Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

MGA URI NG

TEKSTO
Uri ng teksto batay sa
konsepto at layunin:
1. Tekstong Impormatibo
(informative). Ito ay naglalayong
maglahad o magbigay ng
impormasyon, kabatiran at
kapaliwanagan sa mga bagay-bagay
at pangyayari ayon sa hinihingi ng
pagkakataon at panahon.
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay mga kasaysayan at
mga balita. Naglalayon din ang teksto ito na maglahad
ng mga tiyak na impormasyon at mahahalagang
detalye na may lohikal na paghahanay.
Isinasaad dito ang mga kabatiran nang naaayon sa mga
tunay na pangyayari
batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.
2. Tekstong Deskriptibo
(descriptive). Naglalayon itong
magpakita o maglarawan ng mga
bagay-bagay at mga pangyayari
batay sa nakita,
naranasan o nasaksihan.
Ang katangian ng deskriptiv ay
maihahalintulad sa pagpipinta. Ang
mambabasa ay tila direktang
nakasaksi sa mga pangyayaring
inilalahad sa pamamagitan ng
masining na paglalarawang
ginagamit ng manunulat.
3. Tekstong Persweysib
(persuasive). Tekstong ang
layunin ay manghikayat at
papaniwalain ang mga
mambabasa .
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay
ang mga nakasulat na
propaganda sa eleksyon at mga
advertisement. Naglalayon ang uri
ng tekstong ito na kumbinsihin ang
mga mambabasa na sumang-ayon
sa manunulat hinggil sa isang isyu.
4. Tekstong Naratibo
(narrative). Ito ay
nagsasalaysay o nag-uugnay
sa mga pangyayari sa
kapaligiran ayon sa
pagkakasunod-sunod..
Ang halimbawa nito ay mga akdang
pampanitikan. Para ka lang nagkuwento
ng isang bagay o isang pangyayari sa
isang kaibigan. Magaan itong basahin.
Maaaring magtaglay ng anekdotang
naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at
mga detalye ng mga pangyayari.
5. Tekstong Argyumentatibo
(argumentative). Naglalayon itong
maglahad ng mga simulain o
proposisyon upangmapangatwiranan
ang nais iparating na
kaalaman sa mga mambabasa.
Halimbawa nito ay mga editoryal. Naglalayon din
ang tekstong ito na mapatunayan ang
katotohanan nang ipinapahayag at
ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang ito.
Ang katangian ng tekstong ito ay makipagtalo
upang mapatunayan ang katotohanan nang
ipinapahayag at ipatanggap sa bumabasa ang
katotohanang ito
6. Tekstong Prosidyural
(procedural). Layunin naman ng
tekstong ito na magbigay ng
impormasyon kung papaano
gagawin ang isang bagay.
Layunin ng tekstong ito na
makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at
importansiya sa mga tao upang tagumpay na
maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente,
at angkop na paraan. Ang katangian ng tekstong
ito ay may serye ng impormasyon tungkol sa
isang bagay upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta
PAGTUKOY SA PAKSA
Sa isang teksto ay may talatang
kakikitaan mo ng pamaksang
pangungusap at mga detalyeng
sumusuporta rito upang mapalinaw ang
ipinapahayag ng paksang pangungusap.
PAGTUKOY SA PAKSA
PAKSA. Ang kaisipang paulit-ulit at binibigyang-pokus
at iniikutan ng mga pangungusap o bahagi na bumubuo
sa teksto.
PAMAKSANG PANGUNGUSAP. Tinatawag itong Topic
Sentence sa ingles. Ito ang pinaka-pokus o pangunahing
tema sa pagpapalawak ng ideya.
SUPORTANG DETALYE. Sa ingles tinatawag naman
itong Supporting Details na gumagabay na bigyang daan
ang pagpapalawak sa ideya ng paksang pangungusap.
Dapat mong tandaan na ang paksang
pangungusap ang siyang kumakatawan sa
pinakasentro ng buong teksto na sinusuportahan
naman ng mahahalagang detalye. Ito ang
pangunahing temang kumakatawan sa pinaka-
ideyang nais ipahayag ng may-akda habang
dinaragdagan naman niya ng mga impormasyong
magpapabisa at magbibigay-linaw sa kanyang
paglalahad sa teksto.
Kadalasan, makikita mo ang
paksang pangungusap sa unahang
bahagi ng unang talata o maaari rin
naming sa bandang hulihan ng
pangwakas na talata sa kabuuan ng
teksto na ang layunin ay muling
bigyang linaw at hanay ang
ipinapahayag na kaisipan.
Samantalang may pagkakataon na
maaari ring makita ang paksang
pangungusap sa gitnang bahagi ng teksto
o sa talatang nagsisilbing katawan ng
teksto. Ang layunin naman ng ganitong
istilo ay upang huwag maligaw ang
bumabasa sa kaisipang nais ipahayag ng
may-akda.
Gawain 1
Ang droga ay maaaring iklasipika
sa tatlong uri: iyong nabibili kahit
walang reseta; iyong mabibili kapag
may reseta mula sa doktor at iyong
ipinagbabawal
sapagkat illegal.
May mga droga na kung tawagin ay
stimulant gaya ng caffeine. Hindi rin ito
kailangang ireseta ng doktor
sapagkat nabibilang ito sa droga na
nabibili kahit walang reseta. Sa mga
estudyante para hindi antukin,
karaniwan na ang pag-inom ng kape.
Ang caffeine ay hindi lamang sa kape
matatagpuan. Maaari din itong
matagpuan sa tsokolate at mga
inumin tulad ng cola. Ang isa pang
halimbawa ng stimulant ay
amphetamine na kilala bilang mga
pampapayat na tableta.
Ang kabaligtaran ng stimulant ay ang depressant.
Ang mga taong umiinom nito ay nakakaramdam
ng panghihina at parang walang kontrol sa sarili.
Hindi makatayong tuwid at pasuray-suray sa
paglakad. Ang alcohol ay isang uri ng depressant.
Ang taong lasing ay walang kakayahang kontrolin
ang kaniyang pagkilos at mahina ang
pakiramdam. Ang iba pang halimbawa sa uring ito
ay barbiturate at morphine.
Ang pinakamalaking uri ng droga na
nabibilang sa mga ipinagbabawal na hallucilogen.
Ang halimbawa nito ay ang LSD, mescaline at
marijuana. Ang hallucilujen ay kilala sa tawag
na psychedelic, may epekto sa pandala, pagiisip,
kamalayan sa sarili at emosyon. Ang patuloy na
paggamit nito ay nagdudulot ng
pagbabago ng persepsyon sa oras at espasyo at
delusyon o maling paniniwala.
Sagutin:
1.Ano ang paksa ng teksto?
2. Paano mo ito natukoy? Saang bahagi ng teksto
matatagpuan ang pamaksang pangungusap at
ang mga suportang detalye?
3. Anong uri ito ng teksto?
4. Ano ang mga pahiwatig ng uri ng teksto?
Droga ang paksa sapagkat mula sa simulang talata
hanggang sa panghuli ay may pagbanggit ng salitang
droga. Ang unang talata ang siyang pamaksang
pangungusap sa pagbanggit na tatlo ang klasipikasyon
ng droga at ang mga kasunod nitong talata ang mga
suportang detalye sapagkat sa ikalawang talata
ipinahayag ang unang klasipikasyon, ang droga na
kung tawagin ay stimulant na nabibili kahit walang
reseta. Sa ikatlong talata naman ipinahayag ang
depressant na droga bilang kabaliktaran ng stimulant at
sa ikaapat na talata ang panghuling klasipikasyon ng
droga ang binanggit, ang ipinagbabawal.
Ito ay tekstong impormatibo.
Nakapagbigay ito ng impormasyon o
kabatiran ukol sa paksa, ang droga. Ang
droga na mayroong tatlong klasipikasyon:
iyong nabibili kahit walang reseta; iyong
mabibili kapag may reseta mula sa doktor
at iyong ipinagbabawal sapagkat ilegal.
Gawain 2
Gusto kong maniwala na ang tao ay nabubuhay
para sa kaniyang kapuwa. Tulungan ninyo akong
makilala ang tunay na pagsisilbi dahil gusto kong
may kausap, may nag-aaruga, may nakikinig sa
aking problema at higit sa lahat may
nagmamahal!. Ang isang taong walang pag-ibig
sa kaniyang puso ay tulad ng
halamang walang tubig.
Para sa akin, kailangang magmahal ka
upang makapagsilbi sa kapuwa na
walang hinihinhing kapalit. Pagmamahal
sa kapuwa ang susi ng tunay na
pagsisilbi. Pagdamay… pagtulong… dahil
kung wala sila,
ikaw ay mag-isa!
At hindi mo gugustuhing mabuhay nang
nag-iisa. Ayokong mabuhay nang mag-
iisa! Kailangan ko ng maraming tao na
nabubuhay para sa kapuwa. Tulad ng
halamang may tubig, patuloy itong lalago
at magbibigay ng pagkain para sa mga
nilalang na katulad natin.
Tulad ng papel na ginampanan ni
Will Smith, kinakailangan niyang
magsakripisyo para sa iba.
Natuklasan niya na ang “lunas” sa
sakit na naganap sa lugar niya ay
ang kaniyang “dugo”.
Dugo na nagtataglay ng antibodies
para malunasan ang isang
pambihirang karamdaman.
Isinakripisyo niya ang kaniyang sarili
kahit na ang katumbas nito ay ang
kaniyang sariling buhay.
Napakaraming sakit ng lipunan na ang
kalutasan ay pagmamalasakit at
pagmamahal sa kapuwa. Kung ang lahat ay
matutong pahalagahan ang iba, marahil
magiging totoo na ang tao ay nabubuhay
para sa kaniyang kapwa.

Mula sa “Ang Tao ay Nabubuhay para sa Kaniyang Kapu


wa” ni EvelynB. Autor
Sagutin:
1.Ano ang paksa ng teksto?
2. Paano mo ito natukoy? Saang bahagi ng teksto
matatagpuan ang pamaksang pangungusap at
ang mga suportang detalye?
3. Anong uri ito ng teksto?
4. Ano ang mga pahiwatig ng uri ng teksto?
Ang paksa ng teksto ay buhay ng
tao. Ang pamaksang
pangungusap na “Gusto kong
maniwala na ang tao ay
nabubuhay para sa kaniyang
kapuwa” ay nasa unahang
bahagi ng teksto.
Ang uri ng teksto ay argyumentatibo. Naglahad ang
may-akda ng kaniyang proposisyon upang
pangangatwiran na ang tao ay nabubuhay para sa
kaniyang kapuwa. Naglahad ang may-akda ng
halimbawa na ang halamang mayroong tubig ay
makapagbibigay ng buhay sa iba pang nilalang.
Naglahad din ng patunay mula sa isang pelikula ng
pag-aalay ng buhay para sa kapakanan ng kapuwa
upang mapagtibay ang kaniyang pangangatwiran.
Ang uri ng teksto ay argyumentatibo. Naglahad ang
may-akda ng kaniyang proposisyon upang
pangangatwiran na ang tao ay nabubuhay para sa
kaniyang kapuwa. Naglahad ang may-akda ng
halimbawa na ang halamang mayroong tubig ay
makapagbibigay ng buhay sa iba pang nilalang.
Naglahad din ng patunay mula sa isang pelikula ng
pag-aalay ng buhay para sa kapakanan ng kapuwa
upang mapagtibay ang kaniyang pangangatwiran.
Gawain 3.Tukuyin mo ang uri ng teksto ayon
sa konsepto at layunin ng pagkasulat nito .
a. Impormatibo
d. Argyumentatibo
b. Deskriptibo
e. Naratibo
c. Persweysib
f. Prosidyural
1. Ang Durungawan ang lugar na animo’y nasa langit
ka na ngang totoo sapagkat maraming himala at
pangitain ang matutunghayan mo rito. Makikita mo rito
ang bakas o mga yapak ng ating Panginoog Hesus at
kung talagang malinis ang iyong kalooban ay makikita
mo ang imahe ng Mahal na Birhen at ang
Pinakamamahal nating Poong Hesukristo. At sa kahuli-
hulihang yugto ng paglalakbay mo sa bundok, maliligo
ka na sa Banal na batis na binubukalan ng malinis na
tubig na siyang pinagkukunan sa ngayon ng “mineral
water”.
2. Ang pagkakaroon ng kemikal,
pisikal at biyolohikal na materyal
na nakakasira sa kalidad ngtubig
at nakaapekto sa mga
organismong umiinom at
nabubuhay dito ay tinatawag na
polusyon sa tubig.
3. Sa kasalukuyan, nakabilanggo ang ating isipan
sa pagkukulong ng wikang Filipino sa apat na
sulok ng pelikula at telebisyon, sa kwento at balita
o pasalitang kultura. Ang pagiging makabayan ay
hindi nakatali sa paggamit ng wika. Kailangan ang
wika sa pagkakaisa ng damdamin ng taumbayan
upang mapabilis na maganap ang adhikain ng
bayan.
Pagtataya

You might also like