Ito naman po ay isang powerpoint na kopya sa mga Uri ng Teksto. Naglalaman ito ng mga kahulugan, katangian, elemento, mga halimbawa at iba pang impormasyong may kinalaman sa bawat uri ng teksto.
Ito naman po ay isang powerpoint na kopya sa mga Uri ng Teksto. Naglalaman ito ng mga kahulugan, katangian, elemento, mga halimbawa at iba pang impormasyong may kinalaman sa bawat uri ng teksto.
Ito naman po ay isang powerpoint na kopya sa mga Uri ng Teksto. Naglalaman ito ng mga kahulugan, katangian, elemento, mga halimbawa at iba pang impormasyong may kinalaman sa bawat uri ng teksto.
• Magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, hayop, o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito.
• Kabilang sa mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga
tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat.
• Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
IBA PANG HALIMBAWA •Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018. •Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi. •Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni Karylle. TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong
deskriptiv o deskriptibo. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos, bagay, lugar, at mga pangyayari.
• Maaari din itong maging tekstong nagpapahayag ng
pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay. Iba pang halimbawa
• Kumukutitap na ang mga ilaw sa napakagandang
bahay nina Jonas.
• Malulusog at masasarap kumain ang pamilya Sanchez.
• Napakabilis umiyak ng batang si Marco kapag inaasar.
TEKSTONG PERSUWEYSIBO • Ito isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo. • Karaniwang ginagawa ang tekstong persuweysib upang mapukaw ang interes ng mga tao at maniwala sa sinasabi nito MGA HALIMBAWA TEKSTONG PERSUWEYSIBO HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIBO • Laking mahirap, may malasakit sa kapuwa. Laging maaasahan. Iboto! Juan dela Cruz para Mayor.
• Mas makapagpapaputi ng damit kaysa sa Brand X.
Gumamit na ng Tide Clean Plus. Para sa puting walang katulad.
• Ang surf ay nagbibigay ng todong linis at todong bango.
Surf with fabcon. Todo sa linis, todo sa bango. ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIBO • Ethos -ang karakter,imahe o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita.
• Lagos - ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid
ngmanunulat/tagapagsa-lita.
• Pathos -emosyon ng mambabasa/tagapakinig.
TEKSTONG NARATIBO Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang tekstong narativ o naratibo. HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO • Naganap daw ang pambubugbog ni Alyas Linda sa kaaawa- awang matanda gabi ng Miyerkules habang nakasakay sila sa dyip. Ngayon ay nasa radio show na ni Tulfo ang kaso. • Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ito rin ang itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino sa kasaysayan. • Ipinanganak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Kinitil siya ng mga Espanyol noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan. HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL
• Ihalo ang itlog sa giniling at haluin gamit ang ispatula. Haluin
nang maigi at ihulma nang pabilog gamit ang mga kamay. • Pumunta sa website ng DOLE at hanapin ang forms. I-click ang complaints form at i-download ito. Punan ang mga patlang at ipadala sa e-mail ng DOLE. • I-click ang rescan at hintaying matapos ang search. I-refresh ang device at maaari nang mapanood ang paborito mong TV channel. TEKSTONG ARGUMENTATIBO • Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay.
• Gumagamit ito ng mga argumento at mga
pangangatuwiran. Karaniwang sinasagot ng mga tekstong argumentativ ang tanong na ‘bakit?’ Bagaman nais nitong makapaglahad ng damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o facts. HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGUMENTIBO • Para mapanatiling maayos at malinis ang mga karagatan at ilog, kinakailangan nang tanggalin ang mga illegal settlers sa paligid ng mga ito.
• Nararapat lamang na parusahan ng mga
magulang ang mga anak nilang pasaway upang maturuan ng displina at maging mabuti. HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGUMENTIBO Hindi totoo ang mga nanghuhula sa Quiapo dahil lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto na raket o modus lamang ito ng mga manloloko. PERSONAL NA INIHANDA NI MARGIE R. NUNEZ,PhD Pablo Lorenzo National High School SHS Focal Person at Guro sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Mandug, Davao City 8000