Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Magandang umaga mga

mag-aaral mula sa ika-9


na baitang!
Balik- aral
Panuto: Gumuhit ng isang hayop na
sumisimbolo sa iyong pagkatao. At sa likod
ng papel, ipaliwanag kung bakit iyan ang
napili ninyong hayop. Bibigyan ko lamang
kayo ng limang minuto para gawin ang
aktibidad na iyan.
PABULA
•Ano ang Pabula?
• Ang pabula ay isa sa mga sinaunang uri ng
akdang pampanitikan sa daigdig. Noong ika-5 at
ika-6 na siglo, bago si Kristo, may itinuturing
nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang
paksa ng pabula ay tungkol sa buhay ng
itinuturing na dakilang tao sa mga sinaunang
Hindu, Si Kasyapa.
• Ang pabula ay nagmula sa salitang Griegong Muzos na
ang ibig sabihin ay myth o mito. Nagsimula ito sa
tradisyong pasalita at nagpasalin-salin ito sa iba’t
ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga
pantas at sa huli ay binigyan ng pagbabago ng mga
taga tagapagkuwento nang naayon sa kultura o sa
kapaligirang kanilang ginagalawan.
• Lalong napatanyag ang ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop na
isang Griego na nabuhay noong 620 hanggang 560 BC ang siyang
tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog
niyang aklat, ang Aesop’s Fable. Sinasabi ng mga mananalaysay na
si Aesop ay isinilang na kuba at lumaking isang alipin subalit
pinagkalooban ng kalayaan ng kaniyang amo at hinayaang
maglakbay at makilahok sa mga kilusang pambayan at
makisalamuha sa mga tao. Dito lumabas at nakilala ang kaniyang
taglay na talino at galing sa pagsulat at pagkukuwento. Tinatayang
siya ay nakasulat ng 200 na pabula sa kaniyang buong buhay.
• Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip
lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para
aliwin at magbigay pangaral. Nangingibabaw na tauhan ay
mga hayop na sumasagisag o kumakatawan sa mga katangian
at pag-uugali ng tao.
• Halimbawa ay ahas na nanganaghulugang taong taksil;
kalabaw para sa taong matiyaga; palaka para sa taong
mayabang at maingay; pagong na makupad; at aso na
matapat.
• Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at
makataong pag-uugali at pakikitungo sa ating kapuwa. Ang
mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa
buhay na ibinibigay nito
• Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing
na pambata lamang sapagkat ang mga ito’y nangangailangan
ng pang-unawa sa mga katangian ng mga tauhang hayop at
pag-uugnay ng mga ito sa kahawig na katangian ng mga tao
upang maging epektibo ang paghahambing
Ang Hatol ng
Kuneho
Magbigay ng ilang pabula na
nabasa niyo na, at magbahagi ng
ilang nalalaman tungkol sa
pabulang inyong binanggit.
Batay sa pabula na inyo
nang nabasa, ano nga ba
para sa inyo ang pabula?
Paghawan ng sagabal
1.Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang paghingi ng
tulong hanggang siya’y mapagaw. Nang walang tulong
na dumating lumupaypay siya sa lupa. Ano ang ibig
sabihin ng mapagaw?

a.Namalat siya dahil walang tulong na dumating.


b.Nauhaw siya sa kahihintay ng tulong.
c.Inantok siya dahil walang siyang mahintay na tulong.
2. Naglaway ang tigre at naglakad ng paikot
sa lalaki. Ano ang ibig sabihin ng naglaway?

a.Nauhaw ang tigre.


b.Natakam ang tigre.
c.Naiyak ang tigre.
3. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre
ngunit nangibabaw ang kaniyang pangamba.
Ano ang ibig sabihin ng pangamba?

a. Saya
b. Takot
c.Galit
4. “Mga taon ang binibilang namin, upang lumaki
pagkatapos puputulin lang ng mga tao.” Sumbat ng puno
ng pino. Ano ang ibig sabihin ng sumbat ng puno ng
pino?

a.Napakasalimuot na panahon
b.Napakaiksi ng panahon
c.Napakahabang panahon
5. “Dapat kainin ng tigre ang tao”. Ang hatol ng
kuneho at baka sa tao. Ano ang ibig sabihin ng
hatol?

a.Pinahintulutan
b.Winakasan
c.Tinuldukan
 Patungkol saan ang
pabula?
 Ano nga ba ang kanilang
naging suliranin? Saan ito
nagsimula?
 Tama ba ang naging hatol
ng kuneho sa suliranin ng
tigre at ng lalaki?
 Kung ikaw ang hahatol sa
sitwasyon, gagawin mo rin
ba ang ginawa ng kuneho?
 Sa iyong palagay, kung
nakapagsasalitang muli ang mga
nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano
kaya ang kanilang hatol sa ating mga
tao? Bakit?
 Bilang isang kabataan na pag-asa
ng bayan, ano ang
maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa
hayop at kalikasan?
 Bakit kaya ang ginamit na
tauhan sa pabula ay mga
hayop?
 Bakit mahalagang pag-
aralan ang pabula?
Panuto: Sa limang larawan, pagsunod-sunurin
ang mga pangyayari sa pabula sa tulong at
gabay ng mga larawan, at pagkatapos ay
ibigay naman ang katangian ng bawat
karakter.
 Sino ang makapaglalahat ng ating
tinalakay sa araw na ito? Maaari ba
kayong magbigay ng inyong natutunan at
naunawaan?
 Ano ang aral na napulot
ninyo sa ating tinalakay na
pabula?
Mangangaral 5:5-6
“Mabuti pang huwag ka nang mangako
kaysa mangangako at hindi mo tutuparin”.
Huwag mong pabayaang magkasala ka dahil
sa iyong pananalita, mangangako at
pagkatapos ay babawiin mo.
 Magbigay ng ilang sitwasyon na nangyari
na sa inyo, na kung saan ikaw ang
nangako at may pinangakuan ka pero
hindi natupad, ano ang iyong
naramdaman?
Panuto: Bumuo ng isang maikli ngunit
makabuluhang pabula na may kaugnayan
sa ating tinalakay, at kung ikaw ang
gumawa ng pabula sino sa mga tauhan ang
nais mong baguhin ang pag-uugali. Isulat
sa kalahating papel. Bibigyan ko lamang
kayo ng 5 minuto.
Maraming salamat sa
pakikinig. Paalam,
Grade 9!

You might also like