Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Aralin 4: Mga Ekspresyong Hudyat ng

Kaugnayang Lohikal sa Paghihinuha,


Pagsusuri at Pagpapahayag ng Pananaw
Layunin:
1. Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa;
2. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa;
3. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan;
4. Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran;
5. Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta).

Mula sa DepEd MELCs


Artikulo
Artikulo

-ay seksyong naglalaman ng mga impormasyon na kalimitan ay makikita sa


magasin, dyaryo, internet o anumang uri ng publikasyon na nasa anyong prosa o
tuluyan. Karaniwang tinatalakay nito ang mga napapanahong isyu.
Elemento ng Artikulo
1. Paksa
-tawag sa kabuoang nilalaman ng akda. Dito umiikot ang lahat ng kaisipang
inihain at tinalakay.

2. Layunin
-ang tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor
sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensya,
mangaral, magtanggol, mang-aliw, magbigay ng impormasyon, magbahagi
ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa.
Elemento ng Artikulo

3. Tono
-tawag sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga akda
na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono
ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at
satiriko.
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito
ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga,
layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan, na maaaring gamitan ng
mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, bunga nito, sapagkat, pagkat, upang, kung,
kapag at iba pa. Narito ang mga angkop na ekspresyon sa bawat ugnayang lohikal.
1. Dahilan at Bunga/Resulta
Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o
kinalabasan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi
sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-
ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.
Halimbawa:
a. Nag-aaral siyang mabuti kaya/kaya naman natututo siya nang husto.

dahilan + pang-ugnay/ekspresyon + resulta


b. Sapagkat/ Pagkat/ Dahil nag-aral siyang mabuti, natuto siya nang husto.

pang-ugnay/ekspresyon + dahilan + kuwit + resulta

c. Natuto siya nang husto sapagkat/ pagkat/ dahil nag-aral siyang mabuti.

resulta + pang-ugnay/ekspresyon + dahilan

2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng
isang paraan. Ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.
Halimbawa:
Upang matuto nang husto, nag-aral siyang mabuti.

Pang-ugnay/ekspresyon + layunin + kuwit + paraan


3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.

Halimbawa:
Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

resulta + paraan

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang


paraang ginamit upang makamit ang resulta.
4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan
Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa
katotohanan ang kondisyon.
Halimbawa:
Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, sana’y natuto ka nang husto.

pang-ugnay/ekspresyon + kondisyon + kuwit + bunga

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:


Halimbawa:
Kapag/ Sa sandaling/ Basta’t nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto.

pang-ugnay/ekspresyon + kondisyon + kuwit + bunga


Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-
ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang
salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan.

Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sa sandaling….o basta’t upang ipahayag na


maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
SALAMAT!
Ikaw ba’y may katanungan?
email@
iviejoy.varca@deped.gov.ph

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, and
infographics & images by Freepik

You might also like