Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

MAGANDANG

HAPON
Mga alituntunin na dapat sundin sa
loob ng silid-aralan:
1.Makinig sa guro habang
nagsasalita.Huwag makipag-usap sa
kaklase.
2. Itago ang cellphone at makilahok
sa oras ng talakayan.
3.Maghintay ng tawag sa pagsagot
sa klase.Huwag sumagot ng sabay-
sabay at magsalita ng may
katamtamamg boses.
4. Iwasan ang pag-iwas sa klase ng
hindi pa tapos ang takdang oras.
5. Iwasang maging malikot o
magpalipat-lipat ng upuan habang
nasa oras ng talakayan.
Layunin:
Nauugnay ang balitang
napanood sa balitang
napakinggan.(F8PD-III-e-30)
Panuto:Mayroon akong ipapakitang
mga larawan sa inyo tukuyin kung
maririnig ito sa radyo o mapapanood
sa telebisyon.
1.

2.
3.

4.
5.

6.
7.

8.
9.

10.
Paborito ko
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ng telebisyon
at radyo iyong nagugustuhang palabas na
napanood sa telebisyon at ang iyong
paboritong pinakikinggang programa sa
radyo. Ilahad ang iyong dahilan kung bakit
mo napiling panoorin o pakinggan
ang mga programang iyong nabanggit.
Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan mo
ang kahalagahan ng
impormasyon na makikita sa telebisyon at
maririnig sa radyo. Maipakikita sa
araling ito na ang panonood sa telebisyon at
pakikinig sa radyo ay bahagi na ng
kulturang Pilipino kahit saan mang sulok ng
mundo hatid ang balita sa
telebisyon at radyo.
Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain
sa bawat bahagi ay maiuugnay
mo ang balitang napanood sa balitang
napakinggan. Mapalalalim ang iyong
kaalaman kaugnay sa gampanin ng
telebisyon at radyo sa pagkakaroon ng
kamalayang panlipunan. Simulan natin
ang iyong pag-aaral sa bahaging ito.
Ang balita ay anumang pangyayaring
hindi karaniwan, isang ulat,
Nakapagbibigay impormasyon at
mapaglilibangan ng mga bumabasa,
nakikinig at nanonood. Ito ay ulat na
maaaring pasulat o pasalita ng mga
bagay na naganap na, nagaganap, o
magaganap pa lamang.
Ang balita ay maaaring ipahatid sa
pamamagitan ng radyo at telebisyon.
Ito ang midyum na ginagamit upang
ipaalam ang mga mahahalagang
impormasyong nangyayari sa lokal,
nasyonal at maging internasyonal.
Ang radyo ay itinuturing na “go-anywhere
medium” ng pamamahayag sapagkat naririnig ito
ng mga tao kahit habang sila ay naglalakad o
nagbibiyahe man sila. Samantala, ang
telebisyon naman ay pamamahayag kung
saan kadalasan ay ipinakita ang aktwal na
pangyayari ng mga sitwasyong ibinabalita.Ang
balita ay kailangang napapanahon,may
kawastuhan,may katimbangan, may
kalinawan, at may kaugnayan.
Ang pag-uugnay ng balitang
napanood sa telebisyon at naririnig
sa radyo ay nagpapakita ng
kinalaman o relasyon ng bawat
balita. Kadalasan ay kung ano ang
pinag-uusapan sa telebisyon ay
siya ring topiko na maririnig sa
radyo.
Panuto: Hahatiin ang klase sa limang
pangkat at ang limang pangkat ay pumili
ng limang balitang napapanahon na iyong
napakinggan sa radyo at napanood sa
telebisyon.
Balitang napakinggan sa Balitang napapanood sa
Radyo Telebisyon

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5
Gabay na tanong:
1. Anong karanasan sa pakikinig ng radyo
ang naiiba sa panonood ng programa sa
telebisyon.
2.Ano ang mga bagay na napukaw sa
iyong isipan habang pinapakinggan
ang mga programa sa radyo?
3.Sa iyong hinuha,darating kaya ang araw
na mawawala na ang radyo bilang
midyum ng paghahatid ng impormasyon
dahil sa pagdating ng mga modernong
plataporma tulad ng social media?
Patunayan mo.
1. Para sa iyo, ano ang magandang
naidudulot ng panonood ng telebisyon
at pakikinig sa radyo?
2. Ano sa tingin mo ang pagkakaiba ng
dalawa?
3. Para sa inyo mahalaga ba ang
pakikinig sa radyo at panonood sa
telebisyon?
Sa iyong palagay, ano ang
kahalagahan ng balitang
napanonood o naririnig lalo na
sa panahon natin ngayon?
Panuto: Punan ang patlang ng
tamang sagot.
1. Ang________ay maaaring
ipahatid sa pamamagitan ng
radyo at telebisyon.
2-4. Ito ang midyum na
ginagamit upang ipaalam ang
mga mahahalagang
impormasyong nangyayari sa
2. _____,3.______ at maging
4._______.
5. Ang radyo ay itinuturing
na ______ ng pamamahayag
sapagkat naririnig ito ng mga
tao kahit habang sila ay
naglalakad o nagbibiyahe
man sila.
6. Ang _______ naman ay pamamahayag
kung saan kadalasan ay ipinakita ang aktwal
na pangyayari ng mga sitwasyong
ibinabalita.
7-9.Ang balita ay kailangang
napapanahon, may kawastuhan,may
7.______,may 8._________,at may
9.________.
10. Kadalasan ay kung ano ang
pinag-uusapan sa telebisyon ay
siya ring topiko na maririnig sa
__________.
Karagdagang Gawain:
Makinig sa telebisyon at radyo
ng mga napapanahong isyu sa
ngayon sa ating bansa.

You might also like