Kahalagahan NG Kulturang Popular

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KAHALAGAHAN

NG KULTURANG
POPULAR
Ang kulturang popular ay nagbibigay sa mga
tao ng pagkakalilanlan at kahulugan.Ito ay
nagpapahayag ng mga pangunahing
pagpapahalaga at interes ng isang partikular
na grupo o lipunan. Sa pamamagitan ng mga
aspeto ng kulturang popular tulad ng musika,
sining, moda, at iba pa, nagkakaroon tayo ng
paraan upang ipahayag ang ating sarili at
magkakilanlan bilang indibidwal o bilang
bahagi ng isang grupo.
 Ang kulturang popualar ay nagbibigay-daan sa mga
tao na magkakasama at magkaroon ng mga
komunidad na may mga pambansang o internasyonal
na interes. Ito ay nagbubuklod sa mga tao sa
pamamagitan ng kanilang pagtangkilik at
pagkakaroon ng mga paboritong pelikula, palabas sa
telebisyon, musika, at iba pa. Sa pamamagitan nito,
nagkakaroon tayo ng mga plataporma at espasyo
para makipag- ugnayan sa iba’t ibang tao may
parehong interes.
Ang kulturang popular ay malaking bahagi ng industriya at
ekonomiya. Ito ay naglilikha ng trabaho at oportunindad
para sa mga manggagawa sa iba’t ibang sector tulad ng
musika, pelikula, sining, pagsusulat, at iba pa. Ang mga
produkto at serbisyo na nag uugnay sa kulturang popular ay
nagbibigay ng kita at nagpapalakas sa ekonomiya ng isang
bansa.
Ang kulturang popular ay may kakayahan na maghatid
ng mga mensahe at ideya sa malawak na bilang ng mga
tao. Ito ay nagbibigay-daan sa pagpapalaganap ng mga
isyu at adhikain.
Mahalaga ang kulturang popular dahil madalas na
nabubuhay tayo araw-araw na walang kamalayan na
bahagi ng ating persona ang kuturang popular, ito ang
ugat ng ating mga sinusuot, kinakain, pinapakinggan,
pinapanood at iba pa.

Nagbibigay ang kulturang popular ng katiwasayan sa


ating mga kagustuhan dahil inaaprobado ito ng
maraming tao. Sumusunod ito sa paniniwala na
mapaniwalaan at may batayan ang sinasabi ng
karamihan.
 Mahalaga ang kulturang popular para sa mga negosyante. Sila ang isa sa
mga nakikinabang sa kulturang popular. Nagiging isang kagamitan o
commodity ang kulturang popular para sa karamihan dahil hindi na
kinakailangan humanap ng mga paraan para alukin ang masa. Ang masa
mismo ang gumagawa ng mga paraan para lumaganap ang ano mang
bagay o produkto. Dito nangingibabaw ang kahalagaan ng teknolohiya sa
kulturang popular. Nagiging daan ang kulturang teknolohiya para sa
epektibong sirkulasyon ng produkto, maging print, broadcast, internet at
iba pa. Sa ganitong pamamaraan, habang napapadali at gumiginhawa
ang buhay ng mga negosyante, nasisiyahan naman ang masa. Marahil
may ibang klaseng saya ang nadudulot ng masa sa pagiging bahagi ng
kulturang popular, hindi nila namamalayan na sila ay gumaganap na
instrumento para sa mga negosyante.
Sa pangkahalatang pananaw, ang kulturang popular ang
realidad ng masa. Lahat ng ating kinikilos ay nakabase sa
kulturang ginagalawan natin. Kahit may mga iba’t ibang mga
pag-uuri sa lipunan at may sari-sariling paniniwala, hindi natin
maiiwasan at matataguan ang kulturang popular lalo na sa
panahon ngayon kung saan tayo ay nasa teknolihiyang era.
Kahit hindi natin aminin, lahat tayo ay tumutulong sa pag-usbong
ng kulturang popular. Kahit mahalin natin or kasuklaman ang
isang ideya, lalo nating itinataguyod ang produkto sa
pamamagitan ng pagtatanggap sa ating kultura.

You might also like