Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mga Pang-uring

nagpapahayag ng matinding
damdamin.
PANG-URI
• Ito ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay kahulugan o turing sa ngalan ng
bagay, tao, lugar, pangyayari, at marami pang iba.

• Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng
pangngalan (noun) o panghalip (pronoun)
• tawag sa salita o lipon ng mga salita na naglalarawan o
nagbibigay turing sa tao, bagay, pook, hayop, o pangyayari.
PANDIWA
• Ito ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng
isang tao, bagay, o hayop.
• halimbawa nito ay takbo, alis, uminom, kumain, umiyak, at
binigyan.
Pokus ng Pandiwa

• Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap. Ito ay


naipapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa
7 Pokus ng Pandiwa

1. Aktor-pokus (Pokus sa tagaganap)- ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang
paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaaad sa paksa.

Sa aktor-pokus, ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap. Sinasagot nito
ang tanong na “sino?” Ginagamitan ito ng mga panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-,
makapag-, maki-, o magpa-.

Mga Halimbawa:
Maglilinis ng bahay si Camille sa linggo.
Nagsaing ng kanin si Tatay Emilio para sa hapunan.
7 Pokus ng Pandiwa

2. Pokus sa Layon- ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang


layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa pangungusap.
Sa pokus sa layon, ang paksa ang layon ng pandiwa sa
pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na “ano?”

Ginagamitan ito ng mga panlaping -in-, -i-, -ipa-, ma-, na-, o -an.

Mga Halimbawa:
•Lutuin mo ang isda na nasa ref..
•Kainin mo ang gulay.
7 Pokus ng Pandiwa

3. Lokatibong Pokus (Pokus sa Kaganapan)- ang pandiwa ay nasa


pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.

Ang paksa o simuno ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa


pangungusap. Sinasagot nito ang tanong na “saan?”

Ginagamitan ito ng mga panlaping pag-/-an, -an/-han, ma-/-


an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag/an, o in/an.

Mga Halimbawa:
•Pinagdausan ng kasal ang lumang simbahan.
•Pinagtaniman ni Jerry ang bukid ng kanyang tatay.
7 Pokus ng Pandiwa

4. Benepaktibong Pokus (Pokus sa Tagatanggap)- ito naman ay


tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.

Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa


pangungusap. Sinasagot nito ang tanong na “para kanino?”

Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in, ipang-, o ipag-.

Mga Halimbawa:
•Ipinagdiwang nila ang kanyang kapanganakan.
•Ibinili ni Drake ng pasalubong si Lolo.
7 Pokus ng Pandiwa
5. Instrumentong Pokus (Pokus sa Gamit)- ito ay tumutukoy sa
kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos o
pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

Ang simuno o paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang


maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa
tanong na “sa pamamagitan ng ano?”

Ginagamitan ito ng mga panlaping ipang- o maipang-.

Mga Halimbawa:
•Ipinanghampas nya sa mga estudyante ang mahabang stick.
7 Pokus ng Pandiwa
6. Kosatibong Pokus (Pokus sa Sanhi)- ang pandiwa ay nakapokus
sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

Ang simuno o paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa


pangungusap. Sinasagot nito ang tanong na “bakit?”

Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, ika-, o ikina-.

Mga Halimbawa:
•Ikinatuwa nya ang magandang regalo ng kanyang kapatid.
7 Pokus ng Pandiwa
7. Pokus sa Direksyon- pinatutuunan ng pandiwa ang direksyon o
tinutongo ng kilos.

Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa


pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na “tungo saan o kanino?”

Ginagamitan ito ng mga panlaping -an, -han, -in, o -hin.

Mga Halimbawa:
•Pinasyalan namin ang parke.
Ang pagpapasidhi ng damdamin

HALIMBAWA:
Inis Paghanga
Asar Pagsinta
Galit Pagliyag
Poot Pagmamahal
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri


 Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling
wika.
 Mainit na mainit ang damdamin ng dalawang nagtatalo kanina.

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an,pagka- at


kay-,pinaka-,ka- -an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian
ng pang-uri.
 Napakaganda ng wika nating mga Pilipino.
 Pagkasaya-saya ng aking nanay sa regaling kanyang natanggap.
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ubod, sakdal, tunay,


lubhang at ng pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita
ang pasukdol na katangian ng pang-uri
 Walang kasingsarap sa pandinig ang wikang Pilipino.
 Ubod ng lakas ang palakpak na natanggap niya mula sa manonood.
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa


 Paggamit ng panlaping magpaka.
Halimbawa:
Magpakasipag
Magpakahusay
Magpakasanay
Magpakabait
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa


Paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
Mag-aaral
Mag-aalis
Mag-aasawa
Mag-aararo
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

• Pagpapalit ng panlapin -um sa panlaping magpaka-


• Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping mag- at
nagkakaroon ng pag-uulit sa unang pantig.
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa


a. Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
 Sugod!
 Laban!
 Ang tapang!
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

b. Maikling Sambitla – ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o


dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
 Naku!
 Aray!
 Grabe!
 Ay!

You might also like