ARALIN 3 Gamit NG Wika

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

GAMIT NG WIKA

1. INSTRUMENTAL
◦ Tumutugon sa pangangailangan ng
tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Ginagamit rin ito upang mangyari o
maganap ang mga bagay-bagay tulad
ng pag-uutos, pagsasalaysay o
pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto
sa karunungang kapaki-pakinabang.
INSTRUMENTAL
◦HALIMBAWA:
Pagpapakita ng mga
patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga nito
2. REGULATORYO
◦ Tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o
asal ng ibang tao. Itinuturing na
instruksiyon o ang pagkontrol sa
anong dapat gawin tulad ng pagtakda
ng mga regulasyon, direksiyon o
proseso sa kung paano gawin ang
isang partikular na bagay.
2. REGULATORYO
◦ HALIMBAWA:
◦ Pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon
ng lugar
◦ Pagbibigay ng direksyon sa pagluluto ng ulam
◦ Pagbibigay ng direksyon sa pagsagot sa pagsusulit
◦ Pagbibigay ng direksyon sa paggawa ng anumang bagay
3. INTERAKSYUNAL
◦Ito ay nakikita sa paraan
ng pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang
kapwa.
3. INTERAKSYUNAL
◦ HALIMBAWA:
-pakikipagbiruan
-pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol
sa partikular na isyu
-pagkukuwento
-paggawa ng liham-pangkaibigan
4. PERSONAL
◦Saklaw ng tungkuling ito ang
pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan.
HALIMBAWA
◦Pagsulat ng Talaarawan
◦Journal
5. IMPORMATIBO
◦Ito ang kabaligtaran ng heuristiko.
Kung ang heuristiko ay pagkuha o
paghanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pagsulat at pagsasalita.
HALIMBAWA
◦Pagbibigay-ulat
◦Pamanahong papel
◦Pakikipanayam
◦Pagtuturo
6. HEURISTIKO
◦Ito ay ginagamit sa pagkuha
o paghahanap ng
impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-
aaralan.
Halimbawa:
◦Kasama rito ang pag-
iinterbyu sa mga taong
makasasagot sa mga tanong
tungkol sa paksang pinag-
aaralan.
Halimbawa:
◦Pakikinig sa radyo
◦Panonood sa telebisyon
◦Pagbabasa ng pahayagn,
magasin, blog at mga aklat
GAMIT NG WIKA
Ayon kay Jakobson (2003)
PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN
(EMOTIVE)
-Saklaw nito ang pagpapahayag ng
mga saloobin, damdamin, at emosyon.
PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)
-Layuning makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at
pakiusap.
PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-
UGNAYAN (PHATIC)
-Ginagamit ang wika upang makipag-
ugnayan sa kapwa at makapagsimula
ng usapan.
PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN
(REFERENTIAL)
-Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang magparating ng mensahe at
impormasyon.
PAGGAMIT NG KURO-KURO
(METALINGUAL)
-Gamit ng wikang nagpapalinaw sa mga
suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay
ng komento sa isang kodigo o batas.
PATALINGHAGA (POETIC)
-Gamit ng wika sa masining na
paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

You might also like