Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1. Ngayong Linggo ang araw ng pamilihan.

May dalang
paninda ang mga tao. May sitaw, bataw, kasoy,
kalabasa, talong, sayote at patola. May mga tao rin na
namimili ng mga isda, karne at prutas. Ang mga ito ay
masustansiyang pagkain na nagbibigay lakas sa mga
tao.
• A. Ang mga Masayang
• B. Ang mga Gulay, Prutas at Karne Tao
• C. Ngayong Linggo ang Araw ng Pamilihan
• D. Ang Araw ng Pamilihan
2. Si Ana ay may alagang aso at pusa. Masaya silang
naglalaro sa hardin ng kanilang bahay. Araw-araw ay
kaniya itong pinapakain ng masasarap na pagkain.
Tuwing umuuwi siya pagkatapos ng kaniyang klase ay
nag-aantay na ang kaniyang mga alaga. Kaya naman ay
mahal na mahal ito ni Ana.
• A. Masayang mga Hayop
• B. Ang Alagang Aso at Pusa ni Ana
• C. Si Ana ay may mga Alagang Aso at Pusa
• D. Ang Araw sa Eskuwela
3. Anong angkop na pangatnig ang dapat ilagay sa patlang? Mabigat
ang trapiko _________ nahuli ako sa klase.
A. sino B. dahil sa C. sa wakas D. kaya

4. Lalabhan ko ang damit ni Joel __________ paplantsahin ko ang


uniporme ni Ali. Anong angkop na pangatnig ang ilagay sa patlang para
mabuo ang pangungusap?
A. habang B. kapag C. at D. kailan

5. Anong angkop na pangatnig ang ilagay sa patlang para mabuo ang


pangungusap? Gusto nilang maglaro sa palaruan ________
pinagbawalan silang lumabas ng bahay.
A. pero B. at C. saan D. marahil
6. Masarap magluto si Rosa ng adobong manok.
• A. Ang salitang masarap ay pang-abay dahil
naglalarawan ito sa salitang-kilos na nagluluto.
• B. Ang salitang masarap ay pang-abay dahil
naglalarawan ito sa salitang-kilos na magluto.
• C. Ang salitang masarap ay pang-abay dahil
naglalarawan ito sa salitang-kilos na si Rosa.
• D. Ang salitang masarap ay pang-abay dahil ito ay
naka-highlight.
7. Mabango ang bulaklak ng sampaguita nang inamoy ito ni
Patchie.
• A. Ang salitang mabango ay pang-uri dahil naglalarawan ito
sa bulaklak.
• B. Ang salitang mabango ay pang-uri dahil naglalarawan ito
sa salitang inamoy.
• C. Ang salitang mabango ay pang-uri dahil naglalarawan ito
sa bulaklak ng sampaguita.
• D. Ang salitang mabango ay pang-uri dahil talaga naming
mabango ang bulaklak ng sampaguita.
8. Alin ang wastong pangungusap gamit ang pariralang
pang-abay at pandiwa ayon sa larawang ito.

• A. Mabilis ang kalapati na lumipad.


• B. Mabilis tumakbo ang kalapati.
• C. Ang kalapati ay simbolo ng kapayapaan.
• D. Mabilis lumipad ang kalapati.
9. Alin ang wastong pangungusap gamit ang pariralang pang-
abay at pang-uri ayon sa larawang ito.

• A. Masipag mag-aral si Jojo kaya nangunguna siya sa klase.


• B. Masipag na bata si Jojo kaya nangunguna siya sa klase.
• C. Nagbabasa ng kuwento si Jojo kaya nangunguna siya sa
klase.
• D. Tamad na bata si Jojo kaya nangunguna siya sa klase.
10. Alin ang mas magandang pasyalan, E-Park o G-Mall? Kung ito ang
argumentong pagdedebatehan at ikaw ay nasa panig ng E-park, anong
angkop na pagpapaliwanag?

• A. Mas magandang pasyalan ang G-Mall dahil mahilig akong magsine


kasama ang aking pamilya.
• B. Mas magandang pasyalan ang E-Park dahil hindi ito magastos at
mas nakagagaan ng pakiramdam dahil sariwa ang hangin.
• C. Ang E-Park ay isa sa mga pasyalan sa Lungsod ng Tagum na may
Holiday Christmas Tree.
• D. Mas magandang pasyalan ang E-Park dahil maramig panindang
banana cue at buko juice sa labas nito.

You might also like