Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

olivia.guttan.@olgc.edu.

ph
ANG TALAMBUHAY AT MGA AKDA NG
PAMBANSANG BAYANI
(LIFE AND WORKS OF RIZAL )
MODYUL 1
 LEKSYON 1 REPUBLIC ACT 1425-BATAS RIZAL

 LEKSYON 2 PAGKAPILI KAY RIZAL BILANG BAYANI


MGA PATUNAY NA MARAMI ANG PUMURI AT
NAGPUGAY KAY RIZAL BAGO PA MAN SIYA HIRANGING
PAMBANSANG BAYANI
 1. Disyembre 29, 1897 - pinangunahan ni Emilio Aguinaldo at
ilang pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo ang pagdaos ng
isang programa sa Hongkong , unang taon ng kamatayan ng
bayani.
 2. Setyembre 15, 1898 - ginunita ni Emilio Aguinaldo sa
kanyang pambungad na pananalita sa pagbubukas ng
kongreso sa Malolos ang alaala at makabayang adhikain at
gawa ng mga namayapang bayani tulad ni Rizal
 3. Disyembre 20, 1898 – idineklara ni Emilio Aguinado
(pangulo ng kauna-unahang republika sa Pil) ang isang opisyal
na proklamasyon na nagtatakda sa Disyembre 30 taon-taong
bilang “ARAW NI RIZAL”
MGA PATUNAY NA MARAMI ANG PUMURI AT NAGPUGAY KAY
RIZAL BAGO PA MAN SIYA HIRANGING PAMBANSANG BAYANI

 4. Ang mga pahayagang LA INDEPENDENCIA at EL


HERALDO DELA REVOLUCION (Mga opisyal na
tagapamansag ng pamahalaang rebolusyonaryo
noon) – naglabas ng mga limbag na pahayag para sa
alaala ni Rizal.
 5. 1898 – sina FERNANDO MA. GUERRERO at CECILIO

APOSTOL (2 pinagpipitaganang mahusay na


manunulat sa Pilipino at Kastila) ay sumulat ng tulang
parangal na kumikilala sa mga sakripisyo at adhikaing
makabayan ni Rizal.
MGA PATUNAY NA MARAMI ANG PUMURI AT NAGPUGAY KAY
RIZAL BAGO PA MAN SIYA HIRANGING PAMBANSANG BAYANI

 6. Mga kilala at iginagalang na mga iskolar at


intelektwal sa mundo na nag-alay ng pakikiramay at
pakikidalamhati sa di-inaasahang pagpanaw ng bayani:
a. Ferdinand Blumentritt
b. Wenceslao Retana
c. Dr. Feodor Jagor
d. Dr. Friedrich Ratzel
e. Dr. W. Joest
f. Dr. A.B Meyer
g. Dr. H. Kern
MGA PATUNAY NA MARAMI ANG PUMURI AT NAGPUGAY KAY
RIZAL BAGO PA MAN SIYA HIRANGING PAMBANSANG BAYANI

 Ang pinakamakulay at makahulugang pakikiramay na


idinaos sa ibang bansa bilang paggunita kay Rizal ay
noong Nob. 20, 1897 sa BERLIN sa ilalim ng
Anthropological Society of Berlin sa pangangasiwa ni
Dr. Rudolph Virchow
BATAS REPUBLIKA BLG. 1425
 Pinagtibay ni Pangulong Magsaysay ang Batas
Republika Bilang 1425 noong HUNYO 12, 1956 na
higit na kilala na BATAS RIZAL O RIZAL LAW
 Ito ay inihanda ni Sen. Jose P. Laurel Sr. katulong si

Claro M. Recto at ipinatupad ng Pambansang


kapulungan ng Edukasyon noong Agosto 6, 1956
 Isinasaad at itinatadhana ng Batas Rizal ang

pagtuturo ng kursong tatalakay sa buhay, mga ginawa


at mga sinulat ni Rizal.
BATAS REPUBLIKA BLG. 1425
 Sa kursong ito bibigyan ng masinsinang pag-aaral ang
2 nobelang sinulat ng bayani: ang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo
 Ipinag-uutos din ng batas na ang mga nabanggit ay

isama at ipatupad sa kurikulum ng lahat ng paaralan,


kolehiyo at pamantasan sa Pilipinas, pribado man o
pampubliko
 Nagpapahintulot din ito sa pagpapalimbag at

pamamahagi ng mga aklat tungkol dito at sa mga


isinaling edisyon ng 2 nobela at iba pang akda ni Rizal
APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL

 1. Maitalaga at maisabuhay na muli ng mga Pilipino


ang mga simulain ng kalayaan at nasyonalismo na
siyang naging dahilan ng kamatayan ng ating
pambansang bayani;
 2. Upang parangalan ang ating mga bayani, lalong-

lalo na si Dr. Jose Rizal, na nagpapaalala sa atin ng


kanilang katangi-tanging pagmimithi at
pagpapakasakit upang ang kanilang buhay at mga
nagawa ay bumuo ng isang pambansang identidad o
katauhan;
APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL

 3. Upang ang buhay, mga sinulat at ginawa ni Dr. Jose


Rizal, lalong-lalo na ang mga kanyang 2 nobelang Noli
at Fili, na magsisilbing inspirasyon at pamukaw-
siglang pinagbubuhatan ng pag-ibig sa bayang
kailangang maitanim sa murang isipan ng mga
kabataan sa panahon ng kanilang pag-aaral ; at
 4. Upang linangin sa bawat mag-aaral ang mga

katangiang: kagandahang-asal, disiplinang pansarili,


budhing-sibiko at tungkulin ng pagkamamamayan.
KAHALAGAHAN NG BATAS RIZAL
 1. Sa ganitong paraan, naipapamalas ng lahing Pilipino
ang kanilang malaking pagpapahalaga at pagkilala sa
dakilang bayani ng bayan na siyang nanguna sa paglikha
ng isang pambansang katauhan at kaluluwa;
 2. Naipakikita ng sambayanang Pilipino ang kanilang

matayog na papuri sa taong nagsilbing bantayog-


huwaran ng lahi sa pag-ibig sa bayan, nagpakasakit at
nagpunyagi tungo sa kalayaan ng Inang –bayan;
 3. Nagsisilbi itong larawan ng gawaing makademokrasya

na siyang kumakatawan sa mga adhikaing Pilipino:


marangal, makabayan at makatarungan
PAGKAKAPILI KAY RIZAL BILANG BAYANI
Ang lupon ay binubuo ng ss:
 Tagapangulo – WILLIAM HOWARD TAFT;

 Mga Kasaping Pilipino:

TRINIDAD PARDO DE TAVERA


GREGORIO ARANETA
CAYETANO ARELLANO
JOSE LUZURIAGA
 Mga Kasaping Amerikano:

W. MORGAN SHUSTER
BERNARD MOSES
DEAN WORSESTER
HENRY CLAY IDE
ANG NAGING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PAMBANSANG
BAYANI
 Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa
Antropolohiya at katulong na tekniko ng komisyon,
napagkasunduan ng lupon ang sumusunod na
pamantayan
1. Isang Pilipino;
2. Yumao na;
3. May matayog na pagmamahal sa bayan; at
4. May mahinahong damdamin
LIMANG (5) BAYANI ANG PINAGPILIAN:

1. MARCELO H. DEL PILAR


2. GRACIANO LOPEZ-JAENA
3. HENERAL ANTONIO LUNA
4. EMILIO JACINTO
5. DR. JOSE RIZAL
 Sinasabi sa mga tala na matagal at masidhi
ang mga usapan sa bawat pagpupulong ng
lupon
 Madamdamin at mapagsiwalat ang bawat

argumentong binitawan ng bawat kasapi para


idepensa ang kani-kanilang punto
 Sa bandang huli ay napagkaisahan na ang

piliin si Rizal bilang karapat-dapat na


pambansang bayani ng lahi
DAHILAN NG PAGKAKAPILI KAY RIZAL:
1. Siya ang kauna-unahang Pilipinong nanghikayat at
nag-udyok upang ang buong bansa ay magtulungan
bilang isang nagkakaisang lahi at maghimagsik
laban sa mga Kastila
2. Siya ay tunay na huwaran ng kahinahunan at
kapayapaan na malinaw niyang ipinamalas sa
kanyang buhay
3. Angkin niya ang lahat ng pagkilala, papuri at
respeto ng mga Pilipino hanggang ngayon
“AMPUNIN ANG BAYAN KUNG NASA AY LUNAS
SAPAGKAT ANG GINHAWA NIYA’Y GINHAWA NG
LAHAT.

-ANDRES BONIFACIO-
Gawaing Mag-aaral:
A. Magsagawa ng sarbey sa inyong pamilya kaugnay
sa kanilang paniniwala sa Assignatura/kursong
Rizal kung ito po ba ay dapat na ituro sa kolehiyo.
B. Panoorin “Little Bad Boy” ni Howie Severino,I-
Witness
http://www.gmanetwork.com
Pagtatasa:
 Ipaliwanag ang Kahalagahan (Importance) ng mga

sumusunod na decrees .(12puntos)


1.Republic Act 1425
2.Republic Act 137
3.Republic Act 345
4.Republic Act 243
 Naniniwala ka ba na ang bawat Bansa ay

kinakailangang may kilalaning Bayani ? Bakit?


(8puntos)
References

Mandatory/Suggested Readings:
Rizal Bill
Schumacher, John. “The Rizal Bill of 1956: Horacio de la Costa and the
Bishops, “Philippine Studies 59 no.4 (2011): 529-553
Official Gazette: [PDF] Republic Act No. 1425, s. 1956:
https://www.officialgazette.gov.ph/1956/06/12/republic-act-no-1425/
Jose Laurel Jr. “The Trials of the Rizal Bill,” Historical Bulletin vol.4 no.2
(1960): 130-139.
De Jesus et.al, Rizal the Icon Book2, “Republic Act 1425” pp 3-9

The Trials of Rizal Bill


Horacio de la Costa and the Bishops, “The Rizal Bill of 1956”.
https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/PS/article/view/162
The Trial of Rizal. Miguel A. Bernad Philippine Studies. Vol. 46, No. 1 (First
Quarter 1998), pp. 46-72. Ateneo De Manila University.
Constantino, Renato. “Veneration without Understanding”. Journal of
Contemporary Asia, 01 January 1972, Vol.1(4), pp.3-18
 Suggested Readings:
 Reyno, C. (2012, October 19). For Love of
Country. National Historical Commission of the
Philippines.
http://nhcp.gov.ph/for-love-of-country/

 Additional Reference:
 One News PH. (2019, December 30). Just how well
do we know Jose Rizal? YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=4CKqXJ-wQP
M

MARAMING SALAMAT PO !!!
SA INYONG PAKIKINIG

You might also like