray
Sa araling ito ay matututuhan mo rin
ang paglikha o pagguhit ng iba’t
ibang point, linya o line, line
segment, at ray. Malalaman mo rin
ang pagkakaiba ng line segment, at
ray.
Ang line AD o line DA ay maaari ring
isulat ng line n o sa pamamagitan ng letra
na nasa dulo ng arrow head ng linya. Ang
iba pang linya na makikita sa larawan A
ay ang linyang CE o EC na maaari ring
isulat na line m.
Ang line o linya ay binubuo ng 2 o
mahigit pang mga points. Ito ay may
dalawang arrow head sa magkabilang
dulo. Maaari rin itong lumawig nang
walang katapusan.
May dalawang (2) subsets o parte ang linya o
line. Ito ay ang line segment at ang ray. Ang
line segment ay ang subset o parte ng linya o
line na may dalawang endpoints. Samantala
ang ray naman ay ang subset o parte ng linya o
line na may isang endpoint at isang arrow
head.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang angkop na salita sa bawat patlang upang mabuo
ang pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tingnan ang figure sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumuhit
ng 10 line segments sa pamamagitan ng
pagdurugtong ng dalawang points upang makabuo ng isang star. Lagyan ng
pangalan ang bawat line segment na iginuhit mo. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Day 4
Pagkilala at Pagguhit ng
Parallel Lines, Intersecting
Lines, at Perpendicular Lines
Sa araling ito ay matututuhan mo ang paglikha
o pagguhit ng intersecting lines, parallel lines,
at perpendicular lines gamit ang iyong
natutuhan sa paglikha ng isang linya o line.
Matututuhan mo rin sa araling ito ang
pagkakaiba ng parallel lines, intersecting lines,
at perpendicular lines.
Tingnan mo ang mga larawan na nasa ibaba. Ilarawan ang mga linya sa larawan
A, larawan B, at sa larawan C. Ano-ano ang mga tawag sa mga linyang ito?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kilalanin ang mga larawan sa bawat bilang at tukuyin kung
anong uri ng linya ang bawat pares ng ang linya. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tingnan at kilalanin ang mga linya na nasa larawan sa ibaba. Isulat ang mga linyang
hinihingi sa bawat kolum ng talahanayan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang mga linya na nasa ibaba gumuhit ng parallel,
intersecting, at perpendicular lines. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.

Nais ni Faye na iguhit ang mga bagay na kaniyang naisip


upang malaman kung anong uri ng linya ang mga ito.
Tulungan mo siyang iguhit at tukuyin ang mga bagay na
nasa ibaba. Sipiin ito sa iyong kuwaderno.

You might also like