responsableng tagapangalaga ng kapaligiran (EsP5PPP - IIId – 27) pagiging mapanagutan pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran. Unang Araw: Bilang pagsisimula ng aralin, pakinggan ang awitin gamit ang Power point presentation Magpakita ng dalawang larawan. Tumawag ng mag-aaral at paghambihingin ang mga nakikita nila sa larawan. Naniniwala ba kayo na ang lahat ng ginagawa natin sa ating kapaligiran ay babalik din sa atin kung ano man ang magiging epekto nito sa ating mundo? Bakit? Bilang bata, ano ang magagawa mo para sa iyong kapaligiran? Tandaan Natin: Ang kalikasan ang tunay na ating tahanan hindi lang ang ating buhay na tinitirhan. Ito ay dapat lamang pahalagahan, ingatan, at pangalagaan. Pagtataya: Sagutin ang tanong mula sa kantang “Ang Kapaligiran”: 1.Ano ang mensahe ng awit? 2.Ano ang binigyang diin sa awitin? 3.Bilangbataanoangiyongmagaga wa para sakalikasan? Ikalawang Araw: Balik-aral: Ilarawan ang ating kapaligiran batay sa kantang ating narinig kahapon sa Kapaligiran”.
Pagganyak: Magpakita ng larawan sa mga bata, hingan sila ng reaksiyon tungkol sa larawan. Makatwiran ba ang ginagawa ng mga tao ngayon?
Kung ikaw ang nasa
sitwasyon, gagawin mo din ba ang ginagawa ng mga tao para lamang kumita ng pera? Gamit ang manila paper, gumawa ng plano kung paano ito mapapaganda. Iguhit ito ng mayroon ng plant box, mga nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at mga puno. Maglagay rin ng mga karatula ukol sa kalinisan ng kapaligiran. Pagtataya: Sumulat ng isang pangungusap mula sa larawan kung ano ang dapat gawin bilang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran sa inyong kuwaderno. Pangatlong Araw: Balik-aral: Sa paanong paraan ka makakatulong upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ating kapaligiran? Magbahagi sa mga mag- aaral ng maaari mong maging panata sa kapaligiran. Isapuso Natin Para lalo pang mapalalim at maitimosadamdamin ng mga mag- aaralangkonseptonggustongbuuin ng pangkat,makatutulongnaipagawaangsumusun od: Sabihin: 1. “Ngayong araw ay nais kong maipakita ninyo sa akin ang malalim ninyong intension namakatulong at makasunod sa mga ipinapatupad na alintuntunin sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Gagawa tayo ng isang artwork mula sa mga kagamitang ipinadala ko sa inyo kahapon.” Itanong: “Anong bahagi ng katawan ang maraming nagagawa?” Sabihin: “Ang kamay, lalo na ang palad ay gagamitin natin sa ating artwork, pagbakat sa isang buong bond paper. Berdeng watercolor lamang ang ating gagamitin. Sasagisag ito sa inyong matinding hangarin na mapangalagaan ang kapaligran. Pagkatapos na ninyong magawa ito at habang pinatutuyo ninyo ang kani-kaniyang bond paper, gawin at buuin ninyo ang panata para sa kapaligiran na nakikiisa sa mga programa at nagmamalasakit sa kapaligiran. Isulat mo ito na may disenyo o binakat mong palad sa bond paper” PANATA PARA SA KAPALIGIRAN Ako ay nilalang ng Diyos katulad ng kalikasan. Katungkulan ko ang pangalagaan ang kapaligiran at ang kalikasan.
Para sa responsableng pangangalaga ng kapaligiran,
pananagutan at pagmamalasakitan ko ang kapaligiran. Makikiisa sa mga programa na magdudulot ng maayos at ligtas na pamamaraan.
Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.
Hand stamping at panata para sakapaligiran. 1.Gamitang watercolor na berde o dyobus, lagyan ng kulayangpaladnahindiginagamitsapagsusulat. 2.Kapagsiguradokana at punona ang kulay ang bawat daliri ay sabay sabay mong iistamp sa isang nakahandang bond paper. 3.Hayaan mo itong matuyo. 4. Habangnagpapatuyo ay basahinmoangpanata para sakapaligiran. Isabuhay Natin (Ikaapat na Araw) Pangkatang Gawain
Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at sundin ang panuto para sa
bawat pangkat.
Pangkat 1- Gumawa ng skit na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.
Pangkat 2- Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran.
Pangkat 3- Gumuhit ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
Pangkat 4- Gumawa ng tula tungkol sa pag-aalaga at pananagutan sa
kapaligiran. Subukin Natin (Ikalimang Araw) Sipiin ang talahanayan at sagutin.
Gaano mo kadalas gawin ang sumusunod:
Lagyan ng puso ♥ kungpalagi, tatsulok ▲ kung paminsanminsan, at bilog ● kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Gawain Palagi Paminsan Hindi minsan 1. Hindi koitinataponsabintana ng sasakyanangmgabalat ng pagkainmataposkumainkapagako’ynagbibyahe. 2. Tumatakasakosapaglilinis ng silidaralankapagaraw ng paglilinis ng akingpangkat. 3. Nakikiisaako at tumutulongsaprogramangpangkalinisan at pangkapaligiransaamingpaaralan. 4. Pinupulotkoangmgakalatsapasilyo ng paaralankahitwalangnaguutossa akin. 5. Pinipitaskoangbulaklaksahalamanan. Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?